Simula
Napatingin ako sa aking relo habang iniintay kong dumating si Sam. Alas syete na ng umaga. 7:30 yung first class namin. Ang tagal niya naman! Baka malate kami sa aming first subject ngayon.
Habang nagiintay ay pinagmasdan ko muna ang bago kong environment. College na ako. Sigurado akong maraming bago at alam kong ang college ay hindi basta basta lang, kailangan mo na ditong magseryoso dahil ito ang pundasyon mo sa iyong future.
Malaki ang school na ito kumpara noong school ko noong highschool sa Quezon. Hindi ko maiwasang mamiss iyon dahil doon na ako nagsimulang magaral hanggang third year highschool ako.
Dito na ako sa Manila nagaral noong fourth year ako dahil sa kay Daddy na kailangang magpagamot. Isinama nila kaming buong pamilya dahil kailangan ni Daddy ng moral support upang gumaling siya.
"Excuse me, miss?" Sabi ng babaeng foreigner na umagaw ng atensyon ko.
"Yes?" Sagot ko. Tiningnan ko siya para kausapin.
"Are you familiar with the campus?" She said.
"Slight. Why?" Hindi naman talaga ako pamilyar dito sa campus dahil bago lang din akong lipat dito.
"I'm just transferee. I don't know where the Engineering building located. Do you know where?" Pagtatanong niya. Kitang kita ko yung inosente niyang mukha na parang nawawala siya. Saan nga ba yun. Hindi ko sure kung saan.
"Uhm, I'm also a transferee. I don't know where, eh. I'm sorry." Bigo kong sagot sa kaniya. Hindi ko naman kasi talaga alam kung saan iyon. Kung andito lang si Sam ay baka natulungan niya na itong babae. She's familiar here sa campus, I'm not.
"It's okay. But anyway, thank you. Gotta go." Sagot niya. Tumango nalang ako at ngumiti. At saka umalis na siya. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong pumunta siya sa tabi ng isang lalaking nakaupo sa may kabila. Parang kilala ko itong lalaking ito.
Hindi naalis ang paningin ko sa dalawa. Nagiisip pa rin sa mukhang nakita ko dahil pamilyar talaga ako sa mukhang iyon. Kaya naman nagpasya akong lumakad papalapit sa kanila upang isigurado kung kilala ko talaga siya at kung hindi ba ako nagkakamali na siya yun.
"Do you know where is the Engineering building?" Tanong nung babaeng nagtanong din sa akin kanina. Maputi ito. Matangkad. May kaunting make up sa kanyang mukha. Maganda siya. Siya yung tipong unang tingin mo palang ay maaakit ka na pero kitang kita mo yung simplicity na meron siya. Mukha siyang mabait.
"Yes. You go there and then go left. That's it." Sabi nung pinagtanungan niya. Lumapit pa ako lalo para mukhaan kung tama ba itong nakikita ko.
"Austin.." Bulong ko. Napalingon sila sa akin at narealized kong hindi pala iyon si Austin, nagkakamali ako. Kaya naman naglakad na muna ako. Ang tagal naman ni Sam. Anong oras na oh. Nagpasya na akong hindi na siya intayin at papasok na ako sa room at doon nalang kami magkita. Kaya tinext ko na lamang siya.
Ako:
Sam, mauuna na ako sa room. Ang tagal mo baka malate pa ako dahil sayo. See you there!
Nakita ko naman na nagreply agad itong si Sam sa akin.
Sam:
BINABASA MO ANG
Time of love
Teen Fiction"Time bring past and present or time will serve as a bridge for the two people who are destined for each other."