Chapter Five

20 2 1
                                    

Tinigil na lang nila ang laro at nag uwian na sila.

- - -

Lumapit si Ivan

sa babaeng natamaan ng bola sa ulo

at nanghingi ito ng paumanhin.

Lubos na nagsisi si Ivan sa kanyang nagawa,

humingi siya ng tawad at nagnanais

na itigil na ang pagluha nito.

Sumagot naman si Camille

at sinabi na hindi naman siya nasaktan sa nangyari

kaya wag na mag alala at umalis na lang.

Si Ivan ay nagtataka

kung bakit ba siya umiiyak

gayon na hindi naman pala ito nasaktan.

Bumili si Ivan ng sorbetes

ng sa gayon ay makabawi naman

sa kasalanang nagawa nito,

lumapit siya ulit at ibinigay na ito,

sandaling napawi ang lungkot ni Camille

at nag usap narin ang dalawa

kung bakit ba tila umiiyak siya kanina.

Sinabi na ni Camille ang dahilan

upang mailabas narin

ang lungkot na nadarama.

Inalam na ni Ivan

ang kanyang pangalan

at pinasaya siya nito

at nagsabing

sabihan lamang siya

sapagkat laging siyang naririyan

kung nais niya ng karamay.

Di nagtagal ay umuwi narin sila

at naging magkaibigan

pagkatapos ng pangyayaring iyon,

kahit papaano ay napawi rin ang lungkot

na nararamdaman ni Camille

sa mismong araw na umalis ang kanyang ina.

Sa pagsapit ng pasukan

ang unang lingo ni Camille

ay naging napakahirap para sa kanya.

Dahil hindi siya sanay

na hindi umaalalay

ang kanyang ina.

Pero pinilit pa rin ni Camille

na ipagpatuloy ang pangako sa kanyang ina

na pagbubutihan niya ang kanyang pag-aaral

kahit na malayo na ito sa kanyang tabi,

at magtatapos na may maiuuwing medalya sa kanilang tahanan.

# itutuloy ..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WILL BE HERE FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon