Alexis POV
“alexis anak, ready ka na ba for school? Bumaba ka na ok the food is ready” . Narinig ni alexis na mahinhing sigaw ng kanyang inang si grace.
“Ok Ma baba na po ako!”. Nagmadali na ako , 6AM pa lang naman pero kailangan lagi akong maaga dahil susunduin ko pa si takaw.
“gud morning ma!!” bati ko pa kay mama habang pababa ako ng hagdan na tanaw ang aming kusina. Alam kong wala si papa, dahil on duty ito, pero may nakaupo sa pwesto nya sa dining table, natatakpan siya ng dyaryo kaya hindi ko makita kung sino.
“alexis umupo ka na, nandito si lolo mo” ayan kinompirma ni mama ang presensya ng nakakatakot kong lolo.
“Oh gud morning hijo! Halika na at kumain na tayo, wala si ate mo, kasama na naman ata ung nobyo nyang wala namang kwenta. ” Nakakatakot talaga si lolo, sabi ni mama sa kanya ko nakuha ang pagkasuplado ko. But I picture myself years from now na maging katulad nya. Though hindi ako kasing galing nya sa mga eroplano, siguro wala dun ang interes ko. Mas gusto ko kasing maging pulis.
“Alexis apo! Nabalitaan ko ung pagsali mo sa audition para sa role ni romeo, that’s a good job!! Hindi ka pwedeng magpatalo sa kahit sino pa man pag dating sa puso ni Annie.” Nalunok ko ung kinakain ko ng hindi pa nangunguya.”ehem, ehem!!”
“anak anu ba naman yan, nagmamadali ka ata kaya hindi mo na manguya yung kinakain mo!” si mama habang hinihimas himas nya ung likod ko at inabutan ako ng tubig.
“Lolo sino po ang nagsabi sa inyo ng tungkol sa audition?” nakakapagtaka naman… unless….
“Tumawag sa akin si kumpadre ko, naikwento daw sa kanya ni annie na nakuha ito bilang Juliet at nagpapaaudition ang school nyo kung sino ang gaganap bilang romeo, well malaki naman ang tiwala ko na kayang kaya mong pataubin ang mga magiging kalaban mo. Kanino ka pa ba naman magmamana hindi ba!” may kayabangan din pala tong lolo ko!
“pero lolo sa totoo lang po hindi naman ako magaling umarte…” anu pa kaya ang maidahilan
“hep—“ pigil ni lolo sa anu mang sasabihin ko pa “hindi mo naman ako gustong ipahiya diba! Pupunta ako sa mismong araw ng role playing na yan, at gusto ko ikaw ang gaganap na romeo ok!!”
Grabe si lolo magsalita, nakakatakot “ ah eh sige po lolo, I’ll try my best po”
“hindi yan ang gusto kong marinig alexis, gusto kong iclaim mo ng ikaw si romeo, dahil hindi pwedeng may iba pang gumanap doon. Hindi pwedeng may iba pang makapartner si annie ok, ikaw lamang!!”
“opo lolo, ako po ang bahala” bahala na talaga si superman, hindi ako makatanggi, lagot ka sa akin mamaya annie….
Annie’s Pov
All smiles ako today. Excited pumasok sa school at mas excited akong makita si panget hahaha. Maaga akong gumising at nag ayos ng sarili, ngayon nga ay inaabangan ko na si Panget. Nakatayo lang ako sa may gate namin, ready na din ang bike ko.
Paglabas ni panget sa bahay nila, kitang kita ko ang salubong nyang kilay, pero dahil expected ko na ito e hindi na ko nagtataka! Alam kong kasalanan ko, pero at least panalo ako sasali na sya, madali ko naman syang mapapaamo , chokey na yan.
“hello panget!! Gud morning!!” ngiting ngiti pa naman ako.
“anu yun ha!! Bakit mo sinabi yun sa kanila, pinapahamak mo ba ako?” mataas ang boses ni alexis pero ok lang sa akin, sanay na ako at kasalanan ko naman.
“anu ka ba!!” hinawakan ko sa magkabilang pisngi si panget, then pinaglayo ko ung kilay nya “ang panget mo lalo today, ang aga aga nakasimangot ka”
“pwede ba wala ako sa mood makipaglokohan! Ginamit mo pa sina lolo para mapasunod ako sa mga gusto mo, well fine sige magaaudition ako… masaya ka na” Medyo nagulat ako dun ah… matagal nang hindi kami nagkakatampuhan ni panget eh, at sa tingin ko galit talaga ito. Bigla ba naman akong iwan, ang bilis pa naman nun magbike. At kahit anong habol ko, hindi ko sya naabutan.
Classes….
Classes…
Lunchtime… hindi ko makita kung nasaan si panget, san kaya un nagsuot? hindi ako sanay na galit sya sa akin....
Classes….
Classes….
Uwian…. Nakita ko si alexis sa paborito naming spot sa campus. Alam kong nakita na nya akong parating kaya ayun aalis na sana… pinigilan ko lang. “uy panget!! Wag ka nang magalit, sorry na! Hindi ko naman alam na magagalit ka ng ganyan.”
“Wala ako sa mood ok, pwede wag mo muna ako kausapin!” hmmp, ang suplado talaga nito.
“e wag ka na kasi magalit! Sorry na nga diba. Hindi ko na dapat ipinilit ang gusto ko! Kanina pa kaya ako hindi mapakali sa klase ko, hindi ako sanay na galit ka sa akin!!! Uyy panget bati na tayo” itinodo ko na ang effort ko sa paglalambing sa kanya pero mukhang wala namang epekto, nakasimangot pa rin. May pagyapos pa nga ako sa braso nya pero...
He just stared at me,, and it really made me guilty. “Well thanks to you, gagawin kong katawatawa ang sarili ko infront of everyone!!”
“kaya nga sorry na!! as in sooorrry poooo!!!”
“easy for you to say sorry, pero diba ito naman ata gusto mo, ung mapahiya ako! You know I don’t know how to act.”
We were actually shouting at eachother, buti na lang at wala namang ibang tao. What he said made me cry. “Ang OA mo naman mag react, yes aaminin ko nasinadya kong sabihin kina lolo para mapilitan kang sumali, pero ginawa ko naman yon para din sayo. Gusto kong iprove sa buong school na hindi ka suplado at mainitin ang ulo tulad ng sinasabi nila. Sabi nila buti na lang daw at gwapo ka, kasi ang sagwa kung kasing itsura ng mukha mo ung ugali mo… alam mo ba kung gaano kasakit sa akin kapag naririnig ko yun dahil bestfriend kita at hindi naman un totoo . Kaya gusto ko sumali ka din, para makilala ka naman nila, makita nila ung totoong alexis.” I just said what I wanted to tell him, alam kong mainit pa rin ang ulo nya so umalis na ko, uuwi na lang ako mag isa…
Alexis POV
What was I telling her?, bakit ba naging big deal ang role playing na toh?! Pero sigurado ako nasaktan ko ung damdamin ni takaw!.
I needed time para magsink in sa isip ko ung mga sinabi nya. I saw her crying habang sumasakay sa kanyang bike… pagewang gewang ung pagbabike nya, marahil dahil hindi sya makapagfocus dahil sa kakaiyak.
Parang dinudurog ang puso ko habang tinatanaw sya. Ang dami kong sinabi sa kanya na hindi maganda pero para sa akin pala ung ginawa nya.
Pumunta na ako sa sarili kong bike para habulin sya ng biglang… “aaaayyyy!!!” nagsigawan ang mga tao sa labas ng campus. Napalingon ako, at kitang kita ko si annie, nakahandusay sa kalsada…..
OOpppss!!! Chapter 5 pa lang poh!! Hindi pa po matatapos ang story na toh …naguumpisa pa lang po ako!!! This is just one of those na pagdadaanan syempre ng magbestfriend na si annie at alexis,,, happy reading guys…sa totoo lang hindi ko alam kung bakit naging tragic ung end ng chapter na ito kahit wala naman sa plano ko,,, pero itong utak ko, may naisip bigla eh, ayan tuloy. Ano nga kaya ang nagyari kay annie???? Panu na ung play??? Pano na si Alexis???Pero ang mas magandang tanong, maguupdate pa ba ako sa story na ito bukas o after 10 years ulit??? hahhaha!!!!
BINABASA MO ANG
Walang Iba ( a kathquen fan-fic)
FanfictionMay mga taong, basta na lang dumadating sa buhay mo, may mga tao ding constant na nandyan para sayo. Pero ang OA naman ata ng tadhana kay Annie at kay Alexis…. Sya na nga ang bestfriend mo, sya na din ang kabababata mo,,, kaklase, kalaro,,, pa...