my ghost boyfriend

176 0 0
                                    

PANIMULA

“Ang kulit-kulit mo talaga! Sinabi nang ayaw ko sayo! Hindi tayo magka-level! Haler! Gumising ka na nga sa kahibangan mo! May boyfriend na ako at mahal ko siya!” Ito ang mga huling salita na sinambit ko sa kanya. Sana hindi ko na lang sinagot si Lucas. Sana sinunod ko na lang ang nararamdaman ko at hindi nagpadikta sa mga barkada ko. Edi sana Masaya ako ngayon at hindi ako nagsisisi. Kung bakit kasi ngayon ko lang napagtanto na mahal na mahal ko talaga siya. Hindi ko kayang mabuhay nang hindi siya kasama, nasanay na ako na lagi siyang nandiyan sa tabi ko.

Kahit na alam kong malayo siya, hindi pa rin nawala ang aking pag-asa na babalik siya sa akin. At nagsimula siyang dumalaw sa aking panaginip. Sinundan pa ito ng madaming madaming pangitain. Makalipas ang ilang araw, nagawa na niya nang magpakita sa akin at dahil doon lagi akong masaya. Hindi ko iniintindi ang sinasabi ng iba, wala din akong pakialam kung sabihin nila na sira na ang aking ulo. Basta ang tanging alam ko lang ay mahal na mahal ko si Jello.

my ghost boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon