PLAY 22

6 2 0
                                    

Ng makarating na kami sa bahay agad akong dumeretcho sa sala. Binuksan ko yung tv at nilipat ko sa MTV.

Naupo ako at nag sayaw sayaw dahil ang kanta ay Clarity.

"Ano gusto mong pagkain? Mag luluto ako" ngumiti siya sakin, yung ngiti niyang pati ikaw mapapangiti. Napansin ko din na may isa siyang dimple sa right cheek niya




"Corned beef na lang" tumango siya at pumunta na agad sa kusina

Kumanta ako ng pag ka lakas lakas pag dating sa Chorus.


" oy Cha!babagyo na ata!" Sigaw ni Echo mula sa kusina, medyo natawa ako sa reaction niya.

Naupo ako sa sofa at tumingin sa ceiling namin.

Hays dapat ganyan ka, wag ka mag drama hindi bagay sayo. Be happy and enjoy life

Bulong ko sa sarili ko. Hinawakan ko yung dibdib ko at naramdaman kong ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kakasayaw.

Hinihintay ko tumunog ang susunod na kanta kaya sumayaw na lang ako ng kung ano ano.


Tulala lang saking kwarto
At nag mumuni-muni
Ang tanong saking sarili
San ako nag kamali..

Bigla akong natumba sa kung saan at nasanggi ko yung vase ni mommy na binili niya pa sa singapore, nalaglag din ang basket na may mga prutas


Nag unahan sa pag patak ang mga luha ko. Pinipilit kong pigilan pero ayaw nilang huminto.

Kakasabi ko lang na wag mag drama eh. Ang sakit na ng mga mata ko. Bakit kaylangan ganto?. May nagawa ba ako? Worth it ba lahat ng ito?

Biglang tumakbo papunta sakin si Echo. Tinanong niya ako kung ano nangyari pero naka upo lang ako at umiiyak ng sobra.

Nilinis niya muna yung mga babasagin at bumalik sa kusina. Umupo siya sa tabi ko

Bakit sayo pa nag kagusto?
Parang bula ika'y naglaho....

Patuloy parin sa pag play yung kanta. Sa bawat salitang binibigkas niya, parang isang libong karayum ang tumutusok sakin.


Tinapik niya yung tabi niya na nag senyas na tumabi daw ako sa kanya. Umupo ako sa gilid niya habang yakap ko ang mga binti ko, nakayuko ako at umiiyak.

"Ay slow teh? Syempre ililiyad mo ung ulo mo sa lap ko" nag taka ako kung anong sinabi niya. Hinila niya ako at nilagay niya yung ulo ko sa lap niya na ngayon ay may unan.


Tiningnan ko siya sa mata

"Diba dapat sa balikat? Ganun dapat yun baliw" pinahid ko yung mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak.



Unexpected Game (The Play Ones)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon