****Revised Version****
"Bes kaya mo yan! Ikaw pa! Sisiw na sisiw lang yan para sayo noh!" Pagsusuporta sakin ng magaling kong best friend. "Basta kung may nangyari man sayong masama, na sana hindi naman mangyari, tawagan mo agad ako ah! And don't forget to text me the details! You know.. *winks*"
"Hoy ikaw Michelle magtigil ka nga diyan! Boyfriend mo Kuya ko FYI. Magtino ka nga diyan" Pagpapaalala ko sakanya. Minsan malandi talaga 'tong si Mich eh.
"Ito naman hindi mabiro. Sige na umalis ka na! Alam ko namang excited ka nang makita si Joaquin mo. Alam ko yang mga tingin mo Francisco, kahit hindi mo na sabihin. Best friend mo kaya ako!"
"Tumigil ka nga diyan! Kung ano-anong mga kalokohan ang pinagsasasabi mo. Sige na, bye! Ingat! See you tomorrow. Muwah!"
"Muwah Muwah! Bye Cas! Enjoy your time with Joauqin!" Ay nako. Ang kulit talaga ng lahi nito. All she's saying are utter nonsense.
Lumakad na ako papuntang Principal's Office para kunin yung address nung demonyong lalakeng yun. Yeah I know, ako pa ang pupunta sa bahay nung mokong na yun. The thought of me stepping inside Joaquin's house gave me shivers down my spine. It scared me. I didn't know what horrible thing could possibly happen.
Nung pagpasok ko sa office si Tita agad ang nakita ko so mabilis na niyang nabigay saakin yung address ni Joaquin. Nung nakita ko kung saan sila nakatira na-realize ko na halos malapit lang ang bahay nila saamin. Mga 15 minutes away yung bahay niya saamin.
"Mag-iingat ka dun ha ija" Pagpapaalala saakin ni tita.
"Opo tita. Ako pa!"
"Basta kung may nangyaring masama tawagan mo ako agad ah!"
"Oo naman tita. Sige maauna na po ako" Nagbeso kami ni tita tapos umalis na rin ako. Lumabas na ako sa gate ng school and umupo ako sa may waiting shed. Mga 10 minutes siguro may dadating na rin na taxi. Yes, I'm still seventeen years old kaya hindi pa ako pwedeng magdrive ng car. I still have one year left.
Kinuha ko yung iPod ko sa bag ko and nilagay ko yung earphone ko sa dalawa kong mga tenga. Tinitingnan ko yung mga kotseng dumadaan sa harap ko. I'm actually enjoying the view. But I just can't help but think of what could possibly happen later. Sigurado mamaya, hindi na ako makakauwing buhay. Lord, please help me.
"Hey Miss Second place, ano yang pinakikinggan mo? Pa-share naman"
Nagulat ako dahil may biglang tumabi sa akin na lalaki at kinuha yung isang earphone ko. Boses na boses pa lang alam ko na kung sino ito. Isa pa 'tong lalaking ito eh, sarap na sarap bwisitin ang araw ko palagi.
"What the hell?! Kol! Ano bang trip mo? Lumayo ka nga saakin" Tapos pinaghahampas ko siya.
"Sus! If I know, you secretly like me.. Miss Second Place" Then linapit ni Kol yung mukha niya sa mukha ko. Agad ko namang linayo yung nakakadiri niyang mukha sakin.
"Magtigil ka nga Kol. Kadiri ka. Huwag mo nga akong hawakan. Hindi kita gusto! You're so full of yourself"
"Someday Cassie you'll eat what you just said. Someday I'll make you fall in love with me" And then he winked at me. Grabe kung ano-ano yung pinagsasabi ni Kol. He's mental.
BINABASA MO ANG
My Tutor Friend
RomanceTheir destiny is already written. No one can change that. They are destined to always meet. But are they meant for each other? Joaquin, a cocky and a cold-hearted gangster seems to have the perfect life. But little did they know, his life is full of...