--

1K 14 3
                                    

Book 4: Chapter 1 part 2/2

Via's First Birthday

( K E V I N )

Sa sumunod nga na araw ay sobra na ang pagiging abala ni Hani para sa una'ng birthday ng anak namin'g si Olivia. Kasama niya sa pagpaplano si Mama na talaga'ng ang taas-taas din nang energy pagdating sa mga parties na ganyan. Halos araw-araw sila'ng magkasama, nakikita ko nalang sa Instagram posts ng asawa ko ang mga preparations na ginagawa nila. Ang lalaki ng mga ngisi ng asawa at Mama ko, nahahawa na rin tuloy si Via.

   Isa'ng linggo bago ang mismo'ng birthday ng anak ko ay napamigay na lahat ng invitations at medyo nakakapagpahinga na rin si Hani. Habang tinitingnan ko ang asawa ko, talaga'ng masasabi ko na hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Totoo pala 'yun'g ganun, 'yun'g may isa'ng tao talaga'ng hindi mo pagsasawaan kahit na palagi kayo'ng magkasama at nag-uusap. Kami kasi ni Hani, palagi pa rin kami'ng nag-aasaran, bugbog sarado pa rin ako at nahuhulog pa rin paminsan-minsan sa kama kapag tinatadyakan niya ako sa tuwing naiinis siya. Nagtatalo pa rin kami pero hindi namin pinapakita o pinaparinig kay Via 'yun. I guess that's the fun of this marriage, we're doing our best to keep our deep friendship.



Birthday na ni Via, nakasuot ako ng Peter Pan costume. Samantala'ng si Hani ay nakasuot ng white maxi dress na off shoulder. Nakalugay at nakakulot ang mahaba niya'ng kulay auburn na buhok. Si Via naman ay nakasuot nang maliit na green and brown fairy dress. Nakasuot din nang gladiator sandals ito at may flower crown at flower bracelet rin ang maliit ko'ng anak.

   Ang gaganda at bagay sa kanila ang suot nila, maliban SA’KIN, at 'yun ang inireklamo ko nang palabas na kami ni Hani ng kwarto namin.

     “Tart, dapat ko ba talaga'ng isuot ‘to?”

     “Bakit? Wala naman'g masama ah, ang cute mo nga oh. Peter Pan, ang bata'ng hindi tumatanda. Kagaya nang isip mo.”

   Kumunot ang noo ko, nang-aasar na naman ang maliit na babae'ng ‘to.

     “'Wag mo 'ko'ng sisimulan.” banta ko sa kanya pero tumawa lang siya at humawak sa dalawa'ng braso ko.

     “Tart, bagay kaya sa’yo 'yan"g suot mo.”

     “Tart, general manager ako ng hotel na venue ng birthday ni Via tapos makikita ako ng staff ko na nakasuot ng green costume na’to. Alam mo ba'ng sobra'ng nakakahiya nun?”

     “Tart, day off mo ngayon. Hindi ka si General Manager Romero, ikaw si Mr. Kevin Romero na Daddy ni Olivia at siyempre asawa nang napakaganda'ng babae at napakabait pa na si Hani kaya 'wag mo nang isipin 'yun'g hiya-hiya'ng ganyan." ang bilis nang pagkakasabi niya.

   She paused just to charm me with her smile.

     "Mas hahanga pa nga sila sa’yo kasi kaya mo'ng gawin lahat para mapasaya kami ng anak mo.”

   Napangiti na rin ako nang sinabi niya. Ngumisi siya at tinapik pa ang pisngi ko.

     “Ayan, smile lang. Gumagwapo ka lalo niyan eh.” pambobola na naman niya.

     “Pasalamat ka talaga mahal na mahal kita.” sagot ko.

     “Sus. Palagi kaya ako'ng nagpapasalamat kasi nga mahal na mahal mo 'ko.”

BOOK 5: The Him who loves Her...endlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon