Chapter 4

827 80 19
                                    

AUTHOR's NOTE

Dahil nagka50 votes bigla. Kaya Heto na naman ang UD.

VOTE and COMMENT

---------------------------------------------------

Lyva's POV

Papasok na sana kami ni Pherb sa cafeteria, bigla na lang may mga nagsasalita. Sa likod namin. Sa gilid at basta....marami sila.

"Akala mo kung sinong maganda kong maglakad, napakapangit naman."

"Akala mo pangmodelo ang kagandahan, eh mukha namang basurahan. Hahaha."

"Napakailusyunada talaga itong bagong saltang panget dito. First year siguro yan."

Hindi ako ang pinagsasabihan niyan. Maganda ako. Sa sobrang ganda ko pati mga salitang pampangit ay nahihiyang kumawala sa bibig ng mga tao.

Tumingin ako sa paligid kung sino ang pinagsasabihan nila. Pati si Pherb nakiusyuso na rin. Tinignan ko ang tinititigan ng mga tao. Nakatingin sila sa amin. Ay hindi pala. Nakatingin pala sila sa taong nasa harapan namin na kung makatingin ay parang lalamunin ka sa umaapaw niyang confidence.

Grabeng panget to. Kung umasta mas maganda pa sa akin. Nakakatuwa.

"Alis!" bigla niyang sabi sa akin.

Sa akin kasi siya tumitingin at hindi niya pinapansin si Pherb. ANong problema nito?

"Ano?" sabay naming sabi ni Pherb.

"Hindi kayo aalis o itutulak ko kayo? Lalabas kasi ako." kami pa ang magpaparaya sa pangit na ito. Anong akala niya magpapatalo ako sa kanya. Hinding-hindi.

Sasabat pa sana ako. Pero inunahan na ako ni Pherb. Naiinis na rin siguro siya sa paraan ng pakikitungo ng pangit na ito. "Sa maganda niyang mukha" turo ni Pherb sa akin "at sa gwapong mukha kong 'to, kami pa ang aalis. E di ikaw ang tumabi, kasi pangit ka." nagsabi naman ng tama ang nakapaligid sa amin.

"Ako?! Panget?! Hahahah!" tumawa siya ng malakas. "Sa lagay niyong yan, maganda at gwapo kayo? Nagpapatawa ba kayo? Kasi natatawa ako. Hahaha." nag-akto pa siyang sumasakit ang tiyan.

Bigla naman siyang sumeryoso. Baliw. "Maganda ako. Kaya tumabi kayong...mga pangit kayo." sigaw niya at sabay tulak pa sa amin. Pero hindi kami napaalis.

"Sinong nagsabing sayo na maganda ka?" tanong ni Pherb.

Hahaha. Sino kayang nag-uto sa kanya na maganda siya. Nakakatawa talaga ang ilusyunadang Panget na to.

"Nanay ko." taas noo niya pang sabi. Wow, confidence, umaapaw. Lunod ako nito ah.

"Hahaha. Inuuto ka lang ng nanay mo." nakitawa na rin ako kay Pherb. Grabe ang nanay nya hah. Pinaniniwala ang anak sa isang kasinungalingan at tinatago ang masakit na katotohanan. Hahaha.

"Sino ang paniniwalaan ko? Ikaw? Hahaha. Ano ako uto-uto? Ngayon lang nga kita naka-usap, paniniwalaan na kita. Kaya chupi, nasisira ang maganda kong aura." sabay tlak sa amin at nakadaan siya sa pagitan namin ni Pherb. Naglakad siya with matching umaapaw na confidence.

Pumasok na lang kami ni Pherb. Napapatawa pa rin ako sa ginawi ng panget na yon.

"Nakakainis ang pangit na yon. Akala mo kagandahan." napatingin bigla ako kay Pherb. Apektado much?

First time niya kasing masabihan na panget. Sa pangit pa nagmula. Hahaha. (Plug lang ng story ng ILUSYUNADANG PANGET - now-ongoing. Eto yung story na pati ako nahook. Sana mahook rin kayo nito.)

"Hayaan mo na lang 'yun. Masyado ka namang nagpapaapekto. Hindi naman totoo yung sinabi niya. Nakakatawa ang panget na yun, infairness. Pinaganda niya araw ko." nakita kong nainis ng konti si Pherb sa sinabi ko.

Hmmm. Parang may nakikita ako sa darating na mga araw.

"Dito na lang kaya ako mag-aral. Ano? Para mabantayan kita lalo at masamahan sa pagpaplano upang manggulo. Ano, baby ko?" at pinataas-baba pa ang kilay niya habang sinasabi iyon.

"Ako nga ba ang dahilan niyan, Pherb o yung panget na nakita natin kanina?" tukso ko sa kanya.

"Hindi ah. Pero nakapagdesisyon na ako. Dito na ako papasok." pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang phone. 

Pagkababa niya ng phone ay tumingin siya sa akin. "Dito na ako mag-aaral, baby ko." He said pouting. Bading lang talaga oh. "Magkakasama na tayo. Ipapaprocess na nila ang papers ko. Tatawagan na lang ni Papa ang registrar's office. Excited na ako baby ko." umakbay pa siya sa akin.

Hinayaan ko lang ang kamay niya. Naghanap kami ng mauupuan. Pinaupo niya muna ako at nag-order naman siya ng pagkain.

Habang wala pa si Pherb ay siya namang pagpasok ng dalawang ahas. Tumingin sila sa gawi ko. Tinaasan ko lang sila ng kilay. Ngumisi naman si Sycy habang nakapulupot sa braso ni Razen.

Napaangat ang gilid ng aking labi sa ginawi niya. Alam kong pinapaselos niya ako. Akala niya naman magseselos ako. Pero bakit ganito nararamdaman ko. I feel pain.

Pinigil ko ang aking emosyon at tumingin ako kay Razen. Hindi ko maintindihan ang mukha niya. Ang dami-daming emosyon ang nakikita ko. Pero dapat wala akong pakialam doon.

Napatigil lang ako sa pagtingin sa mga ahas nang dumating na si Pherb na may mga hawak-hawak na tray na puno ng pagkain. Nakangiti siya sa akin ng todo.

"Hi, Baby ko. Ubusin mo to hah." inilapag niya ang tray sa mesa at tumabi siya sa akin.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Adik ka?! Mauubos ko ba yan."

Nakita ko na umupo ang mga ahas. Sa harapan pa namin sila umupo.

Grabe ha. Tignan lang natin, Razen. Ikaw ang uunahin ko. Kahit hindi ko alam kung totoo ba ang nakita ko kanina. Pero susubukan ko.

Tumingin ako kay Pherb. Nabasa niya naman ang ibig kong sabihin.

"Ako na baby ko." sabay alis niya sa mga kamay ko na nakahawak sa mga plate.

Inayos niya ang lahat. Nginitian ko siya at kumuha ako ng panyo sa bulsa ako at pinunasan ang pawis niya.

"Salamat, baby ko." sabi niya pa.

Kahit ayaw kong sabihin to ay sinabi ko pa rin. "Salamat baby ko. Ang bait-bait talaga ng baby ko." at hinalikan ko siya sa pisngi at sa lips. Pero smack lang.

Bigla na lang akong may narinig na nahulog. Napatingin ako sa gawi nun. Napangisi na lang ako.

Nakikita ko ang galit sa mga mata ni Razen. Si Sycy, inis na inis naman habang tinitignan si Razen. Ano kayo ngayon?! 

"Gusto mo subuan kita baby ko?" tanong niya sa akin

"Oo, ba. Sweet mo talaga." pinulupot ko pa  ang kamay ko sa braso niya.

"Para sayo baby ko. Magiging sweet ako. Mas lalo na kung titikman mo ako. Makukumpirma mo iyan."

Hinampas ko siya sa braso. "Loko-loko ka ha. Ang manyak mo talaga. Pero gusto ko yan." medyo malakas ang pagkasabi ko nun. Siyempre para marinig ni Razen.

Dapat ipakita ko sa kanya na I'm over with him. Saka hindi na ako ang dating Lyva na masyadong lunod sa pagmamahal sa kanya.

Kahit na may nararamdaman akong mga matang nagagalit. Kahit alam kong hindi ako nasisiyahan sa ganito. Dahil masakit pa rin. Kahit alam kong si Razen ang tumitingin sa akin. Kahit alam kong sign iyon ng selos. Hindi ko siya bibigyan ng chance. Hindi ko sila bibigyang-pansin. I should do it harder this time. I should ignore both of them completely. I will never allow them to ruin my life again. It's my time to destroy them not the other way around.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shout OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon