CHAPTER EIGHT

2 0 0
                                    


Chapter 8 - Continuation

Andami ng sinabi ni Lola pero ni isa walang pumasok

sa akin. Ang gusto ko lang ng mga oras na yun e ay ang umiyak.

Para bang end of the world na.

Lahat na lang kasi ng taong inaasahan kong mag-istay sa amin,

nawala. Umalis.

Iniisip ko, ano bang problema?

Nasa amin ba ng mga kapatid ko ang mali kung bakit iniwan kami ni Mama?

Sapat bang dahilan yun para iwanan niya kami at bumuo siya ng bago

niyang pamilya?

Nagalit ako sa kanya ng sobra.

Pero kahit magalit man ako sa kanya ng napakaraming beses,

wala na rin naman akong magagawa.

She tried to talk to me.

Pero nagawa ko siyang bastusin.

Pati na rin ang lalaking ipinagpalit niya kay Papa.

Parang nasayang lang lahat ng pinag-aralan ko sa school dahil

hindi ko sila nakuhang galangin.

Nangingibabaw ang galit sa puso ko para sa kanilang dalawa.

Hanggang sa lumipas ang mga araw, naitanim ko sa puso't-isip ko

na kami na lang ng mga kapatid ko ang natitira, kaya hindi ko na

hahayaang magkahiwa-hiwalay pa kami.

At si Mama? Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.

I never contacted her since the last time na nagpakita siya sakin

kasama ang kinakasama niya.

Dumating ako sa puntong kahit sa pagfill-up ng personal data,

hindi ko magawang isulat ang pangalan niya na may apelyido pa ni

Papa. Ang ginagawa ko na lang, iniiwan kong blangko.

Kung may magtatanong man sakin kung asan ang Mama ko?

"Ewan" ang sagot ko.

Kasi ayoko nang malaman kung nasaan man siya.

Kasi yun ang pinili niya.

Ang ipagpalit kami sa kaligayahan niya.

Ang iwanan kami at tiisin na wala kaming masandalan.

Sobrang hirap mag-adjust noong mga panahon na yun.

Yung tipong naging bitter ako sa lahat ng bagay.

Kahit sa mga taong nasa paligid ko.

Bihira na akong ngumiti at ang sabi pa ng bestfriend kong si Ran,

ang dilim daw ng aura ko.

Masisisi niyo ba ako?

Buti na nga lang at hindi ko naisipang magpakamatay.

haysssssssssss

Parang mas masarap pa ngang pumatay!

Ng ipis. Dun ko na lang ibubuhos galit ko.

(kaawa-awang ipis)

Ewan. Parang nababaliw na ako.

Buti na lang, nandyan ang bestfriend ko at ang tropa.

Kapa kasama ko sila nakakalimutan ako ang mga problema ko.

Pansamantala. Sino ba naman kasing hindi makakalimot ng problema

kung ang mga kasama mo e mas baliw pa sayo, diba?

Sa kanila ko nakita na mahal parin ako ni Lord.

Kasi, binigyan ako ni Lord ng mga kaibigan na kagaya nila.

(I miss you Guys! :P)

I always say na life must go on di ba?

Kapag sinasabi ko yan palagi na lang may nagaganap.

Hahah! Pansin ko lang :D

Pero ganun siguro talaga.

Boring ang life pag walang thrill.

Nasobrahan lang ata talaga yung sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon