12

11 2 1
                                    


Habang nagbibihis sa banyo si Fire, pumunta ako sa veranda at tinawagan si Salamander.

"Anong balita?" tanong ko dito.

"The yakuza's resting. Hindi yata sanay sa init dito sa Pilipinas. And they can't really roam around dahil mahahalata sila. For now, safe kayo." saad nito sa akin.

"Sige. Maraming salamat, Salamander."

"Don't thank me, may kapalit ang pagtulong ko. You know it, baby." sabay halakhak nito.

"Yeah. Whatever."

Ibinaba ko na ang tawag at bumalik na sa loob, sakto namang lumabas na si Fire sa banyo at nakabihis na.

"Let's go?" aya ko dahil sya na lang ang hinihintay, mukhang saming dalawa, sya pa ang mukhang babae dahil sa bagal ng kilos nya.

Kaagad kaming nagcheck out sa hotel.

"I have to get my car. Nasa parking lot pa 'yon ng club." sabi ni Fird habang nagda-drive. Sya na ang linag-drive ko para mas makapagmasid ako sa paligid namin.

"No. Dumiretso ka na sa Condo. Pinakuha ko na 'yung sasakyan mo." sabi ko habang tumitingin-tingin sa kalsada.

Naramdaman ko ang pagbaling nya sa akin. Lumingon ako sa kanya at sumalubong sa akin ang kunot nyang noo.

"Kanino mo pinakuha?" tanong nito.

"Kay Sander, the man who I am with yesterday night. Remember him? Sya ang may-ari ng kotse na 'to. I'll probably bring this car back to him later."

"Yes. I remember him. Ano relasyon mo sa kanya? I don't intend to share my girl to others, Autumn. Remember that. So if you have feelings for him, better stop it and just focus on me." nay diing sabi nito.

Napatitig ako ng dahil sa sinabi nya. Is he giving me orders? At sino sya sa akala nya para sundin ko sya?

"I don't have feelings for him! He's like my brother!"

Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanya.

Ngumisi ito at nagtaas ng kilay."Better clear than blurry."

Ilang oras lang ay nakarating na rin kami sa condo unit at kita ko kaagad sa basement ang sasakyan ni Fire na nakapark lang din malapit sa amin.

Bumukas ang elevator at may tatlong lalaking nakasakay duon. Dahil nasa parking kami, inaasahan ko na aalis na saloob ng elevator 'yung dalawang lalaki pero hindi sila umalis

Ipinagkibit ko na lamang ito ng balikat at naglakad na papasok sa elevator, nakasunod naman kaagad sa akin si Fire.

Pinili kong pumwesto sa likuran ng mga lalaki at tumabi naman kaagad sa akin si Fire. Hinagip ako nito papalapit sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang baywang ko.

Nagtataka akong napalingon dito."What are you doing?"

Tumingin muna ito sa akin bago tumingin sa harap kung saan kita ang mga repleksyon namin.

"Just claiming what's mine. I don't like someone gawking at my property." sabi nito.

Nalipat ang tingin ko sa dalawang lalaking biglang nag-ubuhan at kaagad na lumabas pagkabukas ng elevator.

Lumayo ako ng kaunti kay Fire upang mas makita ang hitsura nito. Tinaasan ko sya ng kilay at humalukipkip saharap nya. Matapang itong nakipagtitigan sa akin. From pitch black, his eyes turned into chocolatey eyes that I love the most about him. What the heck? I love the most? Anong pinag-iisip ko?

"You're possessive." paratang ko sa kanya.

Inungusan nya lang ako."So what if I am? I have every right to be possessive. I already claimed your lips and you're already mine. Hear that? Whather you say yes or no, I don't fucking care."

Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko matapos ang sinabi nya. No. No. This cannot happen again! No!

Fire is just a mission, Autumn! Trabaho mo lang na protektahan sya! Hindi ka pwedeng.. Fuck! Bakit ba ngayon pa nangyayari sa akin ito? At ang nakakainis, sa kaptid pa talaga nya!

No, Autumn. Hwag kang magpapadala sa mga salita ng lalaking 'yan! Pigilan mo ang sarili mo! Kaya mo 'yan!

Tinanggal ko ang pagkakahalukipkip ko at tinitigan sya sa blangkong ekspresyon.

"I'm not yours, Fire. Hindi mo ako pag-aari."

"What the fuck are you talking about? You kissed me first! You felt something, didn't you? Kaya mo ko hinalikan."

Umiling-iling ako sa sinabi nya."That kiss was a mistake, okay? Sigurado naman ako na makakalimutan mo rin ang halik na 'yon. You have tons of girls! Just pick whoever you want." I said as if I don't care about him pero puta, bakit naninikip ang dibdib ko sa mga pinagsasabi ko?

"But I want you.." he said breathily na para bang nawawalan sya ng lakas.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"I'm sorry, it's not mutual." sabi ko at saktong bumukas na ang elevator sa palapag namin kaya namab dali-dali akong naglakad papunta sa unit ko.

Kaagad akong sumandal sa likod ng pintuan ko matapos kong maisara ang pinto.

My hearbeat is going wild and I think I'm going crazy. 'Cause if I'm not, why the hell am I crying?

**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guns And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon