Chapter 1 - As Usual
"Kriiiing!"
Tunog yun ng alarm clock.
Pero kanina pa ako gising.
Maaga ba?
Siyempre. Normal na lang yun kasi first day of class ngayon.
Medyo kinakabahan ako kasi bagong environment na naman.
First Year College. Architectural Drafting sa pinapasukan kong school.
(wag na imention, di naman pafamous. haha :D)
Nakaligo. Nag-almusal. Tumingin sa salamin.
Nagpulbo. Itinali ang buhok.
Kinuha ang bag.
And then I'm ready to go.
Almost one hour din ang byahe mula samin.
Maghihintay pa ako mapuno yug tricycle na sasakyan ko.
Ganun sa baryo namin e. Hindi umaalis hanggat kulang pa ang pasahero.
Kaya minsan gusto ko maglipat bahay.
Nagpaalam na ako kay Lola para umalis.
"La, alis na ako."
"Sige, ingat. Uwi ng maaga."
Tapos umalis na ako.
Naiwan ko sa bahay yung mga kapatid ko na nagsisi-aalmusal pa lang.
Aga ko talaga 'no?
Excited ee. Sabi kasi ng bestfriend ko, sa college naman kami maghahasik ng lagim.
Baliw talaga. Ran ang tawag ng marami sa kanya.
Maitim. Payat. Madaldal. Matapang. Matalino.
hm, sige na nga.
Mabait.
O sige pa nga, maganda.
Pero napipilitan lang ako sa huli kong sinabi.
Hehe. Just kidding manigga.
So yun na nga. Pagdating ko sa school.
Hinanap ko kaagad yung kaibigan kong maitim.
Sa kasamaang palad, hindi ko siya makita.
So tinawagan ko siya:
"Chong, asan ka na?"
"Andito pa naghihintay ng jeep."
Bigla akong naimbyerna.
As usual.
Late na naman siya.
Hays, palagi na lang.
Kaya wala akong choice kundi ang maghintay.
May mga nagsisidatingan naman na estudyante na tingin ko mga classmates ko.
May mga ilan-ilan akong nakikilala.
Si Kev. Ex-crush ko nung second year high school ako.
Hmm, tignan mo nga naman.
Si Bob, classmate ko nung third year high school.
Pero tingin ko hindi kami magiging close.
Hindi naman yun mahilig makipag-usap.
And then after 1million hours of waiting.
Dumating din yung kaibigan kong maitim.
And then as usual ulet
Pagdating na pagdating niya dumaldal na naman ng sobrang dami.
Simpleng tao.
Kumakain kahit saan.
Ng kahit ano.
Tokneneng. Kwek-kwek. Isaw. Fishball.
Musika ang palaging kasama.
May barkada lang, masaya na.
Ako si Bernadette. Berna for short, Det for super short).
Walang arte sa katawan.
Mataba. Mababa. Pero maganda.
Hahaha. Eh di wow.
Ewan. Ambabaw lang naman ng gusto ko mangyari sa buhay ko that time e.
Makagraduate. Tapos makahanap ng magandang trabaho para makatulong sa pamilya.
As usual na gustong mangyari ng ibang estudyanteng tulad ko.
Ang kaso, hindi naman pala ganun kadali ang lahat.
Andaming hassle.
Like financial problems. School problems. Family problems.
At kung anu-ano pang problems.
LOVE Problems. toiinks
Basta kasali naman talaga yun e.
Di naman ata yun nawawala sa kwento.
Oh, well. Hindi ko naman sineseryoso ang lahat dati.
Naalala ko pa nga nung highschool kami,
tinawag kaming easy-go-lucky ng teacher namin sa Math dahil,
siguro, tingin niya biro samin ang lahat.
Kaya naman biniro niya rin kami.
Akala namin babagsak na kami ng group of friends ko sa subject na yun.
Grabe. Naaligaga kaming anim.
Callie, Ran, Ecarg, Tep, Clarie and Me.
Actually hindi lang naman kami yung tinututukan ni Sir.
Pero dahil sa mabait si Sir Pands, ipinasa niya parin kami.
>:D
So yun na nga, dumating na yung kaibigan kong maitim.
Naghintay lang kami ng klase namin.
Di pa naman mashado regular ang mga klase so lakwatsa ever na naman kami.
Umuwi muna kami sa bayan namin kasi Fiesta. Maraming pwedeng bilhin na mura.
Hahaha. After that, nagsiuwian na rin kami. Ganun lang kadali matapos yung araw nun.
Simple. Pero masaya.
Pero hindi pala sa lahat ng oras, masaya lang.