Chapter 39

7.8K 322 26
                                    

AN: Bawal magsmile at bawal kiligin. Haha. ✌️

=============================

GLAIZA'S POV:

"Rhian." mahinang tawag ko sa pangalan nya.

Akala ko ba nakalimutan nya? Akala ko ba may lakad sila ni Jason?

"Ako nga. Bakit, ibang tao ba yung ineexpect mong dadating?" luh, bakit parang tinatarayan na naman nya ako.

Sunud-sunod naman yung iling na ginawa ko. Sya lang naman talaga yung gusto kong makasama dito eh. Wala nang iba.

"H-hindi lang ako makapaniwala na nandito ka ngayon. Sabi mo kasi may lakad kayo ni Jason and hindi mo naman naaalala yung sinabi ko sa'yo noon sa condo mo." kinakabahang sagot ko naman.

"Tingin mo naman nagsasabi ako ng totoo kanina?" tanong pa nya sa akin.

"Ha?"

"I was just pretending na hindi ko natandaan yung sinabi mo. Gusto ko lang makita kung ano yung gagawin mo. I really wanted to hug you when I saw na naiiyak ka na kanina pero pinigilan ko yung sarili ko." panimula nya.

Nakatingin lang ako sa kanya ng derecho. Hindi pa rin makapaniwala na nandito talaga sya sa harap ko.

"Alam mo bang plano ko na hindi talaga pumunta dito? Pag-alis ko sa concert venue, nagdrive ako ng nagdrive palayo dito sa lugar na 'to dahil alam ko na kapag nakita ko 'to, hindi ko mapipigilan yung sarili ko na hindi pumunta. Alam mo naman na hindi kita kayang tiisin diba? Siguro ilang buwan ko ring sinubukan, pero wala eh. I am the still the same person na inlove na inlove sa'yo Glaiza Galura kahit na ilang beses mo akong saktan." mahabang sabi pa nya kaya hindi ko napigilan yung sarili ko na yakapin sya matapos yang magsalita.

Kumalas muna sya sa akin at pagkatapos ay pinunasa yung mga luha ko.

"I love you. And you've no idea how much I missed you, G. Ilang beses ko sinubukan na tawagan or itext ka pero masyadong mataas yung pride ko non. Ilang araw din akong naparanoid na baka dahil sa ginawa kong pagsuko, binigyan mo na ng pagkakataon si Anne. Si B, lagi nya akong kinukwentuhan about sa mga ginagawa mo pag nasa RK ka. Nahuli nya kasi ako one time nung sinundan kita at pinagmamasdan lang mula sa malayo." kwento pa nya.

At ayun na naman yung mga paru-paro na nararamdaman ko kapag kasama ko si Rhian.

"Sinundan mo ako?" takang tanong ko pa.

"Actually, hindi lang sa RK. Minsan sa mga gigs mo, or mall shows. Ewan ko ba, siguro masokista lang ako na okay lang na nasasaktan ako basta nakikita kita na masaya. Grabe, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang tao, Glaiza, ngayon lang." sabi pa nya habang pinapahid yung mga luha nya.

Hindi naman ako nakapagsalita. Ewan ko ba pero parang wala akong masabi dun sa mga kinwento nya. Ganun ba nya talaga ako kamahal? At bakit ko ba nagagawang saktan yung tao na 'to na walang alam gawin kundi mahalin lang ako? 

"Tapos alam mo, nung nakita kita sa condo ko na nagluluto, gustung-gusto kitang yakapin at sabihin sa'yo na wag na wag mo na akong iiwan pero pinigilan ko yung sarili ko, pinilit kong magpakacold sa'yo. Pinilit kong balewalain ka nung umiyak ka sa harap ko. Pero hindi mo lang alam kung gaano ako umiyak nung nakalabas ka na. Ikinulong ko yung sarili ko sa kwarto para hindi kita habulin. Ewan ko ba G, pero kasi kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na hindi na dapat kita pagkatiwalaan, hindi na dapat kita mahalin, hindi ko magawa eh. Kasi kahit naman nasasaktan mo ako, ikaw lang din naman yung nakakapagpasaya sa'kin. Ikaw lang din yung nakakabuo ng araw ko." nakangiting sabi pa nya.

Hate that I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon