Chapter 1

1.8K 137 12
                                    

AUTHOR's NOTE:

Para sa peyborit kong otor. Ang pinakahambog sa lahat! The Author of He's Into Her Season 1 and 2. Maxine...habulin nawa ako ng mga puso! d^_^b

-------------------------------------------------------------------------------------

“Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option.” 

― Mark Twain

 -------------------------------------------------------------------------------------

HEARTBREAK:

Although "heartbreak" ordinarily does not imply any physical defect in the heart, there is a condition known as "Takotsubo cardiomyopathy" (broken heart syndrome), where a traumatising incident triggers the brain to distribute chemicals that weaken heart tissue.

---------------------------------------------------------------------------------------

 Lyva's POV

Naluluha akong tumingin sa kanilang ginagawa. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin ng dalawang taong pinagkakatiwalaan ko ang bagay na nakikita ko. Ang puso ko'y tila pinipiga at ang sakit-sakit na.

Ang boyfriend ko at ang bestfriend ko naghahalikan. Yan lang naman ang nakikita ko ngayon. Isang simpleng pangyayari na nasaksihan ng isang simpleng babae na namumuhay bilang isang simpleng estudyante. Pero alam ng puso at isipan ko na hindi ako simpleng magmahal.

Binigay ko ang lahat sa anim na buwan ko ng kasintahan. Inalagaan ko siya ng mabuti. Pinaramdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Pero bakit? Bakit niya nagawa to. Akala ko mahal niya rin ako. Akala ko masaya na siya sa akin. Nakikita ko naman na hindi siya nagsisinungaling sa kanyang mga aksyon. At ngayon ko lang nalaman na akala ko lang pala iyon.

My bestfriend. I have been sincere with all my action towards her. I defend her from other students who talk back against her telling her, she is a bitch. Ginawa ko ang lahat para makita niyang deserving ako maging kaibigan niya kahit na sobrang ganda niya at ako naman ay commoner lang ang pagmumukha. Hindi ko pala nakita na peke pala siya at inaahas niya na pala ang boyfriend ko.

Palayo na sana ako dahil hindi na kayang tanggapin ng aking isipan na totoo ang lahat ng nakikita ko. Ngunit tila hinahamon ng tadhana ang kalakasang naiiwan sa akin nang marinig ko ang bawat salitang namutawi sa kanilang mga bibig. Kaya tumingin ako ulit sa kanila.

"Akala ko ako lang ang gumagamit sa kanya para mapalapit sayo." sabi ni Sycy, ang bestfriend ko, kay Razen, ang boyfriend ko. "Ikaw rin pala. Hindi ako nagsayang ng limang buwan sa pakikisama sa kanya at ngayon nakuha ko na ang dapat ay sa akin. Saka, hindi bagay ang gwapong katulad mo sa pangit na katulad niya. Hindi ka ba nandidiri kapag hinahalikan mo siya?" patuloy niya at hinalikan muli si Razen sa labi.

Ngumiti lang si Razen kay Sycy pagkahiwalay ng kanyang labi. Doon ko nakumpirma na nagtitiis lang pala siya sa akin. Tinitiis niya lang pala ang pagmumukha ko. Nandidiri pala siya akin. Napakatanga ko.

Umalis na ako roon at tumakbo. Nagbiblur na ang aking paningin dahil hindi ko na mapigil ang pagdaloy ng masaganang luha mula sa aking mata. Napapahagulhol rin ako sa iyak habang tumatakbo. Hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit marami na akong estudyanteng nabubunggo at marami na rin mga taong nakakapansin sa pag-iyak ko.

Tumigil lang ako sa harap ng guard upang magsabing lalabas ako. Pinalabas rin ako ng guard. Kilala kasi ang pamilya ko dito sa school. Isa sila sa may pinakamalaking share sa school. Pero hindi ito alam ng lahat dahil ayaw kong tratuhin ng iba dahil napilitan lang sila. Gusto ko normal lang ang pakikitungo nila sa akin.

Shout OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon