Part 2- Bes/Kras

30 0 0
                                    


'Bes!!
Tawag ni JC nung pagpasok palamang nya ng gate ng skwelahan.

'Oh? Andyan kana pala! Mukang madalas ka atang napapa aga ha? Dati lagi kang late. Haha

'Makalate to oh? Parang di rin nalelate?

'Haha. Ewan ko sayo bes.
Pangiting sabi ni mark . Ang boybestfriend ni JC.

Matagal na silang magbestfriend ni mark. Nasa grade 6 pa lamang sila ni JC bff na turingan nila.

Nuong ding mga oras na yon ay alam na ni mark na bakla nga etong prinsesang bida natin.

At ngayon ngang nasa 10th grade na sila Hindi nagbago ang turing nila sa bawat isa. Parang ang feelings lang ata ni JC ang nagbago.

'Lika na nga bes magsisimula na yong flag ceremony. Tinitignan na tayo ni teacher Carla.
Biglang hawak sa kamay ni mark at tumakbo patungong center ng skul para sa flag ceremony.

Nasa section A si JC at nasa B naman c mark. Hindi sila napagsasama sa isang section kasi mas matalino so JC kesa Kay mark.

Mark's POV

'Bes punta nako sa room ko . Sabay nalang tayo mag lunch Maya. Kitakits sa canteen :) Sabay kindat. :*

'Sige bes I'll be there :)
Halatang kinikilig ang bakla. Hahaha

Pagpasok na pagpasok palang ng room nya ay nagulat agad eto sa nakita na nakasulat sa pisara.

'MARK EZEKIEL GUEVARRA and JADE CHRISTIAN MARISTELA are getting married :D HAHAHAHA

Sabay tawanan at sigawan sa kanya ng mga classmates nya.

'Congratulations pare! Ikakasal kana pala sa mukang palakang baklang yon. Kadiri mo! Pwee..
Si Norman sya yung lider lideran dun sa mga classmates nyang nambubully.

Wala namang magawa si mark kundi eh yong mag gagalaiti sa galit. Kaya bigla nyang sinakmal si Norman.

'Walang hiya ka! Gago ka. Wag na wag mong tatawaging palaka si JC kasi nd kanaman inaano ng bestfriend ko.

'Bestfriend daw? Sabay hiyaw ni Ariel na Kasamahan ni Norman.
'Wooohh bestfrieden mo muka mo.

Tapos biglang inawat ni bryle si mark na nakahawak pa din sa leeg ni Norman.

Si bryle yong nagiisang kaclose ni mark sa mga kaklase nya.
Isa kasi si mark sa mga silent type person, dipala kaibigan, nagiba lang sya nung makilala nya c jc.

'Mark tama na yan. Wag mo na ngang patulan yang mga isip batang yan? Lika na labas nalang tayo pre.

Binitawan ni mark si Norman. Pero halatang galit padin ito.

'Pikon naman yong gagong yun.
Si Norman.

'Oh nga pre. Halatang guilty eh. At pumapatol sa baklang palaka.

JC's POV

'Okay class dismiss.
Sabi ni Mr. Alcantara. Ang adviser ni jc.

'Oy ne? Tapos na subject nakatulala kapadin dyan. At nakasmile kapa ha?

'Hayy ne. Habang tumatagal lalo akong nahuhulog Kay mark.

'Ne? What can I do? Advice me pls.
Magbestfriend lang kami. Pero di nya alam na crush ko sya matagal na. Tinatago ko lang tong nararamdaman ko para di nya ako lubayan.

'Ayy naku ne. Kung ako sayo itigil mo na Yang ilusyon mo kay mark. Matalik na kaibigan lang turing nya sayo noh?
At imposibleng magkakagusto sayo yun eh BAKLA ka!

'Oo na. Alam ko naman yan eh. Yan lagi nasa isip ko.

'Oh? Bat dimo itigil yang pag iilusyon mo?

'Eh Eleazar? Mahirap naman eh? Araw araw kaya kaming magkasama kaw ba ? Kaya mo bang itigil yung pagkainlove mo?

'Sabagay gwapo't mabait naman talaga si mark. Sino ba namang bakla ang hindi magkakagusto sa kanya.

'Kaso ne. Bestfriend ko sya :( Hirap eh.

'Oo na ne. Basta pag may something na kayo . ako una una mong sasabihan ha?
Ay ano yan?

'Anong ano yan ?

'Yang kumikinang sa bag mo!

Binuksan ni JC ang bag nya at nakitang kumikinang yung parte ng basag na brilyante nung matanda
At hindi lang ito kumikinang. Lumiliwanag pa ito ng grabe.

'Ahy ano yan ne?
Ahhhh ang sakit sa mata ng liwanag. Ahhhha ahhh

'Diko alam ne. Ahhhjjjjjj. Ajhhhhhh

At bigla nalang nilamon ng napakatinding liwanag ang dalawang bakla.

This Gay Is In Love With You :*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon