Chapter 2: Tangled

277 9 4
                                    

Chapter 3: Tangled

“Bestie?”

Sabay na sabi ni Vhong at ng kasintahan ni Billy.

“Si Karylle pala ang kasintahan mo Billyboy! Bakit hindi mo sinabi?” sabi ni Vhong sa bunsong kapatid.

“Magkakilala kayo kuya?” tanong ni Billy at siya na ring tanong ng kakambal nitong si Jhong na naguguluhan na rin sa pangyayari.

“Kaklase ko siya nung nagmamasteral ako sa Fine Arts. Dun kami naging magbestfriend.” Si Karylle na ang sumagot sa tanong. “Sus! Ikaw pala yung Vhong na sinasabi nitong mokong na ‘to.”

“Loko ka Karylle ah. Bat kapatid ko pinatulan mo?” mapang-asar na sabi ni Vhong kay Karylle na dahilan ng paghampas sa kanya nito. “Aray naman bestie! Napakasadista mo talaga!” natatawang sabi ni Vhong.

“Ewan ko sayo Navarro! “ :P Alam naman ni Karylle na iba-iba ang apilyido ng magkakapatid dahil nga sa iba-iba ang tatay ng mga ito. Sa tuwing nagkukwento si Billy, laging first name lang ang gamit nito kaya hindi niya alam na kilala niya pala ang mga kapatid nito.

“Teka, ikaw si Jhong ng J Harbor dba?” Nakangiting sabi ni Karylle. “Grabe! Big fan ako ng group niyo. Ang galing-galing niyo sa Pilipinas Got Talent. Nakailang boto kaya ako sa inyo!”

“Wow, salamat!” sagot naman ni Jhong. “’Di ko inaakalang may nakakakilala pala sakin. Di naman kasi kami nanalo e.”

“E stalker kasi ako ng group niyo dati.” Nahihiyang amin ni Karylle dito.

“Aba! Akalain mo nga namang kilala na pala kayo ni K.” Sabi ni Billy. “Siguro naman approve na kayo sa kanya.”

“Ayoko ngang maging hipag yang busit na babaeng yan. Mapanakit e.” Biro ni Vhong dito.

“Stalker e, katurn-off” dagdag pa ni Jhong.

“E kung pektusan ko kaya kayo sa ribs.” Banta ni Billy sa dalawa at humalakhak naman ang tatlo.

“Joke joke lang naman yun diba?” saad ni Karylle.

Tumatawa namang sumagot si Jhong. “Oo. Joke lang yon. Kinabahan ka no?” XD

“Maglalaslas yan si Bestie kung sakaling di tayo approve kambal.”

“He. Ewan ko sayo Vhong. Kay Jhong na lang ako magpapa-impress. Matino siyang kausap e.” Dumila si Karylle kay Vhong.

“Osige, gagawa talaga ako ng paraan ng madaot yang kasal nyo.” Natatawang sabi ni Vhong

“Edi magpapakabait na po pala Vhongskie.”

“Good girl. :P”

“Grabe ka kuya. Wag mo naman takutin babe ko. Baka iwan ako ng ‘di oras. Sige kayo, magmumukmok na naman ako.”

Natapos ang gabi na puno ng tawanan at hampasan. Well, mostly si Karylle ang nanghahampas sa tatlo. Umuwi na ang kambal samantalang si Billy naman ay isinama si Karylle para ipakilala ito sa nanay niya.

10 pm. Habang nasa sasakyan...

“Babe.” Tawag ni Karylle kay Billy.

Hindi naman na tumingin si Billy sa direksyon nito dahil busy siya sa pagda-drive. “Hmm?”

“Nasan yung isa mong kuya? Bakit hindi siya dumating?”

Napahinto naman si Billy sa pagdadrive as in yung sudden stop kaya naman nagulat si Karylle.

“Babe!”

“Sorry,” sabi ni Billy. “May pusa kasing biglang dumaan. Akala ko masasagasaan ko.”

Tiningnan naman siya ni K at pinunasan nito ang pawis niya. “Hey. Relax.”

“Sorry ulit.”

“It’s fine. Safe naman tayo. Let’s go na.” Nagsmile si Karylle kay Billy at nagpatuloy na siya sa pagdadrive.

=_=_=_=_=_=_=

“Hi ma!” bati ni Vice sa nanay niya. Kakauwi lang niya galing trabaho. At pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya. “Bat gising ka pa?”

“Hinihintay ko kasi ang bunsong kapatid mo. May ipapakilala raw sakin. Himala ata Vice, dito mo naisipang umuwi ngayon.” Sagot naman ng nanay niya at halatang natutuwa ito sa pag-uwi niya.

Minsan na lang kasi umuwi si Vice sa bahay nila dahil malayo ito mula sa kanyang opisina. Halos dalawang oras ang biyahe bago siya makauwi kaya mas minabuti niyang bumili na lamang ng condo malapit sa kompanya nila.

“Namiss ko kasi kayo Ma. Tsaka magwi-weekend na rin at wala naman akong masyadong trabaho kaya napagpasyahan kong bisitahin muna kayo.”

“Tamang tama! Ipapakilala na rin ni Billy yung papakasalan niya e. Gusto ko ring makilala mo.” Sabik na sabi nito sa kanya. “Pinakilala niya na ata kina Vhong at Jhong kanina e.”

Hindi naman na nagulat si Vice na hindi siya inimbitahan ng bunsong kapatid para makilala ang bagong kasintahan nito. Alam niyang galit pa ito sa kanya.

“Aakyat na lang po siguro ako ‘Ma. Pagod na rin ako e.”

“Osige. Pahinga ka. Describe ko na lang sayo yung future kapamilya natin.” Nakangiting sabi ng nanay niya. Halatang excited ito.

30 minutes later...

Umiinom si Vice ng tubig sa kanilang kusina nang bigla niyang narinig ang pamilyar na boses ng kapatid niya.

“Maaaa! I’m home!” Masigla na bati ni Billy pagkapasok niya sa bahay nila. Nakasunod naman sa kanya si Karylle at pinagmamasdan ng maigi ang bahay nina Billy.

“Anaaak! Imissyou!” sabi ng isang babaeng nasa middle 50’s na at niyakap si Billy.

“Namiss din kita ‘Ma!” sabi ni Billy habang yakap ang ina. “Ah, siya nga pala. Ma, si Karylle. Karylle, si Mama Cory.”

“Ang ganda mo naman hija!” Niyakap ng mama ni Billy si Karylle. Pagkatapos ay tinitigan naman. Parang kilala kita.”

“Po?” sabi ni Karylle habang nakangiti. “Hindi pa po ata tayo nagkikita kahit kailan, baka naman po kamuka ko lang.”

“Baka nga.” Sabi naman nito. “Ay, nandito pala ang kuya mo Billy! Pakilala mo na sa kanya si Karylle. Sigurado akong magugustuhan niya ito.”

Nanlaki ang mata ni Billy sa sinabi ng kanyang ina.

“Joseeee!” tawag ng nanay niya sa kuya niya.

Napalunok naman si Billy sa sinabi ng nanay niya. Hindi niya alam na nandito ang kuya niya at hindi pa siya handang harapin ito. Hindi naman alam ng nanay niya na magkagalit sila ng kuya niya kaya hindi niya magawang tumanggi sa sinasabi nito.

Si Vice naman na nasa kusina lang ay narinig ang lahat ng usapan nila. Pinag-iisipan niya kung pupuntahan niya ang mga ito. Nagdadalawang-isip siya lumabas. Alam niyang galit sa kanya si Billy. Bukod pa dito, parang kilala niya ang fiancé—

“Jose!” natigil ang kanyang pag-iisip ng pinitik ng nanay niya ang kanyang noo. “Kanina pa kita tinatawag ah. Halika sa labas at nandun ang fiancé ng kapatid mo.”

“Opo.” Sabi ni Vice dahil ayaw niyang ipahalata sa nanay niya na may hindi sila pagkakaunawaan ng bunsong kapatid.

Nang makalabas siya ay hindi agad siya nakapagsalita. Hindi niya alam kung saan siya magugulat, sa pagngiti sa kanya ng bunsong kapatid niya o sa pagkikita ulit nila ng babaeng minahal at nasaktan niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Four Brothers & a WeddingWhere stories live. Discover now