CHAPTER FOUR

2 0 0
                                    


Chapter 4 - Expect the Unexpected 1.2

May pasok na naman kami.

Minsan nakakasawa na din talaga mag-aral.

Nakakapagod kasi.

Pero kailangan e.

Para din naman daw 'to sa kinabukasan ko.

Bakit ba kasi di ako pinanganak na mayaman.

Haha jk lang. Kwestyunin daw ba ang Creator?

Masaya naman ako sa pagiging ako kasi kung hindi,

hindi ko makikilala yung mga taong kilala ko ngayon.

Or maybe, hindi ko pamilya ang pamilya ko ngayon.

Kaya nothing to reklamo about.

Di ba. Positive lang :P

General cleaning sa shop.

Isa 'to sa mga paborito kong araw.

Hahahah! Di ko nga alam kung ano ba talaga gusto ko e.

Kung maging propesyonal ba o maging butihing housewife?

Naglilinis ng bahay at nag-aasikaso sa pamilya.

Hahaha. OVERTHINKING :D

Nag-eenjoy ako maglinis kasi katawan ko lang ang mapapagod, hindi ang

utak kong kay hirap pigain.

May libre pang pasnack si Madam samin na mga mapagpanggap na estudyante

niya na kunwari'y naglilinis. E nagchihikahan lang naman talaga yung iba.

Tapos ang lalakas pa ng loob magrequest ng free food. hahah (kayo na :D)

Tuloy lang sa paglilinis (daw)

Pinapaarrange samin ni Madam yung mga table.

May color coding kasi yun.

Halimbawa, kung matapat sayo yung table B3, ikaw yung magbubuhat nun

sa pwesto mo. E yung natapat sakin na table ang layo ng kinaroroonan.

Ang bigat pa naman. Aysus.

Parang napause ako sandali kasi di ko alam kung paano ko bubuhatin e ansikip pa naman ng room.

Ang dami pa ng table na nakakalat sa dadaanan ko.

Siyempre, dahil mabait parin sakin si Lord, biglang may bumuhat ng table ko.

Asking me: "Saan 'to ilalagay?"

Siyempre, no time for pabebe thing. Tinuro ko na kung saan nakapwesto yung table ko.

Problem solve.

But wait.

Parang pamilyar sakin yung nagbuhat ng table ko?

Hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm.

After mag-recall, naalala ko na din kung sino yung lalaking yun.

Pero bakit second sem na tapos bihira ko lang siya makita?

Well, ewan. Thank you na lang sa pagbubuhat ng table ko.

After namin maglinis, etong mga praning kong kaklase may

naisip na naman na gimik.

Para daw mas maging close pa kaming magkakaklase may ipinakalat silang papel na

nagdidivide sa apat.

Eto yung contents: NAME, CONTACT No., ADDRESS, and SIGNATURE.

Sino na naman kaya ang nagpauso ng papel na yun?

Parang pang-elementary lang e. Kulang na lang slum note yung ipakalat nila.

Siyempre sumakay na lang ako.

Pakikisama ba sa kanila.

Uwian na naman.

Malayo-layo din talaga ang school namin sa bahay.

Isang jeep at tricycle ang kailangan mong sakyan para makarating sa bahay.

Kaya nakakapagod din talaga magpabalik-balik sa school.

Gusto ko sana magboard di naman ako pinayagan.

Delikado daw kasi.

Lahat na lang may hassle.

Iniisip ko na lang na may hangganan din ang lahat.

Kailangan ko na lang enjoyin ang buhay.

At last, nakauwi rin sa bahay.

Kaya minsan ayaw ko sumakay ng jeep kasi andami kong naiisip e.

Lampas langit yung naiimagine ko.

Hahaha!

Nagbihis. Nagpahinga.

Kung anu-anong pinagga-gawa.

Nag-usap kami ni Mama.

Magtatrabaho daw siya.

Well, hindi naman masyadong malayo yung papasukan niya.

Tsaka kailangan niya din naman talaga magtrabaho para may panggastos kami.

Nakakahiya din naman kasi kay Lola.

Nakikitira na lang nga kami sa bahay niya, siyempre kailangan namin mag-share sa gastos.

At kung bakit nakikitira kami sa bahay niya ay isang mahabang istorya.

This LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon