Chapter Four

10 2 0
                                    

Dumating nga ang araw na kailangan mangibang-bansa ni  aling Lorna ...

- - -

dahil narin sa kakulangan nila ng panggastos para sa araw-araw.

Actually Nangutang na sila kung kani-kanino

pero kulang parin ang naibabayad nila sa hospital

at nangangailangan pa si Jomar ng tuloy-tuloy na suporta para sa kanyang mga gamot upang manumbalik ang kanyang lakas.

Paano kasi sa isang buwan na sweldo ni mang Jose ay kulang na kulang pa rin para sa kanila.

Labis na kalungkutan ang nararamdaman ni Camille sa pag alis ng kanyang ina,

tingin niya nawalan na ng saysay ang kanyang buhay.

Bagama’t pumunta lang naman ng ibang bansa si aling Lorna para sa kanila.

Pero kaya ganon ang kanyang nararamdaman ay dahil sa

sobrang pagmamahal at aruga na ibinuhos nito sa kanya.

Lumabas muna si Camille upang mapag-isa

at nagtungo sa isang lugar kung saan paboritong at gusto niyang puntahan kapag nais niyang mapag isa.

Malapit ito sa puno, ang bahagi ng parke kung saan tahimik. Lahat ng tao sa parke ay naglalaro at Masaya sa kanilang ginagawa,

pero makikita parin sa bakas ng mukha ni Camille ang labis na kalungkutan na kanyang nadarama.

Sa isang banda may isang grupo na naglalaro ng bola sa parke

at isa na roon ay si Ivan,

siya ay magaling na manlalaro, mabait at matalino.

Sa pagsapit ng oras lubos na naaaliw ang kanilang grupo habang naglalaro,

pero si Ivan ay mayroong  napansin na babae na nag iisa at walang kasama malapit sa may puno na wala gaanong tao.

Nalilibang ang lahat ...

at nang oras na ni Ivan upang siya’y tumira,

sa hindi sinasadyang pangyayari ...

ay napataas  ang hagis ng bola

at tumama ito sa babaeng napansin niya kanina.

Tinigil na lang nila ang laro at nag uwian na sila.

WILL BE HERE FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon