Isang malaking salo salo ang ginaganap sa bahay ng mga de Vera. Bisita nila ang buong pamilya ng mga Vergara. Linawin ko lang na hindi sila mayayaman...ung tama lang, may kaya kung baga. May big announcement ata ang mga lolo so tara silip tayo…..
“Well nandito tayong lahat ngayon kasi paguusapan ang nalalapit na kasal ni John loyd at Bea, hindi ba amigo” sabay akbay kay Eduardo Vergara.
“Tama yon!, nasa tamang edad na kayong dalawa kaya naman sa tingin namin ay dapat na kayong lumagay sa tahimik,”
Napakatagal na katahimikan….Walang may balak na magsalita….. Nakatingin lang sa isat isa sina John Loyd at Bea. Samantalang nakikinig lang ang mag bestfriend at magkababatang sina Alexis at Annie.17 years old si Alexis at ang 14 years old si Annie. Wala pang kaalam alam kung ano ba ang nangyayari.
“walang pagtutol sa pamilya namin. Tutal matagal ng engaged ang dalawa. I think bagay na bagay naman sila, ano sa tingin mo anak,” baling ni Albert kay John Loyd
“ Dad kasi ano eh!!!” napakamot ng ulo si john loyd sabay tingin kay Bea, humihingi ng tulong
Bigla namang nagtaka ang lahat “e kasi ano John Loyd” medyo tumaas ang boses ni Eduardo Vergara
Sumabat naman si Bea “ e kasi ho! Ayaw na naming pakasalan ang isa’t isa, hindi ko ho sya mahal!”
“anong kalokohan ito Beatriz!” umalingawngaw sa buong bahay ang nakakatakot na bulyaw ni Eduardo de Vera. Nagulat ang lahat lalong lalo na ang mga walang kamuwang muwang na sina Annie at Alexis.
…..Lumipas ang ilang minutong katahimikan
Humugot ng malalim na paghinga si John Loyd.“lolo, sorry po! Pero pareho po kami ni Bea na may iba pong minamahal”
Sinugod ni Eduardo ang kanyang apong si John Loyd at kinwelyuhan “kalokohan! Matagal nang tapos ang usaping ito, hindi pwedeng hindi ito matuloy, ipapahiya mo na ako.” Namumula sa galit si Eduardo Vergara
“ito lang, yan lang ang hiniling namin sa inyo ng aking kumpadre,bakit hindi nyo pa maibigay ininigay naming ang lahat lahat ng kailangan nyo” Galit nag alit din si Eduardo de Vera
“dad, pakinggan muna natin ang mga bata” at last nagsalita din si Adrian
“at wala na po tayo sa panahon ni kopong kopong, hindi na po uso ang arranged marriage” si grace ang mommy nila Bea
“to hell with your reasonings,matagal ng naipagkasundo ang dalawang yan, bakit ngayon nyo lang sinabi. Naipagyabang nanamin sa aming mga kaibigan ito. Ano na lang ang sasabihin nila, na hindi namin kayo kayang pasunurin, isang dating pinakamataas na opisyal ng marines at ang pinakamataas na opisyal ng airforce hindi kayang pasunurin ang mga anak at apo, ganun ba ang gusto nyong sabihin nila.”
“pero mas mahalaga ho ba talaga ang sasabihin ng iba kesasa nararamdaman namin.” Paliwanag ni John Loyd
“basta hindi kami papayag! Kailangan maging mag balae kami kahit man lang sa mga apo!
“dad, tito, I think mas maganda kung hahayaan muna natin ang mga bata na makapag isip. We should give them time.” Niyakag na ni Albert ang dalawang matanda at sumenyas kay Adrian na sumama, magpapalamig ng ulo.
Kasalukuyang nagliligpit sina grace at lara sa kusina nang lumapit sina JM, Enchong, Alexis at Annie
“mom! Pwede po ba magtanong? Bakit ganun po ung reaksyon nila lolo kanina?” Tanong ni enchong
BINABASA MO ANG
Walang Iba ( a kathquen fan-fic)
FanfictionMay mga taong, basta na lang dumadating sa buhay mo, may mga tao ding constant na nandyan para sayo. Pero ang OA naman ata ng tadhana kay Annie at kay Alexis…. Sya na nga ang bestfriend mo, sya na din ang kabababata mo,,, kaklase, kalaro,,, pa...