Chapter 1: The Start

14 1 0
                                    


Arkisha's POV

*Kringgggggggg

"Arkiiiii"

Hmmm...

"Arki"

Ano ba yan ang ingay naman.

"ARKI!"

*Blaggg O_O

"Manang, ano po ba yon?" Ano ba yon ang aga aga ang ingay ni manang kitang natutulog pa ko e. Ayan tuloy nahulog ako. Hmp!

"Nako! Arki gumising kana at malelate kana sa school. First day niyo pa naman ngayon" Oo nga pala.

Dali dali akong pumasok sa banyo at ginawa ang morning rituals ko.

After 20 minutes

Bumaba narin ako pagkatapos at kumain. Oo nga pala first day ngayon at dapat maaga ako.

"Oh Arki mag aral ka ng mabuti ha at para matuwa naman sayo ang parents mo" Ito talaga si manang lagi niya nalang yan sinasabi sakin. Ni hindi nga ako kayang matawagan o maitext manlang ng mga magulang ko dahil sa sobrang busy tapos matuwa pa?

"Opo manang" Sabi ko nalang. Alam ko namang kasi na hindi ako mananalo dyan kay manang kaya might as well say yes diba. Tutal naman wala na ring patutunguhan to.

"Ahm manang, na prepair niyo na po ba yung baon ko? Baka kasi malate na ako. Paalis narin po ako"

"Oh ito na hija, pakabait ka ah" I just nod at dumiretso na sa labas.

"Goodmorning Ms. Arki" bati sakin ni Manong Ben, personal driver ko.

"Morning din, ah Manong sa school po" agad naman siyang tumango at pinaandar na ang kotse.

After 15 minutes

And finally nkarating narin kami sa school.

Anong oras naba?

Hmm... 6:45am na pala 15 mins before my class starts. Kaya dumiretso muna ako sa may locker room para kunin yung mga gamit ko.

Kinuha ko na ang mga gamit ko na may kinalaman sa lessons namin ngayon. Sheez!... 5 mins nalang late na ko.

Kaya binilisan ko na at tumakbo nang biglang....

*Booogsh

Ouch! Ano bayan di naman to natingin sa dinadaan niya!

"Ahm sorry miss" agad ko namang pinulot ang gamit ko. Kasi naman late na ko noh!?

"Okay lang" at tumayo na ko para sana umalis nang makita kong si Luke pala yung nakabangga sakin.

Shocks! Siya lang naman yung isa sa mga ultimate mega crush ng bayan este ng buong campus pala.

"Ahm sige, una na 'ko excuse" at agad akong naglakad paalis. Nang biglang tinawag niya ko.

"Arki!" Bakit nanaman?!

"Bakit?" Psh. Ang tagal ah. Late nako jusko!

"Naiwan mo" atsaka inabot niya sakin yung kwintas kong may bear na pendant. Oo nga pala! Ang tanga tanga mo naman Arki! Sa lahat ng bagay yung pinaka importante pa.

"Thanks ulit, sige una na ako malelate na kasi ako e" gosh! Muntikan na.

"Sige, see you around. Bye" at tumungo na ko sa classroom.

Thanks God! At hindi pa ko late. Buti nalang wala pa si Ma'am kung hindi lagot ako nito. Agad akong tumungo sa bakanteng upuan at umupo.

Agad namang pumasok ang guro at sabay sabay kaming tumayo para bumati.

"Goodmorning Ma'am Ruby" at nagsiupuan narin kami. Para makapagsimula na.

"Goodmorning class, please sit down. I hope that--" hindi na natuloy ni Ma'am ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking dahilan kung bakit nagsitilian ang mga kaklase kong babae.

Kahit kelan nga naman oh! Ang ingay ng mga haliparot na to.

"Omyyy Kyle ang hot mo talaga"

"Gosh! Si Kyle, bes okay lang ba yung ayos ko?!"

"Kyaaah, iloveyou Kyle"

"Oh Mr. Aragon, buti naman at naisipan mo pang pumasok. At himala ang aga mo for our next class tomorrow" hindi niya pinansin ang guro sa harapan at dire-diretsong umupo sa upuan katabi ko.

Psh! Kahit kelan talaga bastos 'to. Hindi na lamang pinansin ng guro at tinuloy na ang sasabihin niya sana kanina.

"As i was saying, Class inaasahan ko na sana ma maintain niyo ang grades niyo para naman hindi kayo bumaba at mapunta sa mababang section. Im expecting na mas gagalingan niyo ngayon School Year" panimula ni Ma'am. As if naman makikinig sila, e puro nga sila bukambibig ng 'Omyyy Kyle sakin ka nalang' 'Kyle ang hot mo!' 'Kyleeeee! I love you na'.

Akala mo talaga papansinin sila. Hmp! Agad namang nagsimula na ang klase at tumahimik ang lahat.

Hmmm... Wala namang bago at konting introduction lang sa klase ang naganap at yung ibang lessons last year ang ginawa namin.

*Kringgg

"Hayy buti naman at nag bell na rin" agad kong inayos ang gamit ko para sa susunod na subject.

Lumabas nako para pumunta sa loob ng classroom. Nasa may pintuan nako ng biglang may lumapit na isang babae sakin or should i say humarang. That's no other than Phoebi Ingrid G. David! The obssess die hard fan ni Kyle Red D. Aragon. And take note ha, siya ang president ng fan club ni Kyle. At kasama pa talaga ang mga alipores niya na sina Coleen at Riley. Ano namang kailangan nito?

"Well well well, if it isn't the girl who flirt Kyle!" huh? Tf?! Anong pinasasabi nito?

"What?! Alam mo Phoebi wala akong time para makipag away sayo ha, atsaka ano yung sinabi mo? Nilandi ko si Kyle? Ni hindi ko nga kinakausap yon!" Nakakainis to ah sabihan ba naman akong nilandi daw yung Kyle niya!? Ni kausapi nga di sumagi sa isip ko landiin pa kaya?! What's with this girl? Napaka immature niya naman.

Pasalamat siya mabait ako kundi kanina ko pa nasampal to.

"At talagang sumasagot kapa ha? Ang lakas ng loob mo!" aba at nakisabat pa itong si Coleen at tinarayan ba naman ako.

Hmp! Bahala nga kayo dyan. Dumadami na kasi yung mga tsismosa't tsismoso. Lalagpasan ko na sana sila ng bigla niyang hawakan ang buhok ko at hinila palabas. Aray ha!

"ARAY! Ano bang problema niyo?" Buset, ang sakit non ha!

"Akala mo ba hahayaan ka nalang namin na tumabi kay Kyle kanina! Alam naming sinadya mo talagang umupo sa likod para lang makatabi mo siya!" at di pa nakuntento hinigpitan pa!

"Tama na Phoebi! Ang sakit!" ugh! Yun lang ang laki na ng problema nila? Wala lang naman akong maupuan nung time na yon kaya dun ako pumwesto tapos nilandi agad?

"Itigil mo yan Phoebi" ma-otoridad na sabi ni Luke.

Buti naman at binitawan niya na ako. Sh*t lang ang bigat ng kamay nito. Buti nalang at hindi masyadong nagulo yung buhok ko.

"L-luke? Siya kasi ang nagsimula e" aba at ako pa ang sinisi ha?

"Oo nga Luke, nilandi niya kasi si Kyle" aba't humirit pa tong isa.

"Actually Luke, sinampal niya nga si Phoebi e. Kaya gumanti lang kami" syempre di ko na hahayaan na magsalita nanaman itong mga 'to kaya nagsalita na rin ako.

"ANO?! E samantalang nananahimik lang ako't papasok ng room ng bigla niyo kong hinila! Tapos sasabihin niyo ako ang nagsimula?" nako pigilan niyo ko kundi masasampal ko 'to pasalamat siya mabait ako.

"Tama na yan girls, magsipasok na kayo at magsisimula na ang klase" kung di lang talaga dumating si Luke sigurado ngayon kalbo nako.

Agad naman kaming pumasok sa loob ng silid at umupo. Dumating na rin yung teacher namin kaya nagsimula na ang klase.

-----

ONCE PERFECT (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon