May isang dalagita na nag ngangalang Camille Martirez
nakatira sa isang maliit pero maayos na bahay malapit sa isang parke.
Isa syang mabait, matalino, mapagmahal na kapatid at anak sa kanyang pamilya.
Pagdating sa pag aaral halos lahat ng parangal tuwing rekognisyon ay si Camille ang nag-uuwi.
Marahil simula pagkabata ay laging inaalalayan si Camille ng kanyang ina na si Lorna sa kanyang pag aaral habang ang kanyang ama na si Jose ay nagtatrabaho sa isang pagawaan ng makina.
Nag-iisang anak na babae sa tatlong magkakapatid si Camille
kaya hindi nakakapagtataka na nasa sa kanya lagi ang atensyon ng kanyang ina.
Dati makalipas ang ilang taon ng maipanganak si Camille
ay tumigil na ang kanyang ina sa pagtuturo sa pribadong paaralan ..
sapagkat inalagaan na lamang ng kanyang ina ang mga kuya nito
Na sina Jopet at Jomar na may isang taon lamang ang pagitan
samantalang mga siyam na taon pa bago maisilang si Camille.
![](https://img.wattpad.com/cover/8426578-288-k79569.jpg)
BINABASA MO ANG
WILL BE HERE FOR YOU
Romance1 page per Chapter .. About a story , kung saan nkaranas ng Lot of challenge .. but still the destiny find some way to be meant to be .. - just read nlng xD Mejo di naayos .. Di namn kasi writer eh nagsusuLat lng kasi ng story pag may grades xD estu...