chapter 1 continuation

59 3 0
                                    

Badtrip naman si mommy oh. ngayon na ngalang ako hihingi ng tulong.

Hayy, malapit na rin kasi ung birthday ko at kailangan ko ng pera dahil hindi naman ako makahihingi kay daddy dahil nasa cruise ito sa Bermuda at isa pa may iba na rin syang pamilya.

May pera naman dapat ako kaya lang,ipinahiram ko sa kaibigan ko dahil may sakit ung tatay nya.

Tuyot ba magiging birthday ko? waaaahh. ayoko ng ganun..huhuhu magtutwenty- three pa naman ako.

Napatingin ako sa larawan na kuha sa Tanglaw Bukas, isang welfare center para sa mga batang delingkuwente na may kasong kinakaharap ngayon. Hayy, panu nalang ung pangako ko sa kanila?

sabi ko kasi sa kanila na ipapasyal ko sila sa Tagaytay sa araw ng birthday ko. pero..panu na to? wala man lang akong kapera-pera.

ni singko wala nga ako eh.

*brrrttt*

tunog po yan ng tiyan ko..Tsk! gutom na pala ako.

Alas-dose na pala ng tanghali, hayy, di ko kasi napansin ung oras.

Bumangon ako sa kama at saka nag-inat at humikab..

Oo, bagong gising kasi ako.

Naku, nakakatamad namang magluto, sa labas na nga lang ako kakain.

Paglabas ko ng pinto ay saktong bumukas din ung pinto ng katabing condominium ko.

Lumabas si Ninang Marian.

"Ninang!" tawag ko at lumapit ako sa kanya para halikan sya sa pisngi.

"Rizee! wala ka bang pasok sa trabaho ngayon?" tanong ni Ninang.

"Off ko po ngayon. Dinalaw po ninyo si Zoilo?"

tumango na lamang sya. 

"Oo. Pagod na pagod na naman sya sa pagbabantay sa shop kaya halos hindi na naman nakatulog"

Kinakapatid ko si Zoilo. Classmate ko sya mula elementary hanggang high school. Pag-aari nya ang internet shop na nasa baba lang nitong condominium tower. Solo na rin syang namumuhay gaya ko. 

"Nagpapayaman kasi ang lalaking yun" sabi ko kay Ninang.

"Ewan ko nga ba dyan kay Zoilo. Ni walang oras magdate. Ihanap mo kaya sya ng makakadate, Rizee"

"Susubukan ko po Ninang" pilit akong ngumiti.

Tsk! sa totoo lang. wala naman talaga akong balak ihanap ng makakadate ang lalaking yun eh. Bata pa kasi kami nuknukan na sya ng yabang. Lahat yata ng kayabangan sa mundo ay nakuha at taglay nya.

Magiging kawawa lang yung babaeng makaka-date nya dahil..Tsk! tsk! tatanghayin lang ng kahanginan nya.

"Naku maiwan na kita. magsisimba pa kasi ako sa Baclaran.. May naiwan akong lutong pagkain at carrot cake sa ref ni Zoilo. Makikain ka na lang sa kanya"

"Wow! carrot cake po?! favorite ko po yun Ninang"

napangiti naman si Ninang sa inasal ko. panu ba naman para akong batang na-eexcite..

"Kaya nga maghati na kayo ni Zoilo. Gisingin mo na rin yang si Zoilo at pakainin ng lunch. Ayaw pa kasing kumain eh, pagnalipasan yung ng gutom tiyak,ulcer aabutin nun"

When Mr. Hot Fall For Ms. ManangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon