Simula

44 2 1
                                    

S I M U L A


Tanaw ko ang kagandahan ng syudad mula sa kinalalagyan ko. Ang kulay bughaw at puti ay nag-papaligsahan kung ano ang mangingibabaw sa kalangitan. Maganda sanang mag-sight seeing ngayon habang umiinom ng lemonade juice kaya lang, nasa misyon ako, wala ako sa beach na kala mo isang bakasyonista. Hindi pwedeng magpa-petiks petiks.

Kasalukuyan akong narito sa rooftop ng isang building kasama sina Violet at Dashee. Kasama namin lahat ng Elite at kami ang back-up ng mga nasa loob.

"Kahit kailan, ang bagal talaga ni Salamander." reklamo ni Violet na katabi ko lang. Napapag-gitnaan kasi nila akong dalawa ni Dashee.

Si Violet ang isa sa mga senior dito sa Elite. Sya ang namamahala sa mga gagamitin naming mga damit sa misyon. Kumbaga, sya ang fashion guru namin sa Elite. 'Yun nga lang, syempre, hindi lang mga ordinaryong damit ang sinusuot namin. The clothes that we are wearing is a weapon itself. Kaya naman sobrang laki ng respeto ko sa kanya.

[Hindi ako mabagal. Sadyang
mainipin ka lang, Violet.] narinig kong reklamo ni Salamander.

Bakit hobby ng dalawa na 'to ang mag-away? Mas mature pa akong mag-isip sa kanilang dalawa samantalang sila itong pinakamatanda sa Elite.

Si Salamander ang pinakahead namin sa Elite. Well, may pagka-loko loko sya pero once na nasa battle field na sya, kailangan mo na syang katakutan. Mahilig sya sa mga bomba and he's also good at deactivating it. Sa lahat ng myembro ng Elite, sya lang ang may kakayahan 'non.

I was supposed to be the head of Elite but they said that my temper is a big nemesis for us. So instead, they picked Salamander as the head of Elite. And I don't disagree with them. Alam ko sa sarili ko na tama sila, so I accepted it even if I wanted the position so bad. I trained so hard for the past years just to get that position but some things never really go as planned. Hindi lahat ng bagay na ginugusto natin, nakukuha natin. Kahit napaghirapan pa natin ito, kung hindi talaga para sa atin, hindi talaga para sa atin.

Sui Generis has been my home eversince and I won't do anything to harm it. I will protect it no matter what, even from myself.

"Nakikita ko na 'yung target."

Sumilip ako sa baril ko at nakita kong nagtatakbuhan nga ang mga body guards na nasa loob. Mukhang yari na ang mission ni Salamander sa loob.

"Let's get this started. May quiz pa ako sa major subject namin."

Oh. Did I mention it already? Some of us are still students. And I'm one of those.

Sa lahat ng agents na nandito, ako ang agent na pinakamatagal na. I think I was just 7 years old nang mapunta ako sa grupong ito. Hindi ko na matandaan kung paano pero ang alam ko lang, my parents were brutally killed at sa kasamaang palad, ako lang ang nabuhay.

At the age of seven, kinalakihan ko na na ang pagpatay ay isang normal na bagay lamang. I grew up with guns and bombs. I grew up doing nothing but to be stronger. My first kill was at the age of ten. Napasok ang HQ namin, hindi namin alam kung sino 'yon pero ako ang punterya nya. May nagtraydor sa amin at hindi namin alam kung sino. Masyadong mahigpit ang seguridad ng Sui Generis para mapasok ng ganun-ganon nalang. Siguradong may tao sa likod ng planong pagpatay sa akin.

He tried to choke me using a pillow pero dahil sa araw-araw na sparring, alam ko na kung anong gagawin. Nang makakuha ako ng tyempo, sinipa ko ito sa kanyang tiyan at kinuha ang baril sa ilalim ng unan. At gaya ng lagi naming ginagawa sa training, I aimed for his head.

Nang malaman nila ang nangyari, they all congratulated me and I smiled at them. They all felt so proud of me pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maging masaya para sa sarili ko sa nangyari. I should be happy, right? Ilang taon akong nagsanay para pumatay ng mga masasamang tao pero hindi ko mahanap sa puso ko ang kasiyahan na dapat kong maramdaman sa mga oras na 'yon. Nang mawala na silang lahat, umiyak lang ako ng umiyak. I don't know why I'm crying. Basta na lang akong naiyak.

Guns And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon