Part 7- Masamang balak

16 0 0
                                    


Sa isang bakanteng lote.

'Ma walangya talaga yung pusang tagapagbantay ni jade.
Galit na pasok ni aries dun sa tinitirhan nila ng kanyang INA na si tomesa.

'Anak. Wag kang mag alala makukuha din natin yung nawawalang parte ng brilyante.
Kagagawan ito ng baklang yon. Kaya nabasag tong brilyante.

'Ganun ba ma? Sya nga pala alam mo bang sya ang nawawalang prinsepi ng greendayle? Tanong ni Aries.

'Oo at matagal ko na syang minamanmanan dito sa mundo ng tao.
Kaya ikaw magpalakas ka Aries . Dahil kukunin natin ang mga kaharian na pag mamay ari ng mga kapatid ko.
Nasa sa atin pa din ang huling halakhak. Haha
Sabay tingin sa 4 na parte ng brilyanteng kumikinang

'Ah sya nga pala ma?
Anong balak mong gawin dyan sa brilyanteng basag?
Mabubuo pa ba yan?
May silbi pa bayan eh basag basag na?

'Kailangan makuha natin yung isang parteng nawawala para mabuo ito at magamit natin sa ang kapangyarihan ng brilyante .
Kapag nabuo na natin itong brilyante sasakupin natin tong mundo ng tao pati na din ang apat na kaharian ng jentous world.
Hahahahaha (Evil laugh)

'Itong apat ba na parte ng brilyante may natitirang kapangyarihan pa ma?

'Oo at magagamit natin to sa pagpuksa ng mga kalaban.

'Ah ganun ba ma? Sige labas mo na ako. May gagawin lang po ako.

'Sige mageengat ka. Ipagtanggol mo yang sarili mo pag may nang aapi Sayo sa labas. Gamitin mo yang kapangyarihan mo. Kapangyarihang minana mo sakin.

'Sige ma :)

Walang kaalam alam si tomesa na tuso din ang anak nya. May gagawin ito mamaya pag nakatulog na ang sya.

Pagkalipas ng dalawang oras at maghahating gabi na. Pauwi na ng bakanteng lote si Aries galing sa inuman kasama ang kanyang mga barkada.

'Pre sa uulitin ha?
Uwi nako. Mukang gumagabi na ata.
Paalam ni Aries sa mga kasama.

'Sige pre.
Si crane. Yung isa nyang barkada.
Sabay kaway kay Aries.

Nang makauwi si aries sa kanilang tinitirahan ay dahan dahan syang pumasok sa pinto na hindi namamalayan ni tomesa.

'Alam kong alam din ni mama na may tinatagong kapangyarihan ang bawat parte ng brilyante.
Kailangan malaman ko to. At mapasakin ang kpangyarihang nagtataglay dito.

Binuksan ni aries ang kahon kung saan nakalagay ang 4 na parte ng basag na brilyante.
Ginamit ni Aries ang kanyang wand para buksan ito spagkat napapalibutan ito ng salamangka.

'Aries ikaw na ba yan?
Sigaw ni tomesa.

'O-opo ma na andito na po ako.

Hindi na natapos ni aries ang balak sapagkat nagising si tomesa.

This Gay Is In Love With You :*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon