Lucky Day or Unlucky Day?

744 10 0
                                    

Sa pag hahanap namin ng trabaho , nakarating kami sa isang food chain na kung

saan hiring. At naghahanap sila ng mga staff para sa kanilang business. And

were happy for that kasi naghahanap sila ng mga applicant na ages 18 pataas.

Both male and female, kahit na hindi nakatapos ng college ok lang sa business ang

mahalaga nakagradute ka kahit sa high school man lang.

 

Agad kaming nag-apply sa food chain na yun at ibinigay aming resume. After naming

binigay ang resume namin ay sinabi sa amin kaagad na bumalik daw kami bukas

for the exam and interview. Gosh how bless we are, it only means na may chance

kaming makapasok sa food chain na yun. Sya nga pala name ng food chain na yun ay

"Mr.Frosty" ehe ang nice noh? hahaha..

 

 

Masaya kaming umuwi dala ang magandang balita na natanggap namin sa food chain

na inapplyan namin ni Kurt.

Cristine: ang saya naman unang paghahanap pa lang natin ng work kaagad

pinababalik na tayo :)

Kurt: kaya nga ehh, alam mo may nakita akong staff kanina dun isa sa mga waitress

ata nila yun malamang kasi kapareho ng uniform nila ehh. Grabe ang ganda nya

ang sexy na, ang puti pa nya tapos ang cute pa nyang ngumiti

Cristine: (taas kilay) ganun?? baka mamaya naman pag natanggap tayo dun, imbes

na magtrabaho ka ay titigan at landiin mo nalang yung babaeng tinutukoy mo kanina.

Hay, kaasar ka talaga..grrrr bahala ka sa buhay mo

Kurt: uyy selos sya :)

Cristine: ako selos? ahahaa..buti alam mo,,ahy maiwan kana nga dyan, bahala kang

umuwing mag-isa!!!

Kurt: to naman hindi mabiro, sorry na uyy

Cristine: hay ewan ko sayo, bahala kana nga sa buhay mo

 

 

Galit na galit ako sa mga oras na toh..lalo pa't kakainis kasi sya, nakita ko rin kasi

yung babaeng tinutukoy nya ehh hayy kaasar sya..ahyy. Pero kahit na galit ako sakanya

nung mga oras na yun, hindi ko pa rin sya natiis kung kaya't hinintay ko pa rin sya

at sabay pa rin kaming umuwi ng bahay.

 

 

Paghinto palang ng tricycle sa harap ng bahay namin ay agad na akong pumasok sa

loob ng bahay namin at hindi ko na sya hinintay na magbayad pa sa driver.

Kurt: uii tine wait mo naman ako :(

Pero nagdire-diretso lang ako sa loon ng bahay namin

Kurt: tine naman sorry na kasi ehh, hindi ko naman sadyang mapatingin ako kanina sa

isa sa mga staff sa food chain na yun ehh, kasi naman noh nakaka...

Cristine: pwede Kurt wag mo nang ituloy, nakakasakit kana ehh..

Kurt: sus ito naman...tampo kaagad

 

Agad akong nilapitan ni Kurt at nilambing para lang mapaamo ako kaagad, at syempre

hinalikan para naman daw kahit papano mabawasan yung galit ko sakanya, yun ang sabi

nya saken. Pero totoo nga nabawasan nga, alam ko naman kasing hindi nya ako pagpapalit

ehh, sana lang. Pero kasi ngayon lang kami naka-encounter ng ganun ehh. Yung babaeng

syempre may dating at talagang may karisma, unlike yung iba oo maganda nga pero

wala namang sinabi saken.

 

Cristine: hay Kurt pasalamat ka mahal na mahal kita kundi hay naku kanina pa kita pinalayas

dito sa bahay namin.

Kurt: ayy ganun? sama naman nun..salamat. Kahit naman ako kaw lang mahal ko ehh, pangako

yan hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino man.

Cristine: wag kang mangako kasi baka mapako lang ehh, atsaka wag mong sabihin gawin mo

ng mapatunayan mo yang mga sinasabi mo saken.

Kurt: oo na po

 

Alam ko naman noon pa na malambing si Kurt kaya nga agad akong napapaamo nitong lalaking toh

ehh,..hay..sana lang nga hindi nya lapitan yung babaeng yun sa food chain..hay pero mukhang impossible ehh..

 

 

Tuloy lang ang harutan at lamibingan nming dalawa, hanggang sa hindi na nmin namalayang magsisix na

pala ng hapon. Kung kaya't maya-maya pa ay umuwi na si Kurt para maibalita sa kanyang mama ang magandang

balita na natanggap namin kanina.

 

-----------------------------------------

Around 9 pm ng gabi natulog na ako kasi nga antok na antok na talaga ako, pero til now hindi ko pa rin makalimutan

yung mga sinabi ni Kurt kanina nung dinescribe nya yung babae sa food chain. Hay, ngayon iba ang pakiramdam ko

kasi may halong inis pa rin at galit kahit na nilambing at inamin naman saken ni Kurt na hindi nya ako ipagpapalit sa

iba, pero kailangan ko pa ring makita yun.

Sige matutulog na muna ako bye..

 

 

Kurt's POV:

Hay, grabe ang ganda nung babaeng yun sa food chain, sana matanggap kami para makita ko sya araw araw :)

Pero crush ko lang naman sya kasi Cristine pa rin ang mahal ko at hindi sya..aahahah pero grabe talaga iba ang

karisma nya, lakas nang tama ko sakanya cute nya kasi ehh ang sexy pa..grabe sya ang lakas ng tama nya sa mga

lalaking tulad ko..

Hay makatulog na nga..

Goodnight sexy girl :)

 

 

------------------------------------------------

ang BOYFRIEND kong mas MALANDI pa sakEnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon