Pagkalabas ko ng cr ay wala na siya don siguro'y umalis na yon. Lumapit ako sa may table dahil may nakadikit na note don.
Alam kong galit kapa rin sakin.
babawi ako bes.
Napabuntong hininga ako ng malalim tsaka humiga sa kama at pinatay ang ilaw.
Kinabukasan
Nagising ako ng maramdaman ko na ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napabangon ako at napahawak sa sintido ko. Damn anong oras naba? Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Mika na mala-late ako ng pasok. Napatigil ako sa pag ta-type ng biglang nagtext si Alvin.
From: Alvin
Hey Goodmorning :) Rest day mo ngayon diba? magkita tayo sa may mall at 5pm See you
Napasapo ako sa aking noo, shet restday ko nga pala ngayon. Pero teka pano nalaman ni Alvin ang schedule ko? damn. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Medyo masakit parin yung ulo ko dahil sa nainom ko kagabi. Ng bandang 4:30 ay tsaka ko lang naalala na pinapapunta nga pala ako ni Alvin sa mall.Damn pupunta ba ko? shizz bahala siya! pinag antay niya rin ako kahapon! siya naman paghihintayin ko ngayon! Inabala kopa rin ang sarili ko sa pag lilinis ng bahay kahit bumabagabag sakin si Alvin. Napatingin ako bigla sa may bintana. Makulimlim siguro'y uulan. Pagkatapos kong maglinis ay dumiretso nako sa kwarto para magpahinga. Biglang bumuhos ang malakas na ulan, anong oras naba? 5:30 na pala. Biglang kong naalala si Alvin. Damn. Siguro nama'y nasa loob yon ng mall at nagpapatila. Napatingin akos aking cellphone ng biglang tumunog ito.
Iris Calling......
"Hello?"
"FILTER!! JUSKO!"
Nilayo ko ng konti ang cellphone ko sa aking tenga dahil sa sobrang lakas ng kanyang sigaw."Ano ba! Iris! Hindi ako bingi"
"Eh kasi naman! Nakita ko si Alvin jusko basang-basa ng ulan!"
"Ha!? Jusko! Bat hindi siya nagpatila!"
"Aba ewan ko! Ikaw girlfriend e!"
"Nako naman!!"
"Siguro papunta na yan diyan! Nako Filter! Anong ginawa mo?"
"Ano!? Damn. Basta"
Napatigil ako ng may narinig akong may nag doorbell. Nandyan na siya.
"Iris mamaya ka na lang tumawag, nandyan na siya"
"Nako Filter, Sige bye"
Binaba ko na agad ang tawag at lumabas ng kwarto medyo kinakabahan parin ako. Kasalanan ko to e. Nasa may pinto nako. Huminga muna ako ng malalim tsaka binuksan ang pinto. Tumambad sakin ang basaan niyang katawan at nanginginig ito.
"Bat kaba nag-paulan!?" Tanong ko dito habang inaakay siya papasok. Hindi siya naimik dahil nga sa nanginginig siya. Dumiretso ako sa cr para kumuha ng tuwalya.
"Bat hindi ka man lang nagpatila ng ulan!?" Tanong ko dito tsaka pinunasan ang braso.
"Ipagtitimpla ko muna ikaw ng kape" Sabi ko tsaka inabot sa kanya ang tuwalya.
Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay dumiretso agad ako sa sala.
"Oh eto kape" Sabi ko."Salamat" Malamig nitong sabi.
Ambang aalis sana ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Saglit lang"
Anlakas ng tibok ng puso ko. Pinagpapawisan ako ng malamig.
"B-bakit?" Tanong ko tsaka nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Regrets
FanfictionProlouge Naranasan nyo nabang magka gusto sa taong ayaw naman sayo? Naranasan nyo nabang maghabol sa taong tinutulak ka naman palayo? Naranasan nyo nabang magkagusto sa lalake na lalake rin ang gusto? What will happen if you fall inlove with a gay?