Childhood Days
"Say hi to your new friend Harry!" Sabi ng mama nito sa batang lalaki.
"Hi" Bati nito sabay simpleng kaway sa batang babae sa harapan nito. Medyo nahihiya pa ito dahil iniisip niyang ang pangit niya dahil mataba siya.
Hindi niya mapigilang mapatitig sa batang nasa harap niya sa kagandahan at amo ng mukha nito. Maliwanag at maaliwalas pa ang ipinapalabas na aura ng batang babae na iyon kahit na saglit lamang siyang nginitian nito.
He's quite unsure if she's being timid or disrespectful.
"There it is! You're now friends!" At nagtawanan na ang mga magulang ng mga batang bago pa lamang nagkakilala.
Ganun lamang kadali at nagsimula na silang magkasama mula bata pa lamang. Madalas magbisitahan sa kani-kanilang mga bahay ang mga magkaibigan kaya naman ganun din kadalas silang magkita.
Iniisip ng mga magulang nito na naging magkaibigan na nga sila internally at hindi lamang physically dahil madalas silang magkasama. Ang hindi nila alam, walang kibuan na nangyayari sa loob ng playroom nila.
May kanya kanya silang mga mundo kapag naglalaro. Maaaring barbie or movies ang inaatupag ng babae samantalang robot o psp naman sa batang lalaki. Casual lamang ang mga napag uusapan tulad ng 'kakain na', 'aalis na kami' at kung anu ano pang general ang sense.
Bata pa lamang din sila nung madalas atakehin si Miarah ng sakit nitong Asthma. Napakasakitin ng babae mula pagkabata. Na diagnose na ito noon ng Anemia, at ang worst case niya ay yung nagka Dengue.
Na admit siya sa hospital dahil sa lumalala ang Dengue nito. Malapit na niya itong ikamatay, ngunit sa awa ng Diyos, nakasurvive naman din siya.
Sakto pa talagang nag out of town sila nung mga oras na iyon dahil summer iyon nung nangyari. Pagkabalik lamang namin nalaman na ganun pala ang nangyari.
Mula noon, napansin kong takot na takot siya sa karayom. Marahil ay trauma ito dala ng pagkaka-admit niya sa hospital ng halos dalawang buwan.
Likas na marami na siyang alam tungkol sa mga medisina at sakit ng mga tao. He even knows how to perform basic emergency procedures to immediate patients. Lalo na sa cases tulad ng kay Miarah.
Pinag-aralan rin niya paano kumontrol ng phobia ng isang tao. He's trying to know the general stuff about psychology, and he's quite very good about it. He can even tell if a person is lying or not just by staring at him/her.
Actually, he doesn't like sickly people because he dislikes dirt. Anything stained is a piece of junk in his eyes. But what can he do? He's assumed to be a doctor in the future and he has to deal with different kinds of 'dirt' in his profession.
One thing he also hates is rejection. Mula pagkabata, nakukuha niya lahat ng gusto niya at kahit na mataba siya'y never niya na experience ang mabully dahil kilalang maimpluwensya ang kanilang pamilya. Walang mangangahas na kalabanin sila.
He also learned how to do the sport of martial arts, specifically jiu jitsu. Ground work is his specialty, and he's been to numerous tournaments that he, of course, won.
Tatlong katok ang narinig niya sa pintuan at walang pasabing pumasok ang dalagita sa loob ng kaniyang kwarto. Agad itong nag iwas ng tingin noong nagtama ang mata nila dahil too late na noong napansin niyang nakahubad ng t-shirt ang mga kaibigan nitong lalaki.
Kagagaling lang kasi nila magbasketball at ang dating matabang bata ay lumaki bilang isang matangkad at may tamang hubog na katawan na binata.
"Snacks niyo raw. Pinapabigay ni tita Leanne." Tipid nitong sabi at iniwan lamang ang tray sa table ng kanyang kwarto. Nagmamadali itong umalis at hindi sinasadyang mapalakas ang pagkasara ng pinto.
Kinalabit siya ng kaibigan nito at ngumiti na parang manyak.
"Harry ang ganda naman ng kababata mo. Ipakilala mo naman siya samin!" Sumang-ayon naman ang ilan pa niyang kaibigan.
Bago pa man siya makapagreact ay sumabat naman ang kanyang matalik na kaibigan.
"Mahiyain yun." Sabi ni Mark at kinain ang cookies na iniwan ng dalaga. Nakangiti pa ito habang nakatingin sa labas ng bintana.
He curiously eyed on his bestfriend. He knows that there's something going on his head that's quite unusual, something that's out of the norms, but he shrugged it off and continued wiping off his sweat.
Sa school, kilala siyang pinakamatalino sa lahat sa pagiging legend nito na top 1 ever since pumasok siya sa paaralang iyon. Pumapangalawa sa kanya si Miarah na siyang kababata niya.
Fuentevuelo, Harry James - Top 1
Villavicencio, Miarah - Top 2
Sa may di kalayuan, nakita niya itong nakatingin sa listahan ng Top Ten sa buong year level nila sa bulletin board. Unti unting bumaba ang mga balikat nito, nakayukong umalis rin doon pagkakita ng results.
He knew exactly what she was aiming. He knew it so damn well, but he's trying to tease her and to purposefully push her down.
She had her reasons for trying so hard, but he had his own personal reasons too for exerting some effort in studying even if he didn't needed to.
"I'll strive harder so you'll stay." He said within himself and walked away.
BINABASA MO ANG
Hey Harry!
Adventure[REVISING] READ AT YOUR OWN RISK DAHIL MARAMI AKONG INE-EDIT NA PARTS NA WALANG PASABI. No more introductions, learn them through the story itself.