CHAPTER 27

82 7 0
                                    

27.com


Next day ay nagkakagulo sa quadrangle dahil sa hindi ko alam na dahilan. Pinuntahan ko iyon at nagulat ng makita sila Alona na sira-sira ang suot na shirt habang tumatakbo sa oval.

"Anyare?" tanong ko sa katabi kong di kilala.

"Galit 'ata si Ervy sa kanila," sagot naman niya ng di ako tinitignan.

Tumingala ako at nakita ko ang nakangising si Ervy na pinagmamasdan lang ang mga babaeng pinapahiya niya. Anong trip niya? Patakbo akong umakyat para patigilin na sila.

"Evil Boy!"

Napatalon sa gulat si Ervy at mabilis na lumapit sa akin. Tinitigan ko lang siya kahit nakabalandra ang mapuputi niyang ngipin sa harap ko.

"Itigil mo na iyon, mga babae pa din iyon!" sigaw ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita at nilingon sila Spade at binigyan ng kung anong utos.

"Pangalawa na yan.. At uulit pa siya panigurado," hinila niya ako para bumaba na. "Tara na nga, time na."

Pababa kami papunta sa classroom ay hinampas ko ang likod niya. Tumigil kami sa paglakad at galit niya akong tinignan.

"Wag mo ng uulitin yun!"

He sighed.. a very deep sighed. "Fine," at kinunot niya ang noo niya, "pero hindi ako magso-sorry kaya wag mo kong piliting gawin yun."

Iniwan na niya ako at nauna ng umalis. Napatingin na lang ako sa palapulsuhan kong hawak niya kanina.

Break time na at parang masaya pa si Alona sa ginawa sa kanya ni Ervy dahil todo talak lang sila sa kanilang usual na puwesto. Nagulat ako ng dumating si Wynona at tinitigan lang niya si Alona ay nagback-off na ito.

"Eh mas takot pa siya kay Wynona kesa sa iyo Ervy," sabi ko bago kinain ang binili niyang spaghetti.

"Kaya nga pag umulit pa siya.. Yang Queen B na ang ihaharap ko, wala na siyang takas diyan kay Wyn-Wyn."

"Maka-Wyn-Wyn.. Close?" pabiro kong sabi.

"Oo.. Pinsan ko siya."

Muntik ko ng maibuga ang kinakain ko dahil sa sinabi niya. Birds of the same feather talaga. Nakita kong may kinuha siya sa bag niya.

"Oh.. Pasira mo ulit."

Lumawak ang ngiti ko dahil sa inabot niyang bagong t-shirt, mabilis ko iyong itinago sa bag. Natapos ang klase para sa araw na 'to at excited na akong makauwi dahil baka nakita na ni Flower Boy ang video ko, di siya nakareply kagabi eh. Wala din practice ngayon dahil busy si Taj kaya nakauwi ako ng maaga.

LonelyFlower: the routines are great! And you're really genius!

Kinilig agad ako sa reply niya kaya ginanahan akong mag-practice. Sasayaw ako after namin mag-usap.

Tsunderella: thanks! I'm not genius! Hahaha. By the way, our intrams will be next week. The cheering will be the first competition.

LonelyFlower: i'll just come and look for you.. Can you send me a picture of yours?

Nag-alala ako doon pero dahil magaan ang loob ko sa kanya ay nagpadala na din ako. Itong kuha sa akin ni Spade ang binigay ko para maayos naman ang kuha.

Tsunderella: here.. Hihi, sorry for being ugly

LonelyFlower: no.. You're pretty. I have to go.. Good night

Tsunderella: okay! Good night too!

Sunod-sunod ang practice at talagang nakakainis na itong si Alona. Hindi naman kami basketball pero kanina pa ako pinipisikal. Naasiwa ko siyang tinignan pero inirapan niya lang ako.

"Hoy Jara. Baka mag-extend kami ng 1-hour, hintayin mo ako ah!" masungit na sabi ni Ervy.

"Opo master," at yumuko pa ako.

Tinulak niya ang noo ko. "Tigilan mo yan!"

"Masakit!" singhal ko sa kanya.

Pumalakpak si Taj kaya tumakbo na ako palapit sa kanila. Nagulat ako ng makitang nakaupo sa tapat na bench namin si Wynona.

"Nandito ang bestie ko, kaya umayos kayo," naka-pouty lips na naman niyang sabi.

Nagtinginan ang lahat kay Wynona at napatingin naman ako sa grupo nila Ervy kung saan nakanganga si Spade.. Ang ganda kasi ni Wynona eh, kaya siya Queen B.

"Bestie dali! Magpaparlor pa tayo!"

Narinig ko ang bulungan ng lahat, nagtataka sila kung piko ba si Wynona oh may sinalihang iba.

"Sa pageant yan syempre! Balita ko nga ay si Spade daw ang sasali sa boys," kinikilig na sabi ni Peachy.

"Hoy! Daldalan ng daldalan! Di niyo nga kabisado ang step!" sigaw ni Alona.

Nagsimula ang sayaw at nasa favorite part na kami, yung trio. Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Wynona.

"Go girlfriend ni Ervy! Galing mong sumayaw napanood ko sa video ni Ervy!"

Natigil ako at mukhang natigil din ang practice dahil sa sigaw ni Wynona. Nakangiti siyang humarap sa grupo nila Ervy.

"I just stated a fact!"

Hindi siya pinansin ni Ervy at nag-practice ulit habang di pa din kami nakaka-recover hanggang sa pumalakpak na si Taj.

"Girls! Back to base 1! Alam kong maganda si Bestie pero wag niyo siyang pagkaguluhan!"

Nalilito man sa sinabi ni Wynona, nagpatuloy pa rin ako sa pag-indak. Tatanungin ko mamaya ang Evil Boy na yon kung paano niya ako nakuhaan ng video.

Hindi kaya...

May hidden camera dito?!

www.PatayKangBataKa.comWhere stories live. Discover now