Chapter 1: Introductions
Present time...
Kakatapos lamang ng klase ni Billy sa Math at kasalukuyan siyang nagpapahinga sa cubicle nya sa Math Department. Masakit ang ulo niya dahil sa sunod-sunod na klase niya nitong araw na ito.
“A penny for your thoughts?” Napaangat naman siya ng tingin ng marinig niya ang boses ng kanyang fiancé.
“How about a kiss?” nakangisi niyang sagot dito.
“Ayan, dyan ka magaling Crawford. Sa mga hirit mong ganyan.” Pinitik nito ang noo niya na dahilan ng pagtawa niya.
“Joke lang naman. Halika nga dito.” Hinili niya ang kamay ng kanyang kasintahan at pinaupo ito sa lap niya. “How was your day?” puno ng lambing na tanong niya dito.
“Ayos lang naman. Nakakatuwa yung mga estudyante ko sobrang imaginative yung minds nila.” Isang Fine Arts teacher ang kasintahan niya at sobrang galing nitong magpinta, isa sa mga bagay na sobrang hinahangaan niya tungkol dito.
“Ikaw? Mukang pagod ka ah.” Hinawakan ng kanyang kasintahan ang pisngi niya at pinisil-pisil ito.
“Ah-aray naman! Ang sakit mong magmahal babe!” natatawang sabi niya dito at hinawakan ang kamay na pumipisil sa pisngi niya.
Tumawa na lang din ito at tumayo na. “Sige babe, una na ako. Mag-aayos pa ako. Para naman maganda ako sa harap ng mga kapatid mo.”
Hinatak niya ulit ang kamay nito at pinaupo sa lap niya. “Dito ka muna. Namiss kita e.”
Pagkasabi niya nun ay niyakap niya ito sa bewang at binaon ang ulo niya sa leeg nito. Inamoy-amoy niya pa ito.
“Amoy lumpia ka babe.” Hirit niya dito kaya naman tinulak siya ng mahina ng dalaga.
“Nakikiamoy ka na nga lang e, sapakin kaya kita dyan?” saad ng dalaga habang natatawa na rin.
“Maganda ka sana e, mapanakit lang.”
=_=_=_=_=_=_=_=
7pm. Selena’s Steak House. (Imbento lang po yung name. Hihi)
“Kinakabahan ako babe. Paano kung hindi ako gusto ng mga kuya mo?” nag-aalalang tanong ng dalaga kay Billy.
“Ano ka ba? Magugustuhan ka nila. Pare-pareho kami ng taste nun no!” biro ni Billy sa kasintahan para mabawasan ang kaba nito.
“Tss. Ikaw talaga, masyado kang bolero!” Pinisil nito ang ilong niya.
Nagbeep naman ang phone ni Billy, tiningnan niya ito at nakitang nagtext ang kuya Vhong niya.
“From: Kuys Vhong
Kasabay ko si Jhong. Malapit na kami.”
Ilang minuto ang lumipas at dumating na ang kambal. Nagulat naman ang kuya Vhong niya dahil kilala pala nito ang fiancé niya.
“Bestie?”
YOU ARE READING
Four Brothers & a Wedding
RomanceEx mo, present ng kapatid mo. Ultimate crush mo, papakasalan ng kapatid mo. Bestfriend mo, soon-to-be-wife ng kapatid mo. A tangled love story.