Kabanata 4

3 1 0
                                    

Kabanata 4

Her Escort

"Nasa taas yung phone ko, Dad. Pwede po bang mamaya nalang?" Sabi ko na sana ay matakasan ko pa ito at sana mamaya ay makalimutan na niya.

"Hayaan mo na muna, Dexther. Mamaya nalang, kumakain pa tayo." Sabi ni Mommy kay Dad. Umaasa ako na sana ay kakampi ko para iwasan ito.

"Oo sige. Kumain ka na muna." Sabi ni Daddy na kumakain na rin ngayon.

"Ate, I want more bread." Agad kong inabot kay Sky ang tinapay na hinihingi niya. "Here baby oh."

"Thank you, Ate!" Sambit ni Sky. I have the cutest baby brother. I want him to be the responsible guy kapag laki niya, yung hindi marunong magpaiyak ng babae. Siguro naman ay hindi siya magiging one of those jerks because wala sa dugo namin iyon dahil I never heard anything from Mom na Dad made other girls cry because of him, and also Kuya. I don't know about his lovelife. I wonder?

"Napagawa mo na ba phone mo, Chloe?" Ani Kuya na nakatingin sa akin ngayon. Siguro ay kailangan na niya yung phone niya.

"Not yet. Kailangan mo na ba yung phone mo?" Sabi ko. Nakita ko namang inangat ni Daddy yung tingin niya sakin.

"What happened to your phone, Chloe?" Sabi ni Daddy na may nagtatakang mukha.

"Basag po yung screen, Daddy. Hindi na po mabuksan." Sabi ko. "Nabagsak ko po kahapon." Naalala ko nanaman iyong ginawa ni Austin. I hate you so much!

"Bakit hindi mo sinasabi? Anong ginagamit mo ngayon?"

"Yung iPhone 5s po na isa ni Kuya Drake. Hindi ko na po nasabi kasi gusto ko po sana pagawa pa din po yun."

"Let's bring it to the Powermac later. We'll go to Greenbelt. But if hindi na pwedeng magawa, palitan nalang natin ng bago." Sabi ni Daddy na ganun ganun nalang papalitan ng bago ang aking cellphone. Mahalaga ito sa akin.

"Okay po, Daddy. Thank you po!" Sabi ko tapos ngumiti. Nagpatuloy na kami sa aming pagkain ngayon. Nang matapos na kami sa aming pagkain ay agad akong tumayo sana para umakyat na at ang akala ko ay makakatakas ako ngunit hindi.

"Ask Kenji Marcos to come with us." Tumango na lang ako at umakyat na.

Agad kong kinuha ang aking nananahimik na cellphone. Nakita kong may isang mensahe ako doon na natanggap.

Kenji:

Good morning. You deactivated your fb account?

Nakita niya talaga? Bakit hinahanap niya? Agad naman akong nagreply dito.

Ako:

Yup. Last night. I find it boring.

Agad ko namang sinend iyon. Iniwan ko na ang aking cellphone muna at nagpasyang magayos ng aking sarili ngayon. Nang makatapos akong maligo ay naghanap na ako ng pwedeng isuot ko. Crop top and high waist short and then adidas rubber shoes. Naglagay lang ako ng lipstick at pulbo. Ready na ako.

Binalikan ko ulit ang aking cellphone ng nakita kong nagreply na si Kenji.

Kenji:

Oh okay. Have a nice day ahead!

Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako kung tatanungin ko siya ngayon kung gusto niyang sumama sa amin. My daddy wants to meet him. First time to at alam kong hindi iyon basta basta.

Ako:

Have a nice day too. May gagawin ka today?

Sana ay meron! Please lang.

Time of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon