Pumasok nako sa loob, naghilamos lang ako at nagpalit ng pantulog. Hindi parin mawala sa isipan ko yung ipapakilala ako bukas ni alvin sa mga magulang nya, omaygad. Pano pag hindi nila ako nagustuhan? Hays! Fake lang naman to diba? Tama tama! Fake lang to!
Nagising ako ng mga 8:30, naligo muna ako tsaka nag-almusal saglit, Umalis narin agad ako. Pagkarating ko sa coffeeshop. Sinalubong agad ako ni Mika.
"Hoyyyy! Anyare sa date nyooooo?" Masayang tanong nya saken.
"Ha? Date? kanino?" tanong ko ng medyo nagtataka.
"Duhh! Edi ni Fafa Alvin! Pakeme kapa!"
"Tsk, Hindi kase date yon" sabi ko habang inaayos yung mga lagayan ng cups.
"Asus! Crush mo naman! ang gwapo nya kaya!"
"Alam kong gwapo sya pero hindi ako magkakagusto sa kanya lalo na't bak-"
Ay shet wala dapat makaalam na bakla sya.
"Oh natigilan ka? ano yon?"
"Ha? sinasabi mo?" Tanggi ko rito.
"Eee! may sinasabi kaa!"
"Talaga? Wait..Ah Oo! may kukunin ako sa kitchen! bye!" sabi ko sabay alis.
Shit. Muntik na yon ah! Gaga ka talaga Filter! Pagkatapos ng mahabang trabaho, nag-ayos muna ako saglit. "Filter! may nag-aantay sayo!" sabi ni Mark habang nakangisi. Si Alvin siguro yon. Nagpaalam nako sa kanila, inasar pa nga ako ni Mika e. Nakita ko nakasandal si Alvin sa sasakyan, Ang gwapo nya! takte bakla ba talaga to?
"Hey" sabi ko ng makalapit sa kanya. Ngumiti sya saken. "Hi bes!" sabi nya sabay beso saken.
"So? where are we going?" Tanong ko.
"Sa bahay! Nung nalaman ni mommy na may ipapakilala nako sa kanina ay magluluto daw sya ng mga pagkain"
Pumasok nako sa loob ng sasakyan. "So filter kailangan natin maging sweet kapag nandyan lang naman sila"
"Like holding hands?"
"Uh yes" First time kong mahahawakan ang kamay nya! Tumigil kami sa isang malaking bahay. shet mansyon ba to? sinimulan nakong kabahan, okay kaya yung mukha ko? Para akong pinag papawisan ng malamig.
"Hey are you okay? you look nervous"
"H-ha? P-pano k-kapag di nila ako nagustuhan?" ano ba naman yan filter! Fake lang naman to. Ngumiti sya saken. "Don't worry magugustuhan ka nila" sabi nya sabay hawak sa kamay ko.
*DUG *DUG *DUG
Huh? ano yon? Ajuju. Ng makapasok kami sa loob ng mansyon nila ay may sumalubong sakin na isang magandang babae.
"Hello ija! ikaw ba ang girlfriend ng anak ko?" Tanong nya saken. Anak? so mommy to ni Alvin? Ambata pa ng mommy nya! "A-ah O-opo" sabi ko habang nauutal.
"Yieee! ur so pretty! anong name mo ija?"
"Filter Perez po" Sagot ko.
"Nice name! Marunong ka pumili Alvin" sabi nya sabay baling ng tingin kay Alvin.
"I know mom, I'm hungry" sabi ni alvin.
"Oh! Let's eat! Hey ija! call me tita Janine" sabi ng mommy ni alvin.
"Ahh sge po"
Pumunta na kame sa hapag, may isang mahabang lamesa na puno ng pagkain, Teka marami ba kaming kakain?
"Mommy bat andaming pagkain?" tanong ni Alvin habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko.
Nakangiti si Tita Janine habang nakatingin samin. "Well may Girlfriend kana anak! akala ko ay bakla kana!" sabi ni Tita sabay halakhak. Muntik narin akong matawa ngunit pinigilan ko.
BINABASA MO ANG
Regrets
FanfictionProlouge Naranasan nyo nabang magka gusto sa taong ayaw naman sayo? Naranasan nyo nabang maghabol sa taong tinutulak ka naman palayo? Naranasan nyo nabang magkagusto sa lalake na lalake rin ang gusto? What will happen if you fall inlove with a gay?