Chapter 4

30 0 0
                                    

Jello’s POV

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay nilinis ko na kaagad yung sugat ko sa ulo,

aba mahirap na at baka mainfection pa.

Saan ko nakuha yung sugat ko sa ulo?

*Flash back*Buti na lang talaga at natapos agad naming yung first step sa project namin kaya naman bukas na ulit.

Nagmamadali na akong pumunta sa bus stop,kasi nakita kong lumagpas na si Jenny kanina sa may room namin.

Nakita kong sumakay na si Jenny sa bus at hindi na ako nakaabot kaya naman inantay ko pa yung second bus.

Nung nandun na ako sa may village nila ay nagtatakbo na ako para maabutan ko siya kahit bago manlang siya pumasok sa kanila.Pero iba ang naabutan ko, yung lalaki parang hinihila si Jenny

kaya naman

sinunggaban ko kaagad yung lalaki at sinuntok.

Napukpok ako ng bato sa ulo nung lalaki,

kaya naman binugbog ko na,

yun tatakbo naman siya eh,

medyo sumakit yung ulo ko kaya nag steady muna ako sa pagkakatayo ko, hindi naman grabe pero masakit padin.Bigla naman akong kinulbit ni Jenny at sabay sabing

“Thank you sa pagliligtas mo sakin ha, salamat talaga”

Kaya naman humarap na ako sa kanya.

“walang anu man un, ikaw pa malakas ka sakin at tsaka mahal na mahal kita eh, kaya hindi kita pababayaan”Nakatungo padin siya nun, pero tumunghay din agad.“Ikaw?” parang gulat na gulat siya nung nakita niya ako,

yung parang nakakita lang ng multo.

“Ok ka lang ba? May masakit ba sayo?”

tanong ko sa kanya, tapos parang may tumulong pawis sa may nuo ko kaya naman kinuha ko na yung panyo ko,

ng biglang nagsalita si Jenny.

“Oh my God Jello, may dugo ka sa ulo!”

taranta niyang sabi.

Pinunasan ko kaagad at tiningnan kung dugo nga.

Aba meron nga.

Tiningnan ko sa Jenny at mukhang alalang alala,

kaya naman kinalma ko lang yung sarili ko,

nagrelax

at sinabing.

“Ah ayos lang yan, wala yan, tara na hatid na kita sa inyo baka kasi balikan ka pa nung lalaking yun e”

Nung naglalakad kami papunta sa kanila gusto ko sana siyang kausapin kaso parang ang ackward pa e kaya naman hindi na ako nagsalita hanggang sa maihatid ko na siya sa kanila at umalis din naman agad ako pag kahatid ko sa kanya.

Nakalimutan ko palang magbabye babalik sana ako kaso pag lingon ko sa kanila eh nakapasok na siya sa bahay nila kaya naman nag pasya na akong umuwi.

*End of the Flash back*

Pagod na ako kaya naman natulog na agad ako.

Umaga na naman. . . . . .

Pagbangon ko

“Ouch”

Parang pinupukpok ang ulo ko sa sobrang sakit.

Pero kailangang bumangon kasi may pasok pa.

Gumayak na ako para makapasok na ako.Pero bago ako umalis sa bahay nilinis ko muna yung sugat ko at nilagyan ko na din ng bandage,

ngayon ko lang napansin na medyo malaki din pala yung sugat ko.

At pagkatapos nagsuot ako ng bonet para hindi pansinin.

Pagpasok ko sa gate ng school namin pinagtitinginan nila ako,

lagi namang ganito pero iba yung ngayon, pero di ko na lang pinansin.

Nagdirediretso na lang ako sa room.

my ghost boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon