Prologue

631 7 0
                                    

Prologue

20 years ago...

Naririnig ng apat na magkakapatid ang sigawan ng kanilang nanay at panibagong asawa na naman nito. Pang-ilang asawa na rin ito ng kanilang nanay, madalas kasi ay nauuwi sa hiwalayan at di pagkakaintindihan. Tinakpan ng nakakatandang kapatid na si Jose, o mas kilalang Vice, ang tenga ng bunso nilang kapatid na si Billy, masyado pang bata ito para marinig ang mga bagay na iyon.

“Kuya, tapos na ata.” Sabi ni Jhong, ang ikalawang matanda sa kanila.

“Wala na rin akong naririnig,” dagdag pa ni Vhong, ang kakambal ni Jhong.

Tinanggal naman na ni Vice ang pagkakatakip sa tenga ni Billy. “Mukang lilipat na naman tayo sa panibagong bahay.” Malungkot na saad nito at tiningnan ang mga kapatid na kagaya niya ay malungkot na rin.

Sa loob ng ilang taon, laging ganoon ang sistema sa buhay nila. Lilipat kapag nakipaghiwalay na ang nanay sa kasalukuyang karelasyon nito. Isang taong gulang si Vice ng namatay ang tatay niya, dahilan upang mabalo ang nanay niya sa napakabatang edad. Isang taon ang lumipas, may nakilala itong isang lalaki, hindi man sila ikinasal pero nagkaroon sila ng anak na kambal sina Jhong at Vhong, umabot ng isang taon ang kanilang relasyon bago sila naghiwalay dahil sa paggamit ng drugs ng lalaki. Marami pang lalaki ang nakilala ng kanilang nanay bago ito muling nagpakasal sa kasalukuyan nitong asawa, ang tatay din ni Billy. Pitong taon na ang relasyon ng mga ito ngunit nitong bandang huli ay lagi na lamang nag-aaway ang dalawa.

“Alam ko na, magpray tayo kay papa Jesus mga kuya,” suggestion ni Billy at iyun nga ang ginawa ng apat na magkakapatid. Pero siyempre, ginawa muna nila ang special oreo tower nila. Iyon ang inalay nila kay papa Jesus na nasa altar sa sala nila.

“Papa Jesus, sana po magbati na sina mama at papa. Wag na po sana silang mag-away.” Ang sabi ni Billy.

“At sana po, maging matatag na po ang relasyon nila, gaya ng saming apat.” Ngisi ni Vice sa tatlo niyang kapatid.

“One for all, all for four"

=_=_=_=_=_=_=_=

 

Nagkaayos ang mag-asawa at naging maayos ang lahat sa pamilya nila. Lumipas ang ilang taon at naging successful ang magkakapatid sa kani-kanilang trabaho. Nakilala ang pangalang Jose Marie Viceral, sa business world, isa siya sa mga business tycoon na patuloy na nagpapaunlad sa eknomiya sa bansa. Si Vhong  naman ay isang sikat na painter. Ang mga artworks niya ay kilala sa iba’t ibang bansa lalo na sa Europe.Bawat painting niya may signature na Vnavarro. Ang kakambal naman nitong si Jhong ay nagsisikap pa lamang na makilala bilang dancer. Noon, ay dance instructor siya ngunit napagdesisyunan nito na sumali sa iba’t ibang paligsahan kasama ang grupo nitong J Harbor. Samantalang ang bunsong si Billy naman ay isa ng Mathematics Professor sa Unibersidad ng Pilipinas. Sikat siya sa mga estudyante dito dahil sa siya ay gwapo at magaling magturo.

 

Four Brothers & a WeddingWhere stories live. Discover now