C H A P T E R O N E
Stephanie Cyrene's PoV
1 week ago....
"BESTYYY!!!"
"Shet naman, Keina Gail!" Sigaw ko sa kanya.
"Ay! Hahaha sensya na!" Sagot niya. Ako na po ang magsosorry para sa kabaliwan niya.
Siya si Keina Gail Jimenez. Ang number one bestfriend ko. Lagi kaming magkasama. Matatag yata kami. Hahaha.
"Besty, tara naaa. Malapit na first class natin. Sino ba---" nakatingin na naman siya sa crush niya.
"Besty. Eh kung umamin ka na kaya? Atleast hindi lang hanggang tingin ang trip mo." Suggestion ko. Eh halos araw araw, hanggang tingin lang siya.
"Eh besty. Mapahiya lang ako sa harap ng tropa niya." Sagot niya. Napatingin naman ako sa relo ko.
"Mamaya na nga. Masisilayan mo naman siya ulit eh. Lagot tayo kay Sir neto." Sabi ko at hinila siya patakbo.
Ako nga pala si Stephanie Cyrene Madrigal. Isang typical highschool student na makikita mo sa sulok sulok ng school niyo. Hahaha. In short, hindi ako agaw pansin. Hindi rin naman ako papansin.
*-*-*-*
"Besty, ano na naman yang ginagawa mo dyan?" Sinubukan kong sumilip at ayan na naman siya. Naglelettering ng pangalan nilang dalawa ni Brylle, isa sa mga so-called Badboys ng Willard University, sa likod ng isa niyang notebook.
Nagtataka kayo kung ano o sino ang nga "Badboys" dito sa school namin.
Prince Austin Mendoza. Ang member na tahimik at hindi social. Kumbaga, cold at masungit.
Brylle Edison Rivera. Ang player ng grupo. Makapagpalit ng babae akala mo nagbibihis lang ang trip niya. Kaya hindi ko alam kung ba't siya pa ang nagustuhan ni Kei eh.
Adrien Louis Valencia. Katulad din neto si Brylle eh. Sabay silang bumibisita sa iba't ibang bar at madalas daw ay nag-uuwi ng iba't ibang babae.
Frost Ethan Lopez. Pinsan ko. Ang bestfriend ng kanilang leader.
At si----
"Besty! Yuhooo! Andito na si Sir!" Sabi ni Kei.
"Good morning class." Bati ni Sir Kiel pagkapasok niya.
Oo nga pala, History pala ngayon. Boring na naman.
*-*-*-*
Lumipas ang isa't kalahating oras at sa wakas tapos na ang subject na to.
"Besty tara na! Gutom na ako!" Sabi ni Kei.
"Gusto mo lang siyang makita." Sagot ko at nagmamadaling ligpitin ang gamit ko saka sumunod kay Kei.
"Well. Additional na lang yun." Sabi niya at umaktong kinikilig. Tsk wala pa nga si Brylle kinikilig agad.
Pagkarating namin sa canteen, pumila agad kami kasi ako ang gutom na talaga. Hinahanap lang naman ni Kei si Brylle sa paligid. Ano ba talagang nagustuhan neto dun sa playboy na yun???
Humanap na kami ng bakanteng upuan at meron kaming nakita. Well bandang sulok naman kaya okay lang.
"And there goes Freia, kasama ang kanyang mga alipores." Bulong ko nang magsisimula na kaming kumain. Retokada kaya yang mga yan.
"Look who's here, little Stephanie and her weird besty." Sabi ni Freia nang matapat siya sa pwesto namin. Aba't nagtawanan ang mga bruhilda.
"Gosh. Besty, ang dami nang nagkalat na plastic dito. Dapat talaga ipinagbabawal na yun eh." Sabi ko kay Kei na sinakyan naman niya.
"Oo nga eh, besty. Padami ng padami na nga sila." Sagot ni Kei sa sinabi ko. Gusto ko nang tumawa dahil sa pagmumukha ng mga bruhang nasa harap namin ngayon.
"Ako ba ang tinutukoy niyo?" Pagsusungit ni Freia.
"Gosh. Iniisip mo bang plastic ka? Excuse me lang dear, pero ang tinutukoy kong plastic ay eto." Sabay angat ng literal na plastic sa harap niya. Oh di ba? May props pa ako. "Wag kasing assuming. Nasobrahan tuloy, ayan. Pati pinaguusapan namin ng bestfriend ko, pinagiisipan mo na ng kung ano ano." Sabay ngiti ng sweet.
"Btch. Let's go girls." Sabay lakad palayo nung mga bruha. Nag-apir kami ni Kei.
"Yes. Akala niya ah." Sabi ko. Pinagpatuloy nalang namin yung pagkain nang biglang naging maingay dito sa canteen.
"OMG. Ang Badboys."
"Ang gwapo talaga nila."
"Gosh. Ang hot.""Bestyyy. Andyan na siyaaa." Sabi ni Kei habang hinahampas ako. Mabubwiset din ako dito eh.
Nakatingin lang ako sa pintuan ng canteen habang nagsisigawan lahat ng babae dito.
Ano ba kasing meron sa kanila? Para sakin, mga estudyante lang din naman sila dito.
"Mygosh. Bestyy. Gwapo talaga ni Brylle." Eto namang si Kei. Baliw na din. Di kaya ginayuma nila lahat ng babae dito sa school at ako lang ang hindi tinablan???
Tuloy tuloy lang yung lima sa paglalakad habang pinagmamasdan sila ng lahat. Feeling artista be like. Boys over flowers ang peg, ganern? Ay. Apat lang pala sila Jun Pyo.
Back to reality, mula sa entrace ng canteen ay naglakad na sila. May sarili kasi silang pwesto at second floor pa.
Mga mayayaman nga naman.
"Bestyy! Una na ako ah." Napatingin si Kei dahil sa sinabi ko.
"Ay wait. Malapit na din pala next subject natin. Sabay na ako besty." Sagot ni Kei at nagmamadaling ubusin yung pagkain niya.
Naguusap kami ni Kei habang paalis ng canteen kaya nawala sa isip ko na makakasalubong namin yung lima. At dahil clusmy ako, nakabangga ako at natapon sa nabangga ko yung softdrinks na hawak ko. Napatingala ako at nabitawan yung cup na nahulog sa paanan namin dalawa.
Shet. Bakit si Kristian Jett Salvador pa ang nabangga ko? Bakit yung leader pa nila?
I am totally dead.
*-*-*
A/N:
After 123456789 years, nakapagupdate din. Ngayon lang nagkaroon ng wifi. Hahaha. Anyways, babawi ako. Kaya pleaseeeeee. Paramdam sa comment guys. Anong masasabi niyo sa chapter na to???
Kamsahamnida & Saranghaeyo!!!