Chapter 3

995 112 3
                                    

AUTHOr's NOTE

Kahit hindi pa naka-49 votes. Heto na ang UD!

Madamo nga salamat gid. Sukran. Daghang Salamat.

Enjoy. VOTE and COMMENT and Read my other works (Still Awake (SPG), Bihag - Maikling Kwento, The Cardinal Sins -Lust)

---------------------------------------------

Lyva's POV

May ngiti akong lumakad sa school campus. Nakataas pa rin ang noo ko. Confident kasi ako sa tindig at lakad ko.

Kung kanina hindi ko masyadong feel ang atmosphere, ngayon damang-dama ko na, na winewelcome ako ng school ng bonggang-bongga. From the boys drooling over me at sa mga girls na halatang inggit na inggit sa akin hanggang sa dalawang ahas na ngayon ay ginugulo ng presensiya ko.

Hindi ko alam kung saan ko pagsisidlan ang sayang naidudulot ng mga pangyayari, sa unang araw ko dito sa nilipatan kong eskwelahan.

Pumasok ako sa huli kong subject bago ang lunch. Mula sa second encounter namin ni Razen hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Hindi dahil sa namimiss ko siya kaya naiisip ko siya ngayon. Kundi dahil natutuwa ako sa pagiging uto-uto niya. Sinunod niya naman kasi ang utos ko.

Pagdating ko sa room ay naghanap ako ng mauupuan. As usual, sa harapan ako umupo. Masyado akong maganda para matakpan ng mga mukhang di kaaya-aya.

May mga lalaking pinapaalis ang mga babae na nakaupo sa harapan. Alam ko kung ano ang dahilan nila. Ang makatabi ako.

Hindi ako assuming! Maganda lang.

"Hello, Miss. Anong year ka na?" oh diba. Tama ako.

Hindi ko siya sinagot. Kahit na maganda ang boses niya na parang DJ. Tsk. Mga lalaki talaga. Makakita lang ng maganda, popormahan na kaagad.

Saka masyado akong masaya para mamansin ng iba. Ayaw kong ambunan sila ng kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Sadyang madamot ako ngayon.

"Hello, Miss." kinaway-kaway niya pa ang kanyang kamay malapit sa mukha ko. "Ikaw yung kinakausap ko Miss." kinalabit niya pa ako pagkatapos niyang sabihin iyon.

Tinignan ko ang bahagi ng katawan kong kinalabit niya. Tapos, dahan-dahan akong tumingin sa daliri niyang kumalabit sa akin.

Malinis naman. Okay lang. Akala ko madumi. Kung madumi, baka nasampal ko na siya.

Hindi ko muna binawi ang tingin ko. Pinasadahan ko ang  porma niya. Hindi naman baduy ang pananamit niya. Makinis naman ang balat niya at kitang-kita ko ito sa kamay niya at sa leeg niyang napakalinis.

Hanggang sa dumapo ang aking paningin sa mukha niya. Nakangiti ito. Tumaas ang kilay ko. Yung kaliwang kilay ko lang. Pero napansin ko ang ngiti niya ay ngiting may malisya.

Gwapo naman siya. Pwedeng paglaruan. Pwede rin gawing aso ko.

Hindi rin nakakasawang tignan ang pagmumukha niya. Pero hindi ko siya type at 'yon ang mahalaga.

Pero hindi ko pa rin sinagot ang tanong niya. Porket gwapo siya. Makikipagclose na agad ako. Dahil naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay nag-uumpisa sa maliit na bagay.

Tulad ng pagtanong niya ng year ko. Masusundan ito ng pagtanong ng pangalan ko. So on and so forth. Hanggang makipagfriend ito at manligaw sa akin at sa huli ay sasaktan lang ako. Mas mabuting mapigilan hanggat maaga pa.

Never na akong magpapauto sa mga ganyang taktika. Tapos na ako sa mga tagpong ganyan.

Tumingin ulit ako sa harapan. Naramdaman niya sigurong ayaw kong makipag-usap. Kaya tumahimik naman siya. Alam kong napapahiya na siya. Kanina pa kasi may tumatawa sa likod ko.

Shout OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon