Chapter 2

210 8 2
                                    

Alexis’s pov

“haay! Salamat wala ng istorbo” Nasa bubungan ako ng bahay namin ngayon. Muni muni pag may chance .”bakit ko ba kasi sinabi yon! Hay! ….Nakatingin lang ako sa stars, naisip ko ung nagyari kanina

FLASHBACK

“kami na lang po ang ipagkasundo nyo lolo, kaming dalawa ni Annie, hayaan nyo nap o si ate Bea at kuya John loyd” hawak ko lang ang kamay ni bestfriend,kailangan ko talaga ng suporta nya ngayon. Sa tingin ko pareho naman kami ng nasa isip. Knowing Annie, hindi ito papayag na may naaapi. …“ouch” biglang may nanakit sa tagiliran ko, pagtingin ko si Annie pala siniko ako, at ngayon masama ang tingin nya sa akin…

“teka lang po ha! wait lang, may paguusapan lang kami” sabay hila sa akin papunta sa labas “ano yon, bakit mo sinali ang mga sarili natin sa gulong toh?”naningkit ang mata ni Annie.

“sorry  takaw! Hindi kita nabriefing ng maayos… eto ang plan b namin ni ate bea!” paliwanag ni alexis

Sinuntok na naman ako ni takaw,, ang sakit ha! “plan b ka jan. bakit pati ako, na walang kamuwang muwang e dinamay mo!hindi tayo talo pangit ka kaya wag kang feeling”

“well  kasasabi mo lang partners tayo sa lahat diba!hindi rin naman kita type!makinig ka muna kasi… ganito yun,, remember ang napakarami nating kalokohan na pinagtakpan ni ate Bea, ngayon sya naniningil,”

“ha! isusumbong nya tayo kapag hindi tayo pumayag, blackmail ba toh”

 “well, plan A ung pagtatanan nila at dahil nga hindi umubra ang plan A e heto tayo ngayon sa plan B, kailangan nating magsakripisyo takaw” paliwanag ko pa

“naman eehhh!” sabay tingin ni takaw kay ate Bea na nagsusumamo ang mga mata.

“ano tara na” yakag ko kay takaw

“may magagawa pa ba ko! Kesa naman maungkat pa ang nakaraan” then pumasok na kami sa loob

“Alexis apo, anong pinagusapan nyo ni Annie? Totoo bang gusto nyo na kayong dalawa na lang ang ipagkasundo?” tanong ng lolo ni Annie

“OO naman lolo, crush naman naming ang isa’t isa e, diba takaw” ngumiti pa ako ng ubod ng sweet kay Annie

“Ah eh, oo naman mga lolo!” ngumiti din sya  “pinaguusapan lang po namin ung mga adjustments na mangyayari ahhahaha!!! Bakit ganun feeling ko any moment masusuka na si takaw, sabagay parang nakakadiri ang pinaggagawa namin

“wag kayong magalala, madali nman gawan ng paraan yan, at ilang taon lang naman ang hihintayin natin, pag 18 na si Annie e pwede na kayong pakasal, at mabigyan kami ng apo”si lolo ko naman ang nagsalita. “basta naman lagi kayong magkasama e hindi nyo mamamalayan ang oras.”

ano pong ibig ny sabihin lo?” bigla kong naitanong

sa susunod na pasukan ay first year college na si alexis at sinabi nya na criminology ang kukunin nyang course, at si annie naman ay  nasa high school pa lang,kukuha tayo ng  bahay na pwede nyong tirahan magkasama,” dagdag pa ni lolo

as you can see matagal na magkahiwalay sina john loyd at bea dahil magkalayo sila ng school, kaya kanya kanyang buhay pagibig.” Salitan lang sa pagkukwento ang dalawang matanda

“sa ngayon wala pa tayong problema dahil pareho kayo ng school, so pagtungtong ni alexis ng college, Annie lilipat ka ng school na malapit sa magiging school nya” planado na talaga nila ang buhay namin, ano pa bang magagawa ko

“ho???” sabay naming tanong ni takaw

you heard us right! Sa iisang bahay lang kayo titira! Hindi katulad ng ate Bea at kuya John loyd nyo na  magkahiwalay na sa lahat ng bagay kaya malamang nakahanap ng mga kung sino sino lang dyan.” Pagpaparinig pa ng lolo ni Alexis.

“ sa tingin namin mas magkakamabutihan kayo, at mas magkakalapit pa,,, naninigurado na kami, hindi na kami pwede pang sumablay sa inyo.” Ang lolo ni annie

Ano ba dapat ang mararamdaman ko, tumingin ako sa mga kuya ni takaw, panay lang ang tawa ng mga ito, napatingin ako kina ate Bea at kuya Zanjoe, ngiti ng pasasalamat ang nakikita ko, samantalang kilig na kilig naman ang mga magulang namin. Worst ang itsura ng mga lolo namin. Alam nyo ung fire sa mata nila, ung parang may mission order sila na dapat gawin,,,na malamang kami yon!

End of flashback

Humiga na lang ako dito sa bubong! Shaks ano bang gagawin ko?

“psst!!! Pangit!!” boses yun ni takaw ah! Napalingon ako sa may bubong nila. Isang dipa lang naman kasi ang layo nung mga bubong ng bahay namin

hoy panget! Halika nga dito, may paguusapan pa tayo!” tawag ako ni kumander, mahirap kapag hindi ako sumunod, lipat na lang ako sa bubong nila.

“panget pano na tayo?”

“magkaibigan pa rin! Wala namang problema sa akin kung kasama kita sa bahay, ok nga un e diba! At least may katulong pag nagcocollege na ko”

“katulong mo muka mo!!! Hello papasok din kaya ako” reklamo pa si takaw

“kasi naman matagal pa yon, gagraduate pa ako ng high school”

“sya tama na baka pagawayan pa natin  yan! Pero teka, sa tingin mo batama tong mga nangyayari na toh?” akalain mo nagiisip din pala ang matakaw na toh

“hindi ko rin alam eh, sa tingin ko mali ung ginawa natin, parang hindi na dapat tayo nakialam” nakita ko si takaw na huminga ng malalim at humiga… nahawa naman ako kaya nakigaya na din ako,

“bahala na! lets just see kung anong mangyayari! Mahirap naman kasing sumuway kina lolo, wala naman tayong choice. Ikaw kasi eh”

“oh akala ko ba partners tayo kahit saan! Kasali ka sa isusumbong ni ate bea kaya makipagcooperate ka!”

“ano pa nga ba! Malay mo diba magiba pa rin naman ang ihip ng panahon”

“you mean ok lang sayo?”

“naisip ko lang kasi na ok naman tayo, hindi naman tayo  nagaaway palagi, isa pa love naman talaga ni ate bea si kuya zanjoe at si kuya john loyd may ibang mahal na rin, its not fair kung ipapakasal pa sila, tayo wala pa naman tayong mahal diba”

“bakit ako, hindi mo ba ko mahal?” tanong ko kay takaw

“as friend siguro mahal kita! E ikaw”

“mahal din naman kita bestfriend,”

“wala din naman tayong magagawa kina lolo diba, we love them too kahit sobrang nakakatakot sila diba”

“Yeah right! So pano takaw? Welcome sa magulong mundo ng pagaasawa?”

“weh! Matagal pa yan!lets just do things as they come,ok!”

“ok”

Tumambay na lang kami sa bubong. May nadukot akong isang chocknut sa bulsa ko na pinag-agawan pa naming. Adik lang sa chocknut.

Pasensya na sa maigsing update,, Isinisingit ko lang kasi ito sa schedule ko hehehe!! Pls bear with me,,, promise pag hindi naman ako busy e  dadamihan ko ang update… Next chapter abangan kung ano ba ung sinasabi ni Alexis na isusumbong ni ate Bea nya in case hindi nila gawin ang plan B….

Walang Iba ( a kathquen fan-fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon