CHAPTER 24

94 6 0
                                    

24.com


"Jara! Dun ka sa likod ni Bambi!"

Kahit naiinis ako ay naglakad pa din ako palikod, sobrang nice nito! Natatabunan ako ng mas matangkad sa akin! Sasabunutan ko ang Alona na 'to kapag nagkaroon ako ng pagkakataon!

"So guys! Si Taj ulit ang kinuha ko since nanalo tayo last year. Huling taon ko na ito and I won't settle for second best! Please cooperate and enjoy the groove of music!"

"WHOO!"

Nagsigawan ang lahat maliban sa akin pero wala naman din akong paki eh. Umirap lang ako at inayos ang sintas ng sapatos ko saktong pagtayo ko ay may humawak sa balikat ko.

"Anong ginagawa ng isang makinis na babae dito sa pinaka likod! Iharap ito!"

Nagulat ako ng itulak ako ng baklang ito paharap! Trouble ito! Pilit ako ngumiti kay Alona & friends pero sabay-sabay lang silang nang-irap. Ok fine! May nilabas na cd ang baklang mukhang nakita ko na sa tv, ibig sabihin ay choreographer talaga ang magtuturo at di lang basta puchoo-puchoo? Ayos!

"Eto ang music natin, ako na din ang nag-remix ng mga kanta kaya wala kayong choice kundi ang sundin ako," sabi niya gamit ang maarteng boses with pouty lips.

"Hala! Pa-bebe!" nakatawang sigaw ng grupo nila Alona dahil nandyan na ang basketball team.

"Wala kayong pakialam kung pa-bebe girl ako.. Gusto niyong kumain ng aspalto?"

Dun ako natawa! Ang epic nung pagkakasabi niya na pati yung iba halos maubusan na ng hininga kakatawa. Malandi siyang tumakbo papunta sa grupo nila Ervy at parang lalaking nakipag-body bump. Siguro nga ay lalaki talaga ang isang 'to at nagkukunwaring bading lang. Napansin kong tinuro ako ni Ervy at nakangiti silang nagbulungan. Tss.

"Ready girls?!" tili niya. "Warm-up! 1-2, 1-2!.."

Grabe ang mga routines at stunts niya! Nauubusan ako ng hangin! Umiinom ako ng tubig ng lapitan ako ni Ervy.

"Marunong ka palang kumembot?" nakangisi niyang sabi.

"Alam mo.." at tinaasan ko siya ng kilay habang sinasara ang tubig ko. "Che!"

Tumakbo ako pabalik sa circle ko at nainis sa ngingiting mukha nitong Taj.

"Girl. May kamukha ka sa Technical School.. Aware ka?" nakangiti pa din siya at naka-pout.

"Sa may district?" nakita kong tumango siya sa tanong ko. "Kambal ko yun."

Tumayo siya at patakbong lumapit sa akin. "Ooh! You're interesting! Bakit ngayon ka lang nag-join?"

"Ha? Pinilit lang ako ni Evil Boy," ismid kong sabi.

"Evil Boy?"

Tumango ako at tinuro ang mga nagpapractice. "Ervy Bryan."

Nagulat ako sa malakas niyang pagtawa at paghawak sa dalawang siko ko.

"Now! You're even more interesting!" tumingin siya sa lahat at pumalakpak. "Ready! Girls!"

Umulit na naman kami sa base 1, eto yung mahirap.. Nalilito ako sa kanan at kaliwa ko. Panay tuloy ang tawa ni Alona sa tabi ko kaya irap ako ng irap. Di bale, pagdating sa phase 3 ay nahihirapan naman siya.

"Alona!" sigaw ni bakla. "Kembot lang yan dear! Ayan si Jara o! Galing sa freestyle."

Namula ako dun at imbes na galingan ay binagalan ko ng kaunti, ayokong pag-awayan pa namin ito ni Alona. Tumakbo ako sa likod para sa lifting, agad-agad naman kasi ito! Nakangiti ako kahit tabingi ang tayo dahil nabibigatan 'ata si Samuel sa akin. Humingi ako ng tawad pagkababa ko.

"Sorry Sam."

Okay na sana ito except dito sa base 1 na tatlong beses dapat ulitin! Leche!

"Jara! Nabubuhol ka na!"

Gusto kong sumigaw ng shut up dahil nakatigil ang boys at pinapanood kami. Nanatili ang tingin ko sa harap habang papasok ang kantang International Love. Damn! Eto yung isa ako sa ginitna!

Conscious na conscious ako dito sa part na parang solo pero hindi. Kinakabahan akong magkamali hanggang sa biglang matamaan ng kamay ni Alona ang mukha ko. Blag! Sigaw lang ni Ervy ang narinig ko sa gitna ng sigawan at tilian ng lahat.

Dumilat ako at nagulat ng makita sa harapan ko si Jay. Sht! Napaupo ako kaya tinulak niya ako pahiga.

"Manahimik ka!" sinilip niya ang bandang pintuan. "Wala pa ba?"

"WALA PA!"

Nagulat ako sa sumigaw. "Nandito si Cholo!? Wag mong sabihing kumpleto kayo!"

"Kaming dalawa lang dahil ginagawa ni Yo ang homework namin," asar niyang sabi.

"Umuwi na lang tayo. Magsasara na ang school."

Pinilit akong tumayo pero nagulat ako ng biglang may bumuhat sa akin na nagpatili sa akin.

"Ervy!" sigaw ko sa gulat.

"Ervy!" sigaw ni Jay sa galit.

www.PatayKangBataKa.comWhere stories live. Discover now