Chapter 2: Tokushu Academy

42 2 0
                                    

Ariana's POV

    Pupungat pungat pa ako nang magising sa kasarinlan. Naalala ko ang nangyari sakin. Nakatulog ako sa sobrang sakit ng ulo. Hanggang ngayon ay parang pagod na pagod ang katawan ko. Parang sumabak ako nang labanan.

    Nalimutan ko, birthday ko nga pala. Birthday ko? Kaarawan ko na? KAARAWAN KO NA NGA!!!!! Woooohhh! Labing-walong taon na akong buhay. Grabe! Sabi nga ni Riyesa, pwede na ako makulong. Legal age na. Haay.

    Naalala ko yung sinabi sakin ni Tita, mayroon siyang malaking surpresa sakin. Ano kaya yon? Baka naman makikita ko na sina papa at mama. Hindi na ako makapaghintay. Agad naman akong nag-ayos nang aking sarili. Isinuot ko ang pinakamagandang damit na meron ako. Kaarawan ko eh kaya dapat ako ang pinakamagandang babae ngayon.

    "Tita Ivy, yohoo! Handa na po ako sa Hot Milk Tea ko and sa malaking surpresa ko." bumaba na ako nang hagdan at hinanap si Tita.

    "Oh Arianaaaa, Happy Birthday To youuuu! Here's your favorite." sinalubong ako ni Tita daladala ang aking SUPER HOT MILK TEA! Hay parang langit na bumaba sa lupa.

    "SUPER HOT HA. Thank you Tita, Happy Birthday To me!!! Nasaan na po ang malaking surpresa ko? Makikita ko na po ba sina papa at mama?" masaya kong bigkas habang iniinom ang aking milk tea at kumakain ng breakfast.

    "Ready ka na ba? Ariana, maghanda ka ng gamit mo. Aalis na tayo." napatigil ako sa sinabi ni Tita.

    "Saan po tayo pupunta? Ilang damit po dadalhin ko? Bakasyon ba yan tita? Pupunta ba tayong Boracay?" may halong saya at pagtataka kong sabi.

    "Hindi Ariana, aalis na tayo dito sa mundo ng mga tao. Kailangan mo na malaman ang lahat pati na ang buo mong pagkatao." ani ni tita.

    "Ha? Totoo kong pagkatao? Mundo mg mga tao? Bakit, ano ba tayo? Multo ka ata Tita, layuan mo kooooo." pagbibiro kong sabi.

    "Hindi ako multo Ariana. Seryoso ako sa sinasabi ko. Ako ang Gardia mo. Ang mga gardia ang tagapag-alaga ng mga elemental people na ipinapanganak dito sa mundo ng mga tao. Hindi ka lang basta elemental people kundi isa kang successor. Tagapagmana ka ng Flamma Kingdom. Sa lugar na pupuntahan natin, doon mo malalaman lahat. Kaya mag-ayos ka na." pagpapaliwanag ni Tita.

    Ilang segundo akong hindi nakagalaw parang unti unti pang pumapasok ang ideya sa aking isipan.

    "Ako? Successor? Tagapagmana? Flamma Kingdom?" yun lang ang nabanggit ko. Why me? I need further explanations.

    "Oo Ariana at hindi mo ako tunay na Tita. Gardia mo lang ako. Ako ang napiling gardia ni Haring Franzo para alagaan ka dito sa mundo ng mga tao. Ang iyong ina ay isang world people kaya dito ka sa mundo nila ipinanganak." ani ni Tita.

    Kahit sabihin niyang hindi ko na siya Tita ay gugustuhin ko pa ding Tita na lang ang itawag sa kanya.

    "Franzo? Franzo ang pangalan ng aking ama. Pero paano? Totoo ba yan tita o trip mo lang ako? Anak ako ng Hari ng Apoy na nakapangasawa ng tao." pagtataka ko.

    "Opo Prinsesa Ariana. Ang Hot Milk Tea na lagi mong iniinom ay hindi ung literal na milk tea. Gawa iyon ng isa sa katulong ng Hari sa Flamma Kingdom, espesyal na inumin na galing mismo sa inyong kaharian."

    "Paano mo naman mapapatunayan na anak talaga ako ng Hari ng Apoy? Wala naman akong superpowers." pagtataka ko.

    "Ngayon pa lang ika-18 mo pumasok ang enerhiya ng lahat ng abilidad ng inyong kaharian. Kahapon, kaya ka nanghina at nakatulog dahil hindi mo kinaya ang lakas nito. Sumama ka na Ariana, kelangan na natin pumunta sa Tokushu Academy at iniintay ka na ng mga kasama mo doon." sabi ni Tita

Tokushu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon