Chapter 37

6.6K 309 35
                                    

AN: Pwede kayong magkacrush kay G and R, pero si A, akin lang ah. Super love ko yung character nya dito, hihi.

Hmmm, itigil ko kaya muna update after nito? Hahaha. Next month na ulit yung huling tatlong chapters? Keri lang? Hahaha. Lablab.

=============================

GLAIZA'S POV:

"Naks, para saan ba 'tong meeting na 'to Cha? Iaannounce mo ba na may boyfriend ka na at ikakasal na agad kayo?" natatawang sabi ni Alcris nung pinapunta ko silang lahat sa condo ko.

Sinabi kasi nila Nanay at Tatay na dadalaw sila sa akin kaya pinapunta ko na rin sya dahil kailangan ko nang sabihin sa kanila yung totoo.

Pagkagaling ko sa condo ni Rhian, napagdesisyunan ko na sabihin na sa family ko kung ano talaga ako para if ever man na magmamahal ulit ako, at least, wala na akong kailangang itago sa pamilya ko. Alam kong mahirap pero sana, maintindihan nila ako.

"Nay, Tay, Al, meron po kasi akong gustong sabihin sa inyo." kinakabahang sabi ko sa kanila. Jusko, seryoso, parang sasabog yung puso ko sa sobrang kaba.

"Ano? Na kayo na ni Ben at magiging tito na ako?" biro ni Alcris kaya natawa ako ng bahagya.

Umiling naman ako sa kanya bilang sagot sa tanong nya.

"Eh alangan naman na aaminin mo na lesbian ka at may gusto ka na talaga kay Rhian tulad nung napapabalita sa inyo?!" natatawang sabi pa nya kaya bigla akong namutla dahil don.

Naririnig na nila yung bali-balita tungkol don? Pero wala man lang silang itinatanong sa akin.

Napatigil sya sa pagtawa nang makitang seryoso akong nakatingin sa kanila at may namumuo nang luha sa mga mata ko.

"Sh*t! Totoo nga?" gulat na gulat na tanong nya sa akin.

Si Nanay at Tatay, seryosong nakatingin lang sa akin.

Hindi ko na mapigilan yung mga luha ko kaya umiiyak akong tumango sa kanya.

"I'm sorry Nay. I'm sorry Tay. I'm sorry Al. Sorry kung itinago ko sa inyo 'to. Ayoko kasing madisappoint kayo sa'kin eh. Hindi ko naman din ginusto 'to. Sinubukan kong pigilan pero hindi ko kaya eh. Sorry." umiiyak na sabi ko pa.

"Dahil ba 'to sa show nyo ni Rhian?" mahinang tanong sa akin ni Nanay.

Umiling naman ako sa kanya.

"B-bago pa po yun Nay. Ang totoo po nyan, bago po yung show, may naging girlfriend na po ako dito sa showbiz." pagtatapat ko sa kanila.

Si Tatay, nakatingin at nakikinig lang sa usapan naming tatlo.

"Cha, don't tell me, si---"

"Yes Al, si Anne nga." pagtapos ko sa sasabihin nya. Alam nya kasi na si Anne yung lagi kong kasama nung mga panahong yon eh.

"Holy Sh*t! Ang gwapo mo, Tol!" natatawang sabi nya.

"Hoy Alcris, bunganga mo!" saway sa kanya ni Nanay kaya bigla syang natahimik.

"Pero yun nga po, naghiwalay din po kami ni Anne kasi hindi naman po nya kayang panindigan kung ano yung meron kaming dalawa. Tapos pinilit ko nga pong baguhin yung sarili ko. Sinagot ko po si Felix pero eto na po talaga ako eh. Hindi ko po sya kayang mahalin." sabi ko pa sa kanila.

"At yung kay Rhian?" sa wakas ay nagsalita din si Tatay.

Malungkot na umiling ako sa kanya.

Hate that I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon