/seven/ Dealing with the Childish Brat/Cassanova (part II)

2.8K 55 10
                                    

Happy 1.7K reads sa story na ito :) sorry for the late update! And Happy reading to all ^_^V 

+++

/seven/ Dealing with the Childish Brat/Cassanova (part II)

+++

Hannah Mendoza's POV 

 "Good Morning Teachers..." sabay naming bati ni jerk pagpasok namin sa faculty room ni Miss Math. Syempre una akong pumasok kasi ang cute ko---I mean kasi ako ang mas nauna sa kanyang nakapasok. At syempre kung ako nauna, nakasunod sa akin yung jerk

"Ah good thing the two of you are already here. Please come here I have something to ask..." sabi ni Miss Math na parang nasa second to the last desk ng faculty kaya kailangan pa namin maglakad ng malayo-layo. 

Anyway, before proceeding to the story. Ang faculty po ng mga teacher isang malaking room. Opo, malaki ang room. There's five faculty rooms for each subject. Ewan ko kay madam Principal---ay wait dun pala sa founder ng school namin kung bakit hindi na lang nila pinagsama-sama ang mga teachers ng same subjects sa iisang faculty room.

Sa isang faculty room ay may limang desks for each teachers. Marami ring bookshelves at meron din silang isang cabinet na nahaharangan ng isang glass na kung saan dun nakalagay yung parang mga trophies-trophies na napanalunan ng school na sakop ng department nila. Oh before I forgot, my plasma tv rin pala sa isang part ng room, then syempre sofas, at may fridge pa para kapag nagutom sila.

So yun nga ang meron sa isang faculty room. 

After walking for not more than ten minutes ay narating na namin ang desk ni Miss Math---ay wait sige na nga, ni Miss Leondale, ang teacher namin sa Math.

As much as I want to have a sulkish whiny look on my face, yung tipong nakabusangot pero cute pa rin tignan, ay hindi ko magagawa kasi nasa harap ako ng isang teacher at nasa loob ako ng isang faculty. One of the rules in being one of the members of PSC is that you should always look respectful and you should always show respect to higher-ups and to your fellow princesses. Pero at the same time, dun sa mga princesses, karespe-respeto ka pa rin at dapat ay makita ka pa ring mas kagalang-galang sa kanila para mapasunod mo sila.

Kaya nga heto ako ngayon, sa harap ni Miss Leondale at nakangiti.

"Ano po ang kailangan niyo Miss Leondale?" magalang kong tanong sa kanya. I pushed the jerk's existence at the back of my mind first kasi ayaw kong sumabog ang galit ko towards that being dito sa lugar na ito

"Ah you see, I thought of asking a favor to the two of you, Miss Mendoza and Mr Cho. That is if it's okay with the two of you..." sabi ni mam as she scanned through the stack of papers that is on her desk

"Sorry pero---" agad kong tinakpan ang bibig ni jerk the moment I realized kung ano yung sasabihin niya.

"Sure Miss Leondale, we'll be more than glad to accept your favor..." sagot ko sabay tanggal na ng pagkakatakip sa bibig ni jerk.

Napatingin ako saglit sa kanya at nagglare kami sa isa't isa bago ko tapakan ang paa niya para sabihing wag siyang magulo.

Princess Academy VS Gangster Public High (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon