CHAPTER 2

191 8 0
                                    

Two.com


Hinahabol ko ang hininga ko ng makauwi sa bahay. Ang siraulong lalaki na yun! Bubullyhin pa ako! Kinuha ko ang mga notebook ko at nakita ang nahulog na pirasong papel na binigay ni Meireen.

Hmmm.. mga gwapong lalaki huh? Ngumiti ako at sisimulan na sanang magpunta sa website na yun ng makita ko ang tambak kong mga notebooks at hand-outs.

"Aish.. assignment muna nga," at inipit ko sa ilalim ng aking cellphone ang pirasong papel.

Pagkatapos ko sa lahat ng homework ko ay binuksan ko na agad ang notebook ko. Siguraduhin lang talaga ni Mei itong website na 'to! Pagka-click ko ng enter ay bumungad sa akin ang isang puro rose na website.

"Good evening! Welcome to our paradise! Are you new here or you already have a log in id?"

Pinindot ko ang "new here" option.. Sinasabi na nga ba! Dating game ito!

Username: Tsunderella

Email: jara_lynne@yahoo.com

Password: wehpassword123

"Welcome Tsunderella!"

Panay ang skip ko dahil ang daming kuda ng narrator, naiinip ako. Gusto ko ng makita yung mga gwapo! Kamalas-malasan.. Tatlo lang ang online ngayong oras na 'to. Isang nakaside view, isang nakatalikod at isang walang picture at walang frequent chat mate. Kinuha ko agad yung cellphone ko at tinawagan si Mei.

"Ano ba 'tong website?! Puro mga weirdo ang kasali! Sabi na nga ba at niloloko mo lang ako."

"Ha? Online ka na? 8 pa lang.. 10pm ang simula ng chat. Baka napabisita lang ang mga yan. Chat mo na rin," kinikilig niyang sabi.

Binaba ko na lang ang tawag dahil mukha namang walang kahihinatnan. Dahil curious ako kay LonelyFlower (walang dp) ay sinimulan ko siyang i-chat.

Tsunderella: hi!

Hindi agad siya nag-reply kaya baka nag-offline na. Bumisita muna ako sa twitter at nagbasa ng kung ano-anong kaartehan galing sa mga kaklase ko ng biglang may mag-pop na flower sa screen ko.

1 message received.

LonelyFlower: hello? This is new. You noticed me.

Tsunderella: ha? What do you mean?

Asar ah. Foreigner pa 'ata ito. Aysh! Patay ka Meireen!

LonelyFlower: I often log at this hour but no one is sending me a pm, except today. Thank you.

Tsunderella: no-no! I'm just new here.

LonelyFlower: oh that's why.. Can you make me your frequent chat mate. Tho, I can't show you my face. I'm not a flower boy.

Hmm? Sayang naman kung di 'to gwapo.. pero imposible! Website 'to ng mga gwapo eh!

Tsunderella: I don't believe you.

LonelyFlower: so you like handsome boys?

Tsunderella: no!

Okay. Die Jara, die! Sinungaling!

LonelyFlower: hahaha! Liar.

Tsunderella: o.o

LonelyFlower: i have to go. I'm here from 8pm to 9pm only, so I hope to have some time with you every now and then.

Tsunderella: okay. Take care! Good night!

LonelyFlower: same here.

(LonelyFlower logged off)

Parang natuwa naman ako sa nangyari kanina, inaantok na rin ako kaya bukas ko na siguro titignan yung ibang pwedeng maka-chat. Sa ngayon, pagkakaabalahan ko muna ang misteryosong si Lonely Flower.

Mukhang sa akin lang ang atensiyon niya since walang nagtsa-chat sa kanya. Hehe.

www.PatayKangBataKa.comWhere stories live. Discover now