Chapter 3: Constant Change

38 1 0
                                    

Ariana's POV

Maaga pa lang ay nag-ayos na ako ng sarili ko. Excited na ako for my first day here in Tokushu Academy as Princess of Flamma Kingdom.

     Nakaupo ako ngayon sa living room habang nagbabasa ng mga dinala kong libro pampalipas oras ko na din. Habang ang iba ay nasa kanila pang silid.

     Si Zekie naman ay nasa kusina habang naghahanda ng kakainin namin. Hay. Ang gwapo ni Zekie this morning. Hoo! Actually, ako naman talaga dapat ang magluluto kaso mas nauna siya nagising sakin so pinabayaan ko na lang.

"Good morning Ariana, Zekie. Ang aga niyo gumising ah." Haay. She looks like a stunning diamond. Kakaiba ang suot nila dito para sa maharlika pero hinayaan muna kami ni Zekie na magsuot ng pangmundo.

"Good morning din Scarlett. Siguro nasanay na kami ni Ariana sa human world na gumising ng maaga. Haha!" Pabirong sagot ni Zekie.

     Nginitian ko lang si Scarlett at nagpatuloy sa pagbabasa. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ako.

     "Anong binabasa mo?" She asked.

      "Wattpad stories from the human world na binuo ng unknown writers in their own imaginations. Hehe." paliwanag ko. Ang ganda talaga niya. Pakipaalala nga po sa akin na babae ako, haha. Di na ako mabibigla if one of the boys here ay magkagusto sa kanya. She's damn beautiful. Baka naman may something na sila ni Ethan at imposible naman kasing si Frost dahil kakambal niya yon.

"Ahm. Scarlett, may gusto sana ako itanong hehe."

"Oh, ano yun Ariana? Sige lang. Alam mo naman were always here for you to answer the questions forming in your head." tinigil ko muna ang pagbabasa at ibinaba ang libro sa tabi ko.

"Hehe. Wag ka mahihiya sumagot ha. May something ba sa inyo ni Ethan?" tanong ko.

Nakita ko naman ang gulat at natatawang mukha niya. "Hahaha. Ano ka ba Ariana? Hindi no. Magkaibigan lang kami at sadya kaming ganon since we were just a kid."

      "Ha? Bakit naman? Ikaw Talaga Scarlett. Pa'hard to get ka pa kay Ethan. Suus, If i know gusto mo talaga siya"

"Nako Ariana. Ayoko pang mamatay no. We should always follow the Golden Rule." sagot niya at tinapik pa ako sa likod.

"Golden Rule?" I wondered. Ano na naman kaya yon.

     "Yes, Golden Rule. It was formed by our ancestors. Since then, wala pang sumusuway sa batas na yon na nagpapanatili ng balanse ng ating mundo."

"Aba. Anong batas yan? It seems like it is easy to do kasi sinusunod naman ng lahat." tiningnan ako niya ako ng seryoso.

"Ariana, Hindi tayo pwedeng mainlove sa ibang elemental people. If that happens, mawawala ang balanse ng lahat. Lalakas ang kapangyarihan ng Darkside." Napahulog naman ako sa inuupuan ko nang hindi ko namamalayan.

"Oh Ariana. What happened to you? Hahahahaha! Ikaw talaga. Pfft. Hahahaha!" tumawa muna ng malakas si Scarlett bago niya ako tulungan. Such a true friend.

     "Hahahhaa. Ariana, You are not really one of a kind. Bakit ka ba biglang nalalaglag jan." Even the laugh of Scarlett sounds music to my ears. Dyosa talaga. I am mesmerized.

Inayos ko muna ang sarili ko. Nakakahiya ka talaga Ariana. Ano ba naman ang iniisip mo at nahuhulog ka na lang bigla.

"Ah. Hehe. Sorry. Wag mo ko intindihin. Hindi lang talaga ako nakatulog ng ayos last night. Kaya ayon, suddenly I fall." palusot ko.

"Hey. The food is ready." tinapik ako ng gwapong lalaki sa aking likuran.

"Ay! Kabayo!" napasigaw ako sa gulat. Grabe Ariana ha. Dami mo nang embarassing moments sa mundong to. Kota ka na. Bakit ba naman kasi ang hilig manggulat ng gwapong to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tokushu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon