Chapter 1 - Welcome to HMU

57 2 0
                                    

Aigelle's PoV

"Goodluck, Baby." Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Mommy.

"Don't worry, Mmy. It's my choice, and I assure you that I'll be safe." Pagsisiguro ko kay Mommy. "Bye, Mom! I love you!" Pagpapaalam ko.
Desisyon ko 'to. Ilang beses rin sinubukan ni Mommy ang pigilan ako pero kailangan kong gawin 'to. Kailangan kong iligtas ang pinsan ko. Kailangan kong iligtas ang mga estudyanteng miyembro ng Mafia na kagaya ko sa school na 'yon.

Ang tanong, sigurado nga ba ako sa desisyon ko? Sana lang hindi ko 'to pagsisihan. Sana lang kayanin ko.

Sumakay na ako sa van na maghahatid sa akin sa Harvey Monroe University.

Harvey Monroe University? Tsk! Ang school na tuluyan nang nasakop ng Mafia Vigor. Ang tusong rival ng Mafia Valmondé. Sila ang pinakatuso sa lahat ng tuso.

Ang Mafia Valmondé ang Mafia na kinabibilangan ko. Ako ang nag-iisang anak nina Sebastian Valmondé at Mariah Elizabeth Duchier- Valmondé. Isa akong Heiress. At bilang Heiress, kailangan kong iligtas ang mga estudyanteng miyembro nang Mafia na pamumunuan ko balang araw na nanganganib ang buhay ngayon.

Ang Mafia Valmondé ay ang pinakakilala, pinakamagaling at pinakamayamang Mafia underground. Wala pang nakakatalo sa amin simula sa pinakaninuno ko na humawak ng Mafia Valmondé, mapa-babae man o mapa-lalaki.

Habang nasa byahe ako, nakakatulog rin naman ako paminsan-minsan pero hindi ko pa rin maiwasan ang mangamba sa mga maaaring mangyare sa pagpasok ko sa unibersidad na 'yon.

Ang tanging alam ko lang sa HMU ay sinakop na ito ng Mafia Vigor at kailangan na naming kumilos bago pa mahuli ang lahat.

Simula pagkabata ay natrain na akong maging matapang, matalino, magaling, desente, at mabait na Heiress. Itinuro rin sa akin ang pag-iwas sa mga tuso o madayang bagay.

Pitong oras ang byahe mula Sanford City kung saan ako nakatira at sa Morehead City kung saan ako tutungo.

Umiling na lang ako upang i-set aside ang mga bagay na nasa isip ko at natulog.

___•••___

"Ma'am! Gising na po, nandito na ho tayo sa Harvey Monroe University." Sabi ng driver sa akin habang marahan akong inaalog. Napamulat naman ako ng narinig ko ay pangalan ng unibersidad.

Umayos ako ng upo at sumilip ang bintana. Wow! Ang ganda. Hindi mo iisipin na may panganib na nakaantabay sa kahit anong oras.

"Ma'am, tara na ho, kanina pa ho kayo hinihintay ni Principal Spencer." Sabi sa akin ng driver ko.

"Aa, sige po! Bababa na po ako tapos isunod n'yo na lang po ang mga gamit ko." Magalang na sabi ko. Kahit naman na isa akong Heiress ay hindi dapat ako umaasta na parang spoiled brat. Ang tunay na Heiress ay well-mannered.

Bumaba na ako sa Lamborghini Aventador ko. Ayaw ko sana magsama ng driver ngunit sabi ni Mommy ay hindi raw s'ya isang simpleng driver lang dahil isa s'ya sa mga pinakamagagaling na reapers ng Mafia namin, s'ya raw ang tatawagin ko kapag may kailangan ako.

Naglakad ako sa mahabang pathway ng school. Napapaligiran kasi ng gubat ang school na ito. Pagkatapos ko maglakad sa pathway ay may maganda at malaking fountain sa center at ang tubig nito ay parang crystal clear. Ang ganda. May malaking building din na makakakuha ng atensyon mo. Tinungo ko iyon at kusang bumukas ang napakalaking pinto nito. Agad kong tinahak papasok ang building.

Napanganga ako sa sobrang ganda.

"Good morning, Ms. Aigelle Tuazon!" Agad naman akong bumalik sa wisyo ko nang marinig ang tinig.

Napatingin ako sa kaliwa ko at doon nakita ang isang babaeng maganda, sexy at nasa mid-20's.

"Or should I say Ms. Valmondé!" Nakangiting sabi pa n'ya.

"Sorry but may I know your name?" Nagtatakang tanong ko. Syempre kailangan kong mag-ingat kung ayaw ko pang mamatay ng maaga.

"I'm Ms. Shara Dela Fuente." Pagpapakilala n'ya. "Don't worry, it's class hour so no one can hear that I called you Ms. Valmondé." Yes, ligtas ako!

"O, okay." Matipid na sagot ko.

"Come! Follow me, let's talk to my office. Well, it's better to make sure that no one can hear our conversation." Sabi n'ya pa.

Ako si Aigelle Maxine Duchier Valmondé. I'm a Heiress.

"Goodluck to myself!" I whispered to myself while letting out a sigh. And by that, I followed her.

____________________________________

Pangit po ba? Hahahah! Sorna na agad. Thanks for reading!

Harvey Monroe UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon