Naranasan nyo nabang magkagusto sa taong ayaw naman sayo?
Naranasan nyo nabang gawin ang lahat para lang makuha mo sya?
Naranasan nyo nabang magkagusto sa lalaki na lalaki rin ang gusto?
"Panalangin ko sa habang buhay makapiling ka makasama ka~
yan ang panalangin ko, at hindi papayag ang pusong ito~
mawala ka saking piling mahal ko iyong dinggin~
At wala ng iba pang mas mahalaga sa tamis na dulot ng pag-ibig~
nating dalawa, sana naman makikinig ka kapag aking sasabihin~
minamahal kita~
Panalangin~ Panalangin ~
Minulat ko ang aking mata at tiningnan ang mga taong nakangiti at nagpapalakpakan, ngumiti ako sa kanila ng pilit tsaka inayos ang aking dala-dalang gitara. Ito ang trabaho ko tuwing gabi kung saan-saan club ako tumutugtog at tuwing umaga naman ay nagtatrabaho ako sa isang coffee shop.
"Filter ang ganda talaga ng boses mo!" Pambungad saken ng bestfriend kong si Iris. ngumiti ulit ako sa kanya ng pilit
"Haynako. Inom tayo?" Bago pa ko nakasagot ay tumawag na sya ng waiter. Naisip nya rin siguro na kailangan kong maging masaya. Umupo ako sa tabi nya.
"Umayos ka nga filter! wala kang mapapala dyan kung magmumukmok ka!" sabi nya pagkaalis nung waiter.
"Eh anong gusto mo tumawa ako, kahit hindi naman ako masaya? ganon?"
"Ano kaba filter! Sayang ang ganda mo kung iiyak ka lang dyan! kaya nga tayo magsasaya diba?" Napangiti ako sa kanya. Mahal na mahal ko talaga tong bestfriend ko.
"Oo na, Oo na. Kulit mo haha" Pilit kong tawa.
"Ay! Oo nga pala! Tinawagan ko kanina sina nathan na pumunta dito! siguro ay malapit na yon" sabi nya habang tinitingnan ang kanyang cellphone.
"Hey!!"
"Oh nathan! nandyan na pala kayo" sabi ni iris habang nabeso sa kanila.
"Oo nga e. Kanina pa kayo?" tanong naman ni jusper
"Ah hindi nagperform kasi si filter e!"
"Oh hi filter!" masayang bati saken ni jusper.
Nung dumating na yung order nami. kanya-kanya na kaming tagay .
"Sana makamove-on na si filter! cheers!" sabi ni bea na halatang may tama na.
"Cheers!" sigawan naman nila jusper na halatang may tama na rin. Pagkatapos namin mag-inom ay kinuha ko muna yung bayad saka kami umalis.
"Sge salamat iris! filter! mag-ingat kayo" sabi ni nathan habang akay-akay sina bea at Jusper.
Sinakay ko na rin si Iris sa sasakyan. Sa condo ko na lang muna sya matutulog, Mukhang papagalitan sya nila tito at tita kung iuuwi ko sya ng lasing.
"Ambigat mo naman Iris!" sabi ko habang akay-akay si Iris papuntang elevator
"Parang ikaw yung brokenhearted sating dalawa ah?"
Siguro mapagkakamalan akong baliw dito dahil kinakausap ko yung tulog.
Pagkarating ko sa room agad ko syang binagsak sa kama. Hindi ako masyado uminom dahil may trabaho pa ko bukas. At kung iinom ako ng marami ay malamang hindi ako makakapag trabaho ng maayos dahil sa hangover. Kailangan ko ng matulog dahil bukas ay maaga pa ang gising ko.
BINABASA MO ANG
Regrets
FanfictionProlouge Naranasan nyo nabang magka gusto sa taong ayaw naman sayo? Naranasan nyo nabang maghabol sa taong tinutulak ka naman palayo? Naranasan nyo nabang magkagusto sa lalake na lalake rin ang gusto? What will happen if you fall inlove with a gay?