Pagkatapos kong magbihis ay lumabas narin agad ako ng kwarto. Naabutan kong nakaupo si Alvin sa sofa habang nagbabasa ng magazine ng makita niya ko ay tumayo narin agad siya.
"So hatid na kita?" Tanong niya. Tumango lamang ako. Ng makalabas kami ng condo ay dumiretso kami sa kanyang sasakyan.
"Thanks" sabi ko at pumasok sa loob ng sasakyan. Tahimik lang kami tanging radyo lang ang naririnig namin. Ng makarating kami sa coffeeshop ay lumabas nako ng sasakyan.
"Salamat nga pala" Sabi ko.
"Sige, mamaya susunduin kita" Sagot niya. Napakunot ang noo ko.
"Ha? hindi na kailangan" Sabi ko.
"Basta. Sasamahan ulit kita mamaya sa trabaho mo mamayang gabi" Hindi nako nakaangal dahil nagpumilit siya. ng makaalis na si alvin ay pumasok narin ako sa loob.
Sinalubong ako ni Mika na naka ngisi.
"Hmm. Ang gwapo ng jowa mo Filter!" Sabi niya.
"Oo alam ko yon Mika!" Sabi ko sabay iling. Tanong siya ng tanong kung gano ka sweet si Alvin. Napapailing na lamang ako sa kabaliwan nito. Kumain muna ako ng tanghalian at pagkatapos non ay bumalik rin agad ako sa trabaho. Andami naging costumer ngayon. Tag lamig kasi. Pagkatapos ng trabaho ko ay nagbihis ulit ako. Pagkalabas ko ng coffeeshop ay wala parin si Alvin, nasan na kaya yon? Umupo ako sa may hagdanan. Takte uulan ata? Makulimlim e. Tumingin ako sa orasan ko 6:00 na pala. Naghintay ako ng mahigit 3 hrs na wala parin si Alvin hanggang bumuhos na ang malakas na ulan. Nilalamok nako dito! Nababasa narin ako ng ulan! Fuck alvin where are you? Pumara nako ng taxi at dumiretso sa condo. Feel ko maiiyak nako anytime tutulo na tong luha ko. Damn Alvin! Naligo ako saglit at umalis na sa condo.
Sa NightBar na ang diretso ko isang bar lang ang kakantahan ko. Pagpasok ko sa loob ay amoy ko na agad ang mga nagyoyosi. Ang mga malalakas na tugtog. Sinalubong ako ni Jayson, isa sa mga bartender dito."Hey! kakanta kana?" Tanong niya sakin. Umiling ako.
"Maya-maya siguro"Sagot ko. Umupo ako sa may isang table na walang nakaupo. Umorder ako ng isang tequila, nanonood lamang ako sa mga taong nagsasayaw. Nasan kaya si iris? Maitext na lamang siya. Lumagok ulit. Ansarap mag-inom kapag may problema ka. Umorder ako ng isang stick ng malboro. Ngayon na lang ulit ako nakapag yosi dahil dati ay tinigilan ko nato. Sinindihan ko na ito. Nakakawala ng problema. Napatingin ako sa harapan ko dahil may biglang nag-alis ng aking yosi. mygod.
" Ano bang problema mo? Bakit nagyoyosi kana naman?" Si Iris. yung bestfriend ko. Bigla ko siyang niyakap.
"Iris" sabi ko.
"Oh? Anyare sayo? Bat malungkot ka?" Tanong niya.
"Wala, Trip lang" Sagot ko.
*Pak!
"Aray ha" Sabi ko sabay hawak sa ulo ko.
"Umayos ka kasi" Sabi ni sabay upo sa tabihan ko.
Bumuntong hininga ako at umiling.
"Hays. Naiinis lang ako"
"Bakit ba kasi?" Tanong niya. Bumuntong hininga ulit ako.
"Pinag hintay kasi ako ni Alvin kanina" Tumaas ang kaniyang kilay.
"Bakit ka niya pinaghintay?" Tanong niya.
"Sabi niya kasi susunduin niya at sasamahan ngayon" Sagot ko.
Napailing siya
"Tsk. Tamo dapat talaga hindi kana pumayag don sa fake boyfriend thingy na yan!" Sabi niya.
"Baka may importante lang ginawa" sabi ko sabay kibitbalikat at lumagok ulit ng isa. Bigla niyang inagaw ang bote na iinumin ko sana ulit.
"Itigil mo nga yan!" Sabi niya sabay layo ng alak sakin. Pilit ko ulit tong kinukuha pero ayaw niya talaga ibigay.
"Hays. Umuwi ka na lang mag pahinga kana. Ihahatid na lang kita" Sabi niya habang hinihigit ang kamay ko. Tsk mukhang hindi nako makaka kanta. Nagpaalam ako saglit kay jayson na hindi muna ako kakanta dahil pagod nako sa trabaho ko kanina. Pumasok nako sa loob ng sasakyan ni Iris at sumandal sa may bintana. Naiinis ako na naiiyak. Bakit hindi man lang siya nagtext na hindi niya ko masusundo para hindi man lang ako maghintay sa wala. Damn it. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Ayoko na muna siyang isipin dahil maiinis lamang ako. Nakatulog ako ng ka onti pero nagising lamang ako ng may naramdaman kong tumapik sa may pisngi ko.
"Filter nandito na tayo" Sabi ni Iris. Napamulat ako ng mata. Nandito na nga kami sa may condo ko. Ngumiti ako sa kanya"Salamat sa paghatid naabala pa kita"
"Okay lang yon, matulog kana" Sabi niya sabay ngiti sakin. Ngumiti lamang ako sa kanya at tuluyang lumabas ng sasakyan, kumaway ulit ako sa kanya tsaka pumasok sa condo. Medyo nahihilo parin ako pero nakakapag lakad pa ko ng diretso. Pag akyat ko sa 4th floor ay may nakita akong lalaki sa may tapat ng condo ko hindi ko pa nakikita ng todo dahil malayo pa ko sa kanya. Ng makarating ako mismo ay tsaka ko lang napagtanto kung sino. Napataas ang kilay ko. Anong ginagawa niya dito?
Napansin niya atang may tao sa harapan niya kaya nung nakita niya ko ay tumayo agad siya."Filter im so-"
"Get out of my way" Diretso kong sabi.
"Alam kong galit ka sorry sorry may importante lang kaming pinuntahan" Pag e-explain niya.
"Okay" Simpleng sagot ko habang binubuksan ang pintuan. Ng mabuksan ko na ay agad akong dumiretso sa kusina para uminom. Nanunuyo ang lalamunan ko. Ng mapansin kong papalapit siya sakin ay agad akong lumayo at padarag na nilagay sa lababo ang baso.
"Please Filter, I'm really sorry" Sabi niya habang sinusundan ako papasok sa kwarto.
Kumuha ako ng malaking T-shirt at short.
"Babawi ako sayo" Sabi niya."No need" Malamig na sabi ko.
"Shit. Sorry tala-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil naririndi lamang ako.
"Look Alvin, I'm really tired go home! Magpapahinga nako! Wala kang mapapala dito!" Diretso kong sabi tsaka balibag ng pinto ng Cr.
Napapikit ako mariin at napailing. Damn Filter! Fake girlfriend ka lang niya! Fake lang! Wag kang mag-inaso diyan!
BINABASA MO ANG
Regrets
FanfictionProlouge Naranasan nyo nabang magka gusto sa taong ayaw naman sayo? Naranasan nyo nabang maghabol sa taong tinutulak ka naman palayo? Naranasan nyo nabang magkagusto sa lalake na lalake rin ang gusto? What will happen if you fall inlove with a gay?