--

476 9 0
                                    

Book 5: Chapter 20 part 2/2

Leaked

( H A N I )

Naalimpungatan ako bigla dahil sa kumaba ang puso ko. Nang kapain ko ang tabi ko ay napansin ko'ng wala si Kevin. Napabangon ako at nagtaka. Hinanap ko siya sa walk in closet namin at sa banyo pero wala siya. Lumabas ako ng kwarto at hindi pa rin mawala ang kaba na nararamdaman ko. Tiningnan ko ang orasan at malapit nang mag-ala una.

     “Nasa’n kaya siya?” tanong ko habang magkahawak ang kamay ko na sa sobra'ng tensyon ay kinikiskis ko na ang mga ito.

   Hanggang sa makita ko si Maru na lumabas galing sa kwarto niya.

     “Mommy, ba’t gising pa kayo?”

     “Hinahanap ko kasi 'yun'g Daddy mo.”

     “Umalis ho si Daddy?”

     “Parang. Nagising kasi ako na wala siya sa tabi ko. Kinakabahan nga 'ko kung nasa’n siya at kung ano'ng nangyari sa kanya. Teka nga, ba't gising ka pa?"

     "Nagising lang po ako bigla eh. Kukuha po sana ako ng tubig."

     "Ganun ba? Sige, sasamahan kita sa kusina."

     “Sasamahan din ho kita sa pag-aantay kay Daddy.”

     “Hindi na, Maru, matulog ka na pagkatapos mo'ng uminom ng tubig. May pasok ka pa bukas.”

     “Pero hindi ko ho kayo pwede'ng hayaan na mag-alala mag-isa rito.”

   Hinaplos ko ang pisngi ni Maru at eksakto naman'g narinig namin ang malakas na boses ni Kevin. Agad ako'ng napalakad papunta sa railings ng hagdan at nakita ko nga'ng umiiyak si Via habang kasama ang ama.

     “I put a lot of trust on you, Olivia! Pero sinira mo lahat ng tiwala ko sa’yo!”

     “Ano'ng nangyayari?” tanong ko.

   Napatingin sa’kin si Kevin maging si Via na namumula na ang mga mata sa kakaiyak ay napatingin rin sa’kin. Mabilis kami'ng bumaba ni Maru ng hagdan at pinuntahan ang Daddy at Ate niya sa sala.

     “Kevin, ano na naman ba'ng nangyayari?” tanong ko kay Kevin samantala'ng si Maru ay yumakap agad sa Ate niya'ng umiiyak.

     “'Yan'g anak mo! Nakita ko'ng nakikipaghalikan kay Lance sa madilim na lugar. Kung hindi ko pa sila nakita baka kung ano na'ng ginawa nila!”

     “Dad, I won’t do what you’re thinking.” sagot ni Via.

     “And you expect me to believe you? After what I saw?!”

     “Kevin.” ang nasabi ko sabay haplos sa likod ng asawa ko na nagiging dragon na naman sa galit.

     “Kausapin mo 'yan'g anak mo.” madiin niya'ng sabi sa’kin at nag-walk out siya.

   Napatingin ako kay Via na umiiyak habang yakap-yakap siya ni Maru.

     “Via, Maru. Pumasok na kayo sa mga kwarto niyo.” utos ko sa kanila at sinundan ko na si Kevin sa kwarto namin.

(K E V I N)

Inis ko'ng hinubad ang suot ko'ng jacket at hinambalos sa sahig dahil sa galit. Maging ang isa'ng unan namin sa kama ay nahampas ko na rin.

     “Kevin.” narinig ko'ng sinabi ni Hani na kakapasok pa lang ng kwarto.

     “Kausapin mo 'yun'g anak mo, Hani.”

BOOK 5: The Him who loves Her...endlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon