Get you home
Isang pitik sa noo ang nakapagising sa tulala kong diwa. Agad ko siyang binigyan ng masamang tingin sa sakit at pagkabigla ko.
"Bwisit ha." Sabi ko.
"May lakad ka mamaya?" tanong ni Athena sa'kin.
Napaisip tuloy ako sa mangyayari mamayang gabi. We're about to fix ourselves and go to the Fuentevelo's mansion for a big event.
It's Tita Leanne's birthday, and of course, we're invited. Kasama narin doon ang iilang kaibigan ni Harry, pero of course, they might not know me or something. They're from the upper class men, and I know that they won't pay much attention to me since I'm not from some big family.
However, mom's very excited about it though.
Marami siyang pinamili tulad ng mga bagong make up kits, mga dress na pagpipilian namin at kung ano ano pang mga alahas na babagay roon.
"Meron Athena, bakit?" Tanong ko pabalik sa kanya.
Napangiwi siya sa sagot ko at sumimangot. I knew that I disappointed her, but what's new? It's not like palagi akong naiiwan sa school eh lagi nga akong maaga umuwi.
"Pareho lang kayo ni Trixie. Masyadong in demand." Humalukipkip siya sa gilid ko at sabay naming hinintay ang teacher na pumasok sa period na iyon.
Isa pa yun. Laging nawawala nalang bigla, yun pala may okasyon dinaluhan. Kung in demand lang ang usapin, mas in demand si Trixie kaysa sakin.
Pagkaring ng bell ay agad akong kumaripas paalis ng paaralan para maagang makapag prepare para sa party. Magagalit sa'kin si mommy kapag matagal akong nakauwi!
Shit!
Opening nga pala ng isang malaking mall malapit sa school kaya naman dagsa ang mga tao at dahil doon ay wala akong masakyan pauwi. Ni taxi ay wala akong mahagilap!
May iilang mga jeep ang humihinto ngunit agad rin itong pinupuno ng mga taong nagsusumikap ring makapasok at makasakay rito. Madalas akong natatapon sa gilid sa lakas at dami nila.
Pinunasan ko ang tumutulong pawis sa noo ko dulot ng init ng papalubog na araw.
If I can't make it by 5pm, I'm sure that I'll be a dead meat.
But suddenly, a black and sleek car parked infront of me. Alam kong hindi iyon para sa akin kaya naman ay luminga ako sa mga paparating pang jeep, ngunit napansin ko kung paano ako tinititigan ng mga tao.
And since I'm not guilty, hinayaan ko lamang sila at nilihis ang mga mata ko sa kanila.
There are plenty of people around me and around the probability of 10 chances, it's just 1 out of all those chances na ako ang sadya nito. I'm pretty sure that --
"Are you just going to stand there?"
Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng mga katagang iyon.
To my horror, it was Harry leaning against his black and dark tinted new car. It's the reason why I can't recognize it. It's because it's his new car. Jesus, rich people.
"Malamang, naghihintay ako ng masasakyan eh."
Sakto pagkasabi ko nun ay may jeep na pumara at napakaraming pasahero ang bumaba galing dito. I need to get there!
Dali dali akong naglakad patungo dito ngunit bigla akong hinablot ng isang kamay na siyang dahilan kung bakit natapilok ako at sumubsob sa dibdib niya.
"Gago! Paano kung nahulog ako?!" Sigaw ko sa kanya kaya naman ay pinagtinginan kami ng mga tao.
"There's nothing to worry about because I got your back." Kalamado niya sabi habang inaalalayan akong makatayo.
Shit, mukhang nasprain pa ata ang mga paa ko. I can't seem to move them without agonizing in pain.
"Tignan mo! Nagkasprain tuloy ako, ow!" Daing ko nung sumakit ito.
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at madaling dinaluhang ang paa kong nagsisimula nang mamaga. Lumuhod siya para makita ito ng maayos.
Nag-aalinlangan akong ipakita iyon sa kanya lalo na't nakapalda kami at konting kibot lang ng hangin ay may makikita siyang hindi dapat. Mas lalo lamang lumamig ang kalamnan ko nung hinawakan niya ito.
"I'll get you home." Sabi niya habang sinusuri ang paa ko.
"No. I don't want to get entangled with you." Tanggi ko ngunit nakita ko kung paano kumunot ang noo niya sa galit at inis.
I know just how stubborn I can be, but it's true. I don't want to have any complications with my peaceful life. Being with him means an issue and the people around here may not seem to know me, but if some school mate or class mate comes by, it would mean disaster.
"I am going to get you home." He said with finality and opened the door to his car.
In a swift, he carried me in a bridal style and pushed me to his shotgun seat. Hindi na ako nakapumiglas at tuluyan na niyang pinaandar ang sasakyan niya.
Agad kong napuna kung gaano nabusog ang mga mata ko sa ganda ng sasakyan niya. Halatang napakabago pa nito at hindi nakaligtas ang purong pagka itim ng buong paligid. Masyado pang malamig ang aircon nito dahilan kung bakit madaling nagkaroon ng pawis ang mga palad ko.
Is it really because of the aircon or because of the tense air inside?
Nakakabingi ang katahimikan sa loob at ang tanging kaya kong titigan ay ang mamahaling relo na nasa kaliwang kamay niya.
Medyo maputi si Harry kumpara sa ibang lalaki na tan ang kulay. Mahahalata mong kutis mayaman at dahil sa likas siyang germophobic ay maarte rin siya sa katawan.
Napakagat ako ng labi ko nung magharumentado ang puso ko sa bilis ng takbo niya.
Is he so mad about me rejecting him?
"Are you going to send me to hell?" Tiim bagang kong tanong sa kanya. It's a surprise that I'm so brave to ask or even yell back at him this day.
"No baby," He said, and slowed down with a softened face.
I felt like a piece of my heart was shattered, but I kept a straight face all the way of the journey.
BINABASA MO ANG
Hey Harry!
Adventure[REVISING] READ AT YOUR OWN RISK DAHIL MARAMI AKONG INE-EDIT NA PARTS NA WALANG PASABI. No more introductions, learn them through the story itself.