CHAPTER 5

17 0 0
                                    

MARGO POV:

Goodmorning! Rise and shine! Anong oras na ba? Oras na para gumising ka na sa katotohanan na hindi niya kayang ibigay ang oras niya sayo sad hahaha

6:00am palang pala grabe naman kasi si mama gisingin daw ba ko? Tapos siya sabay tulog ulit? Galing.

Ngayon na kasi ang simula ng trabaho ko. 7:30 kailangan nandun na ko sa mga koreanong hilaw na yun. At dahil tutor/P.A ako,Ipagluluto ko sila ng almusal.

Pumunta na ko ng kusina para maghanda hmm ano nga ba? Sinangag,itlog,hotdog, bacon at pandesal nalang okay na siguro yun. Alas syete na ko nang gabi natapos dahil sa hirap magluto charot hahaha umaga syempre no. Nagpa ganda na ko kahit inborn na tsk hahaha

Nasa tapat na ko ng bahay nila pero hindi ko alam kung kakatok ba ko o tatayo nalang dito hanggang mapansin nila ---

"WAAAAAA PUTAAAAA!!!" sigaw ko dahil biglang bumukas yung pinto ng walang tao ohmyyyyghaaaad ang creepy

"Ano sabi mo at shino ka?"at puta diba? Bakit ba ang hilig mang gulat? Horror ba to? Di ako na inform ha?

May chekwang pandak na lalaki na halatang bagong gising ang nasa harapan ko at naka sando't boxer lang di na nahiya pero infairness ha? Marunong na mag tagalog di ako mahihirapan hihi

"Ahmmm goodmorning sir. I am Margo Sandoval daughter of Mandy Sandoval and I am your tutor/P.A for the whole 6 months and I cooked your breakfast" grabe nakakahingal mag english

"Ahh hehe I can't say english. You are came in. Hehehe Marunong ako magsarita tagalog pero konti rang" ngumiti na lang ako at Di ko na lang siya pinansin dahil mukha lang siyang tanga kaya pumasok na ko sa loob ng box--- este ng bahay nila. Pumunta na agad ako sa kusina at whatttt da paq izzz dizzz my virgin eyes may naka topless na lalaki pero nakatalikod sheeett ang lapad ng likod niya ughh hahahaha

 Pumunta na agad ako sa kusina at whatttt da paq izzz dizzz my virgin eyes may naka topless na lalaki pero nakatalikod sheeett ang lapad ng likod niya ughh hahahaha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: tangin@ mga bes oh ilang cm ba likod nitong si Jin ha? Sana man lang kahit yung 3cm binigay niya na lang kay jemen para di na bumili ng cherifer)

Author alam mo ang epal mo so back to the story

(U bish got no jams)

Kakatunganga ko di ko napansin na nasa harapan ko na sila at nakangiti sakin pati narin si topless man myghaaaad nakakahiya kaya bigla akong nag bow pero dahil sa katangahan ko at kalandian tumama yung ulo ko sa upuan -___-

"Awwww"

"Ohmyghaaaat! Miss okay ka rang ba ha?" Tarantang tanong sakin nung lalaking medyo skinny at mahaba ang mukha kapatid ata to ni Vice ganda hehehe

Inangat ko na agad yung ulo ko at ngumiti sakanila.

"Goodmorning boys! I am Margo Sandoval your tutor/P.A for the whole 6 months. Please be good to me arasseo?" Saad ko at nakanganga lang yung 6 at yung isa ata naiintindhan ako dahil tumango at ngumiti siya sakin

"Thanks Ms. Sandoval actually marunong na kami mag tagalog lalo na ako. So I think di ka naman masyado mahihirapan. Ikaw na din bahala kung ano ang ituturo mo samin" sabi nung lalaking singkit na matangkad at medyo dark skin parang Kai lang hutaa hahaha

"Hay buti naman. So anong pangalan niyong pito?" Nagpakilala naman sila isa-isa

"Im John. Bunso nila" nakangiting sabi nung lalaking malaki ang matangos na ilong myghaaad bakit naaalala ko BTS sakanila

"I'm V---ince" nagulat ako dahil akala ko V lang name niya saka bakit parang ang sungit niya?

"Ako si JP. Ang pinaka hot sakanila" sabay kindat sakin myghaad mukha syang may sakit sa mata hahaha

"Ako Jope" ala budoy yung kapatid ni Vice char

"I'm Raimon" sabay ngiti sakin

"Suade" isa patong mukhang masungit kala mo may regla hmp

At ohmyyyghaaad eto na si toplessman makikilala ko na

"Hi Margo am I your Oppa? Just call me Sojin" shocks ang gwapo niyaaaaaa ohmyghaaa---

"Hyung kumain na tayo andito na yung breakfast" pag interrupt sakin nung Vince grabe ha bastusan lang nag ffeels pa ko eh

Binuksan niya na yung mga dala ko at kanya kanya sila kumuha ng gamit. Aalis na sana muna ko pero pinigilan ako ni Raimon at sabi dito na lang kumain aww sooo sweet

Konti lang yung kinain ko kasi medyo nakakahiya sakanila naka 2 pinggan sinangag dalawang hotdog isang itlog at 3 bacon lang ako kasi sa sobrang hiya ko kaya ganyan.

"BUUUURRRRPPPP~!" halaaa putangina shet ang lakas ng dighay ko. Dahan dahan ko silang tinginan at ang mga gago nag pipigil ng tawa habang nakatingin sakin pwera lang tong Vince na to hmp arte kala mo naman---

"Pft. ahm Margo I think tapos na lahat tayo kumain so let's proceed to our discussion" quinginuh to nagpipigil pa ng tawa mukhang natatae lang eh bwisit

"Ah eh oo sige hugasan ko lang muna tong pinagkainan natin"

"No need mamaya nalang yan si Jeonk- I mean si John at Vince na ang gagawa niyan" pag pigil sa pagtayo ko ni Raimon

"Hyung naman diba siya ang P.A? Siya na lang mag hugas" pag tutol ni Vince sabay irap sakin aba bwisit tong koreanong hilaw na to babawian kita

"Hindi. Gawin niyo yung utos ko arasseo?" Hahaha gusto kong matawa sa mukha ni Raimon eh kaso wag baka di ako pa swelduhin

"Ok so back to the topic anong ituturo mo samin?"

"Okay so let's begin sa greetings"
Nagsimula na ko mag turo dahil lahat naman sila attentive at interesado pwera lang dun kay Vince na masama tingin sakin

"Okay so nakakaintindi na naman kayo ng tagalog right?" Tanong ko sakanila at sabay sabay na tumango

"Kapag nakasalubong kayo ng kakilala ang sasabihin 'Magandang umaga/ Good Morning kamusta ka?'"

"Kapag naman hindi niyo kilala kung maka eye contact niyo man ngitian niyo nalang para hindi kayo mag mukhang bastos. Iwasan niyo na rin yung pagbow niyo dahil hindi uso sa Pilipinas yun. Simpleng ngiti o shake hands okay na" tango tango lang ang sagot nila sakin aba madaling turuan ang mga bata

"Kung wala man ako at gusto niyong lumabas at may bibilhin sa tindahan ang sasabibin niyo sa tindera "pabili po~"

"Ahmm Margo ittour mo din ba kami ha? Baka kasi marigaw at ma-kidnapped ako edi wara ng gwapo samin diba" pag inarte sakin ni Jope habang hawak yun dibdib niya

"Ehehe oo na lang wala namang masaman tao dito isa pa pag nakita ka nila baka sila pa
matakot biruin mo kabayong may kutsilyo makaksalubong nila" mahina ko lang sinabi yung huli hihi

"Ano yun may sinasabi ka Margo?" Pag usisa ni Jope sakin at ngumiti lang ako at nagpatuloy sa tinuturo ko buti nalang di narinig kung di nasipa na ko ng isang tikbalang hahaha

"So yeah ittour ko kayo at isa pa yang L nyo ayusin niyo ha" wag kayong green minded ha? Yung pag pronounced nila sa L hindi yung verb na L mga letse to

Tinuro ko na sakanila yung mga dapat muna nilang malaman at 10 na kami natapos kaya lahat naman sila pinag practice ko ng mga tinuro ko at binigyan sila ng assignment. Nagpaalam muna ko na mamalengke para sa tanghalian nila

"Margoooo sama ako pleaaase~?" Pag pilit sakin ni Jp kaya isasama ko na,kawawa naman kasi wala yatang nagpalaki sakanya niya kaya ang liit niya mehehe~

"Okay sige magpalit lang ako ng damit ikaw din babalikan nalang kita dito" at nagpaalam na muna ko sakanila at bumalik ng bahay

Hay grabe ha ang hirap magturo pero keri lang gwapo naman sila emegerrd~

----

A/N: Grabe landi netong si Margo charot hahaha okay ba? vote and comment please?

Bangtan Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon