Chapter 26

6.9K 321 17
                                    

GLAIZA'S POV:

"Naks naman. Masyado mo atang dinibdib yung advice ko sa'yo Tsong ah! Ayan o, hindi na talaga kayo mapaghiwalay ni Yoyon." natatawang sabi ni Chynna sa akin nung tumayo si Rhian para gumamit saglit ng restroom.

After kasi naming maglunch kanina, hindi na rin sya umalis. Sinamahan nya lang ako maghapon para daw sabay na din kami pagpunta sa bar kung saan naghihintay sila Chynna. At ayaw na din daw nya akong iwan dahil baka daw mamaya nyan, meron na naman daw biglang humatak sa akin sa kung saan. Nakasimangot pa sya habang sinasabi yon. Cute lang. Haha.

"Kala ko nga mawawala na sya sa akin eh. Buti na lang hindi pa nya ako sinusukuan." nakangiting sabi ko naman kay Chynna.

"So, nakapili ka na? Nasabi mo na kay Anne?" tanong pa nito sa akin.

Umiling naman ako.

"Hindi pa rin. Ewan ko ba. Kahit kasi sobrang nasaktan na ako ni Anne noon, parang ang hirap-hirap kung ako yung gagawa non. Ayokong maramdaman nya yung sakit na ipinaramdam nya sa akin noon." malungkot na sabi ko pa.

"Hindi ba mas masasaktan sya kung malalaman nya na umaasa sya sa wala?"

"Bahala na. Basta konting panahon na lang naman. At nangako naman si Rhian na hihintayin nya ako kahit anong mangyari."

"Basta Tsong, wag naman masyadong matagal. Ako kasi yung nasasaktan para kay Yoyon eh." malungkot na sabi pa nito.

Tumango naman ako.

"Malapit na malapit na yon, Chyns. And if ever, bukod din kay Anne, may isa pa akong isang pinoproblema. Papa'no ko sasabihin kila Nanay. Alam mo naman kung gaano sila ka-strict pagdating sa ganitong bagay diba?"

"Alam mo, saka mo na yan problemahin kapag natapos ka na dun kay Anne. Isa-isa lang Tsong. At isa pa, masyado kang mahal ng pamilya mo kaya sigurado ako na maiintindihan nila yang nararamdaman mo if ever." pagpapalakas naman nito sa loob ko.

"O, bakit parang ang seryoso nyo na namang dalawa dyan?" napatingin naman kami pareho sa kakarating lang na sila Katrina at Sheena.

"Eto si Cha eh, masyadong madrama." natatawang sabi naman ni Chynna.

"O bakit, di pa kayo okay ni Yoyon?" tanong ni Sheena.

"Magkaaway sila?" tanong naman dito ni Katrina.

"Hindi ko nga alam eh. Basta nitong mga nakaraang araw, laging nakakunot yung noo ni Yoyon tapos hindi masyadong nagssmile sa taping. And kanina, nakita ko syang sinundo ni Jason." mahaba-habang kwento naman ni Sheena.

"Ah. So kaya ganito si Cha ngayon, kasi nagseselos. Gusto mo ba tawagan natin si Yoyon?" si Katrina.

"Ha? Bakit nyo ako tatawagan?" takang tanong ni Rhian sa amin after nya umupo sa tabi ko. "May problema ba?" tanong pa nya habang nagpapalipat-lipat yung tingin sa aming apat.

Sabay naman kaming napatawa ni Chynna kaya mas lalong napakunot yung noo nya.

"Sorry Yon, di ikaw yung pinagtatawanan namin. Etong dalawa. Akala kasi nila, magkaaway kayong dalawa ngayon ni Cha." paliwanag ni Chynna sa kanya.

Tumango-tango naman sya amin.

"Okay kami ni G." sabi pa ni Rhian sabay hawak sa kamay ko. Ayan na naman po sya. Eto yung gusto ko sa kanya eh. Yung wala syang pakialam sa kung ano yung sasabihin ng ibang tao. Ang importante lang sa kanya, mapakita nya kung gaano nya ako kamahal.

Hate that I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon