PLAY 23

8 0 0
                                    

A/N: please panoorin niyo po yung video sa taas😉


This is it, pancit. Ito na yung day na sasayaw kami. Nag practice muna kami ng 3 beses bago ako ma satisfied sa sayaw namin. At sabi din ni Ms Vergara na kahit d na ganun ka sweet yung sayaw nami ni Echo dahil maganda daw kinalabasan ng sayaw namin.

"Guys ano? Ready na ba kayo?" Kinuha ko na yung bag ko at hinagis sa sasakyan ni Larry. At good news nga pala, kami ang napili na mag re represent sa section namin.

"Wait lang bakla jusko d ka makapag hintay" patakbong bumaba si Theo pero bumalik siya sa kwarto niya kasi nakalimitan niya eye liner niya

"Easy lang kasi ganda hahah" sabi ni Ice habang umiinom ng tubig

Nilabas ni Theo ung kalahati niyang katawan mula sa loob ng pinto

"Ay bet ko yang tawag mo sakin" tumakbo pababa ng hagdan at tumakbo sa sala ng nadulas.

Tumawa ako ng malakas at ng narinig nila Shinnah ay tumawa narin sila ng malakas.

Nilapitan ko si Theo at nilahad ung kamay ko

"We are bestfriends always remember that if you fall i pick you up" ngumiti siya sakin at aabutin niya na dapat kamay ko ng nilayo ko ulit.

"Aftet i finish laughing" at tumawa ako ng malakas

"Awwww" comment ni Bryan na ngayon ay naka sandal sa pintuan

"Mga bwiset to, kaya mahal na mahal ko kayo eh" nilahad ko na ulit kamay ko at tumingin sa orasan ko. Wala pa si Jericho nasan na kaya yun.

Nagulat ako, may nag lagay ng palad sa balikat ko at nakita kong si Larry pala.

"Dadating din yun, pag di siya dumating ito mahaharap niya" pinakita niya sakin kamao niya at natawa naman ako ng konti.

" oy dinasour tigilan mo yan ha baka buhusan kita ng kumukulong tubig" natawa din ako sa reaction ni Theo kaya hinila ko na siya sa sasakyan.

"Tabi kami ng King ko ha" biglang sinukbit ni Shinnah yung kamay niya sa braso ni Bryan.


"Kadiri tsk" nag roll ng eyes si Bryan.

"San ka nakakita ng nakakadiri na kasing ganda ko?" Nilalapit ni Shinnah yung muka niya kay Bryan pero si Bryan dinaig pa ang baklang diring diri sa isang babae.

"Oy mag si tigil nga kayo aalis na tayo oh, tama na landian" sinalpak ni Ice yung headset sa tenga niya at pumasok na sa van.



"Palibhasa walang lovelife" parinig ni Theo at pumasok na sa van din.

Pumasok na rin ako sa loob ng van. Bali ganto pwesto namin

Larry Ice
Theo Meh
Shinnah Bryan

Si Larry yung mag dra drive.

Sinandal ni Theo ung ulo niya sa balikat ko. Hinawakan niya yung kamay ko

Unexpected Game (The Play Ones)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon