Chapter 5

179 4 0
                                    

Skyler

8 months later 

8 months na akong hindi umuwi sa bahay namin ni caleb at

8 months narin ang lumipas ay tuluyan akong nabulag at nabingi. Sa loob ng walong buwan ay mas humihina ang katawan ko.

Alam ko naman na malapit na akong mawala sa mundo.

Gusto kong makita ang anak ko pero hindi na maari.

Ang tanging nag bibigay sakin ng pandinig ay ang aking Hearing aid na binili nila mommy.

Gustong gusto ko umiyak kasi wala akong kwenta.

Nandito ako sa Balcony ng kwarto ko kasama ko ang Personal Nurse na hinire nila mommy para sakin.

Ma'am oras na po para sa gamot niyo-sabi niya.

Tumango ako at kinuha ang tungkod ko atska pumasok ng kwarto ko.

Inalalayan niya ako maka upo sa kama atska inabot sakin ang gamot ko.

Ininom ko yun atska humiga ng kama.

Elesa pwede bang tawagan mo si caleb? gusto ko siyang maka usap-sabi ko sa personal nurse ko.

Sige po ma'am- sabi niya.

Sabihin niyo po ang number ng maidial ko- sabi niya kaya sinabi ko ang number ni caleb.

Kahit mahina na ang memorya ko ay nakabisado ko parin ng numero niya.

iwan ko ho muna kayo saglit ma'am-sabi niya atska inabot sakin ang cellphone niyang naka loud speaker.

Hello?Who's this?- malamig niyang tanong

C-caleb si skyler to-mahinang sabi ko

What do you want?-malamig niyang tanong ulit sakin.nakaramdam ako ng sakit sa puso ko pero pilit kong mag salita ng maayos.

G-gusto ko sanang makipag kita sayo bukas.- Kinakabahang pahayag ko.

I'm not available tomorrow.-malamig niyang sabi.

Please kahit bukas lang.pipirmahan ko na ang annulment natin.please pumunta ka sa dati nating tambayan.hihintayin kita bukas doon Caleb. Mahal na mahal kita-sabi ko sakanya at pinipigilang mapa hikbi. at ang katotohanang namimiss ko na siya 

fine-sabi niya kaya napa ngiti ako.

S-salamat- sabi ko sakanya atska ko inabot ang telepono kay elsa.

Elsa penge akong papel at ballpen salamat-Utos ko kay elsa atska ngumiti..

Sandali lang -sabi niya at naramdaman kong binuksan niya ang isang drawer at my inabot sa kamay ko.

Paki lagyan ako ng lamesa hindi ako maka pag sulat ng maayos-utos ko sakanya.

Inalalayan niya akong tumayo at naramdaman kong malamig na hanging sumalubong sakin sa balconahe ng kwarto ko.

Inupo ako ni elsa atska bumalik uli sa kwarto at kinuha ang naiwan kong papel.

Hinawakan ko ang lapis at nag simulang magsulat.

sinulat ko lahat ng mga habilin ko sa mga taong mahahalaga sakin.

Kahit naiiyak ako ay tinapos ko ang gusto kong sabihin sakanila through my letter.

itinupi ko ang huling sulat na ginawa ko at sinulatan ng pangalan ni Caleb.

=================================

Hindi ako mapakali ngayong araw.

Habang binibihisan ako ni elsa ay parang kinakabahan ako.

Lumabas kami ng kwarto at inalalayan niya akong makakababa sa hagdanan.

wala ngayon si Celvin kasi my pasok siya sa school ngayon nahihiya na nga ako sa anak ko kasi hindi ko siya maihatid sundo pero sadyang madaling umunawa si celvin at naunawan niya ang sitwasyon ko.

Wala rin sila mommy nasa company kaya ako naiwan dito kasama ng mga katulong.

Inalalayan ako maka sakay ni elsa sa kotse bago siya sumunod.

Saan tayo ma'am?-tanong sakin noong driver.

Sa Antipolo ho tayo doon sa rest house ko-sabi ko sa driver.

Sige po ma'am-sabi niya at naramdaman kong umandar na ang sinasakyan namin.

Elsa alam mo gusto ko makita ang mukha mo.-sabi ko kay elsa na katabi ko.

Naku ma'am wag niyo na akong makita kasi hindi ako kasing ganda niyo-sabi niya kaya natawa ako.

bolera kang babae ka.-sabi ko sakanya.

Pero totoo naman ma'am eh.Mukha ka pong anghel sa mukha niyo at ang ganda rin ng mga mata niyo na mana niyo sa mommy niyo.-sabi niya sakin.

Maganda nga ako mamatay narin naman-sabi ko sakanya.

Naku ma'am matagal kapang mawawala.at kung saka sakaling mawala ho kayo sayang mababawasan ang maganda sa mundo-biro niya.

Talaga tong babaeng to.-sabi ko at kinurot ang tagiliran niya.

Pero elsa gusto ko tong ibigay sayo.-sabi ko atska ko binigay ang kanina ko pang hawak na mga sulat.

Ibigay mo yan sa mga taong naka lagay ang pangalan sa unahan.aasahan kong maiibibigay mo yan sa kanila pag nawala na ako-sabi ko sakanya.

Para ka naman namamaalam niyan ma'am! naku wag naman po sana-sabi niya atska kumatok sa bintana ng kotse ng tatlong beses.

ngumiti lang ako sakanya bilang tugon.

==============================

Narating namin ang rest house na iniregalo sakin noon ng parents ko.dito kami madalas tumatabay ni Caleb at dito rin kami minsan nag babakasyong dalawa.

those happy memories of me and caleb.

Namiss ko na ang mga yun.

Umupo ako sa punong lagi namin tinatambayan noon.naka harap to sa view ng buong Manila at makikita mo mula dito ang Laguna bay.

Pero sad to say hindi ko na makikita ang mga yun at maapreciate.

Nag hintay ako sakanya hanggang sa nilapitan ako ni elsa at sinabing gabi na raw.

Ma'am alas sais na po kailangan na nating umuwi-sabi niya.

Dito muna ako.hihintayin ko siya elsa mag hihintay ako sakanya.-sabi ko sakanya.

Pero ma'am mag gagabi na ho-sabi niya ulit.

Please lang elsa just this once okay pabayaan mo muna  ako-pag mamakaawa  ko sakanya atska kinapa ang kamay niya at inabot iyon.

Sige na nga-sabi niya at naramdaman ko ang pag alis niya.

Nag hintay ako pero walang Caleb ang pumunta.

Napangiti ako ng mapait.

Lagi nalang ako nag hihintay sakanya pero hindi naman siya pumupunta.

Lagi nalang ako namamalimos ng oras at pagmamahal sakanya hanggang sa huling hininga ko.

ang saklap naman ng aking pag kamatay.

Walang Caleb na dumating.

Walang kahit anino manlang niya.

Mahal na mahal kita Caleb, -mahinang bulong ko sa hangin.

Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko at tuluyan na akong nalagutan ng hininga.

Paalam mahal ko


AN

Edited

P.S

Sariling story ko naiiyak ako sa pag eedit.

One Last CRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon